Chapter 59: Radford's Announcement

196 11 2
                                    

JAE/JAGER'S:

Improving na talaga ang Black Stones. Parang kailan lang nang maging member namin si Khaki. Sobrang intact na rin nya kina Harold, Marco at Yoshiro. Kapag nagkukulitan naman sila ay parang sobrang tagal na talaga nilang magkakakilala. Oo, aminado ako na naiinis ako sa kanya no'ng una, na parang ayoko siyang papasukin sa buhay ko dahil sa nangyari sa'min na epic ni Blythe. Pero dahil sa kanya unti-unti akong naka-move on at magtiwala muli sa isang babae.

Hindi na rin ako mahihiyang aminin na unti-unti na siyang napapamahal sa'kin. Willing naman akong maghintay ng tamang oras at panahon dahil sulit naman ang paghihintay dahil siya si CASSIOPEIA KRISTA SARMIENTO – ang aking 'rock princess'.

"Nice set guys! I'm so proud of you!" Maski ako napatawa sa sinabi ko.

"OA mo, 'tol!" napapailing pa si Harold habang inilalagay sa stand ang ginamit nyang gitara.

"Gutom na kasi kami kaya ginalingan na namin ang performance,
." Hinimas-himas pa ni Marco ang tiyan nya habang nagsasalita.

"Tama! Gutom na rin ako, e!" As usual, the eating monster Cassiopeia.

"Magpapahanda na ako ng snack." Palabas na si Yoshiro ng Entertainment Room nang mag-ring ang phone ko kaya napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa'kin.

"Hello, kuya. Yes. Sa resthouse? Ngayon na? Okay shoot, bye."

Pagkatapos kong makipag-usap kay kuya Radford ay napatingin ako sa mga tao na nasa E.R. na sa'kin pala lahat nakatingin.

"Bunso, forget the snack. We'll all go to our resthouse. Nandoon kasi sina kuya Radford at ate Krystelle. May important announcement daw sila kaya pinapapunta nila tayo doon."

"Cool! Nakaka-miss tumambay doon!" Excited pa si Harold sabay thumbs up.

"Tama si 'insan! Tara na!" Segunda naman ni Marco.

"Kasama po ba kami kuya Jager?" hinihigit naman ni Sophie ang laylayan ng jacket ko.

"Of course baby girl," I smiled at her at ginulo ang buhok nya.

"Yehey! Nagtatalon pa siya at patakbong lumapit kay Sachie na nakatutok sa videocam nya.

Inayos muna namin ang mga ginamit namin sa rehearsal and off we go to our resthouse. Huling punta ko roon ay no'ng kasama ko si Cassiopeia at dun ko din nalaman ang weakness nya. Na kahit sobrang 'astig' nya sa paningin naming lahat ay may itinatago pa din siyang kahinaan.

*****

"Wow ang ganda po ng bahay nyo kuya Jager!" Hawak-hawak ko si Sophie habang papasok na kami sa resthouse. Pwede na nga kaming 'Father and Daughter' tandem. Kidding side, nakaka-miss talaga rito sa resthouse.

"Nakakagutom ang amoy ng pagkain," suminghot-singhot pa si Marco nang makarating na kaming lahat sa living room.

"Sang-ayon ako kay Marco."

Mapaparami na naman ang kain ko nito!" Si Cassiopeia 'yan.

"Just right on time guys! Dinner's ready!" Magka-akbay na kuya Radford at ate Krystelle ang sumalubong sa'min.

"Ayos!" Chorus nilang lahat maliban sa'kin kasi ako ang POV dito.

Naupo na kaming lahat sa may dinning room at totoong nakakagutom nga ang mga inihanda nila for dinner.

After a short prayer led by ate Krystelle ay nagsimula na kaming kumain. Sa sobrang ingay ng mga kasama ko ay parang may birthday celebration lang dito sa bahay.

Nangangalahati na kami sa pagkain nang magsalita si kuya.

"First of all, thanks to my one and only Krystelle na nagluto lahat ng food tonight," kinurot naman siya ni ate Krystelle habang natatawa.

"Second, nagkaroon bigla ng instant reunion dito sa resthouse. Thank you guys! Sayang wala sina Mel at Alice dahil may show sila ngayon," itinaas namin ang mga baso as a sign of cheers.

"Lastly, nandito kayong lahat to witness a very important announcement. Me and Krystelle we're–"

"Getting married?" Putol ni Harold sa sasabihin ni kuya.

Binatukan tuloy siya ng pinsan nya. "Panira ka ng moment 'tol! Excited ka? Excited?"

"Sorry na, na-excite lang!" Nagtawanan tuloy ang lahat.

Naiiling pa din si ate Krystelle at nangingiti. "Yes. Me and Radford are going to tie the knot soon." At inihilig nya ang ulo sa balikat ni kuya.

"Woohoo!"

"Kasalan na!"

"Best wishes!"

"May kainan ulit!" ang kulit talaga nitong si Harold.At sabay-sabay kami nag-cheers. Lalagay na sa magulo este tahimik ang kuya ko. Sino'ng mag-aakala na magkakatagpo ulit sila ng landas ng long-lost childhood sweetheart nya? Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

****

Pagkatapos ng masarap na hapunan ay nandito na kami sa living room at nagbobonding. Napahiwalay na sa'kin si baby Sophie dahil kalaro nya ang Akko Sisters pari na din si bunso (Yoshiro). As usual 'yung tatlo na naman ang nagkukulitan (Cassiopeia, Harold at Marco). Si Sachie naman ay kausap sina kuya at ate Krystelle.

Kinalbit ko si Marco at binulungan. Tumango naman siya at tumayo agad at sumunod sa'kin. Sabay pa naming kinuha ang acoustic guitar at beatbox na magkatabi sa may gilid ng piano.

"Ehem! Attention please," kaya lahat sila ay napatingin sa'kin."I would like to dedicate the song 'Treat You Right' sa dalawang magpapasakal I mean magpapakasal," natawa ako saglit at saka sumeryoso. "And to someone special."

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now