Chapter 43: Intro to Musikrakan Twist/Final Round

202 16 8
                                    

A/N: Dahil almost 3 days na akong di nag-aupdate dahil medyo busy kaya eto short UD lang muna HAHAHA intro pa lang naman to ng Twist/Final Round :D kinukulit na kasi ako mag-update so ayan XD

JAE/JAGER'S:

"The two bands who make it to the twist and final round are...!" pabitin na sabi ng Emcee. Confident naman ako na pasok ang Black Stones sa susunod at siyang huling round ng Musikrakan.

"GUS IN PLAID SHIRTS!"

Magkahalong sigaw at palakpakan ang maririnig sa buong Music Dome.

"...and BLACK STONES!"

At nadoble pa lalo kasabay ng pag-chant sa pangalan ng banda namin.

Nag-cheer naman ang Team BLAST kasabay ng WTCHS at ng iba pang kaibigan ni Khaki. Napansin ko din na nasa crowd din si Hagan na childhood friend ni bunso na katabi naman nina Radford, Krystelle, Mel, Alice at Alexandrea na mga nagchicheer din for our band.

Nag-thumbs up at rock sign naman sa'kin ang dalawang guest bands na BlackOut at Raindrops na mga kaibigan at ka-jamming na din namin.

Kitang-kita ko naman ang bakas ng tuwa sa mukha ng bandmates ko at nang mapatingin ako kay Khaki ay sumaludo pa ito sa'kin.

"At muling maghaharap ang dalawa sa pinakamagaling na banda last year. Will Guys In Plaid Shirts still holds the title as the Musikrakan Champion or Black Stones will make their sweet revenge?" tanong ng Emcee sa crowd.

Kanya-kanya namang chant ang crowd ng mga pangalan ng dalawang banda.

"Sa huling round na ito ay magkakaroon ng twist. Diskarte nyo na kung paano nyo mapapabilib ang buong Music Dome. Pwedeng magpalit ng vocalist from other band members o kung gusto nyo ay kumuha kayo sa audience ng makasama nyo sa rock and roll!"

Muli ay sigawan at palakpakan ang namayani sa loob ng Music Dome.

A/N: And cut...! Bawi ako next chapter hahaha intro pa lang ito ok?

Pierres Noires (Black Stones) √Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang