Chapter 48: Lovestruck?

247 13 4
                                    

JAE/JAGER'S:

Three days ago after Musikrakan ay back to rehearsal kami para naman sa benefit concert sa Ashworth High at sa incoming Christmas Party sa ARV-U. Guest band din nga pala kami sa Skyview Academy. Sunud-sunod sched namin pero ayos lang. Kasama din namin ang Raindropas at Black Out na magpeperform sa A.H. Para naman sa tugtugan sa ARV-U ay naisip ko na dalhin ang mga bata from Elizalde Home of Hope dahil may iba't ibang booths at fun rides din ang inilagay sa buong University.

Tatlong kanta ang inihanda namin para sa benefit concert: Two Is Better Than One, Hallelujah at Hanging By A Moment. Ang mga kinanta naman namin sa Musikrakan na My Heart at Iris ang kakantahon namin for ARV-U Christmas Party.

Nakatapos na kami ng 3 sets of songs at break na muna nang tanungin ko si Khaki. "Si Alexavier ba 'yun?"

"A-ang alin?" gulat na tanong nya.

"Yung nanuod sa Musikrakan na katabi ni Alexandrea."

"OMG. So ibig sabihin hindi ako nag-hahallucinate that time kasi nakita mo din siya?"

Tumango ako. "Kahit nasa kabilang buhay na siya ay supportive pa din sa'yo ang kababata mo."

"Tama ka. I don't believe in ghosts pero sure ako na siya talaga 'yung nakita ko sa Musikrakan."

"He must be very proud of you Cassiopeia."

"Sana nga JAE...sana nga.

"I'm very sure about that.

"Jager, Khaki tara! Meryenda muna" yaya ni Harold sa'min.

Nandito kami ngayon sa Entertainment Room nina Yoshiro. Astig talaga dito kasi para kang nasa galaxy. Si Hagan ayun tinulugan kami hehe pambihirang bata 'to. Napaka-cozy naman kasi kaya mahihikayat ka talagang matulog gawa ng ambiance.

Naka-dalawang pasada pa kami ng 5 kanta bago mag-uwian at inabot na kami ng 10pm. Dahil dala naman ni Harold ang kotse nya kaya sa kanya na sumabay si Hagan at si Khaki naman ang kasabay ko pag-uwi.

"Handang-handa na talaga tayo for our first concert haha!" - Harold

"Excited na nga ako!" - Marco

"Ingat kayo mga kuya at Cassie. Si bestfriend paki-uwi na lang ng matiwasay haha! - Yoshiro

"Alis na kami bunso medyo gumagabi na," paalam ko sa kanya.

Tumango naman ito. "Ingat ulit."

* * * * *

nandito na kami sa tapat ng bahay nina Khaki at pinagbuksan ko muna siya ng front door oh 'di ba gentleman din ako paminsan-minsan

"Matulog ka na agad Cassiopeia para tumangkad ka pa hahad" I teased her.

"Buti sana kung may itatangkad pa. Goodnight JAE." at nagsimula na siyang maglakad papunta sa bahay nila.

Pero bago pa siya makalayo ay hinatak ko ang braso nya kaya napabalik siya ng lingon sa'kin.

"What?"

"Goodnight my rock princess," I kissed her on the forehead.

Alanganing ngumiti naman siya. "Goodnight rockstar."

This time ay ako naman ang nagulat sa ginawa nya. She tiptoed and kissed me on the cheek. Pagkatapos ay kumaripas ng takbo papasok sa bahay nila.

"Silly girl," I said while touching the cheek that Khaki had just kissed.

I smiled sheepishly at humakbang na papunta sa haven ko.

* * * * *

It's already 2am pero mulat na mulat pa din ako. Ayaw akong patulugin ng kiss-on-the-cheek incident kanina. I'm acting like a stupid lovestruck teenager and yet kaka-21 ko lang few days ago. What the heck.

Nagmuni-muni na lang ako baka sakaling dalawin ako ng antok. Naalala ko 'yung encounter ko kay Khaki dati na sinuplduhan at pinagbagsakan ko pa siya ng pinto. I smiled at that thought. I also remember the first time I heard her sing, pati 'yung nakita nya ako half-naked haha!

After 1 hour ay dinalaw na ako ng antok. Thank God.

* * * * *

Kahit late na ako natulog ay maaga pa din akong nagising kaya nagsuot ako ng jacket at jogging pants para mag-jogging.

Malamig ang simoy ng hangin dahil magpapasko na. I can feel the cold wind kissing my cheeks, parang kiss lang ni Khaki. Ano ba naman 'yan ang aga-aga kung anu-ano naiisip ko.

Papasikat na ang araw nang pabalik na ako sa bahay. Dinig na dinig ko ang tugtog na nanggagaling sa room ni Khaki. Early bird din ang isang 'to. Maya-maya ay lumabas na siya sa may balcony, gorgeous-looking kahit bagong gising. Nag-inat pa siya sabay sabing, "Good morning sunshine!"

Sinagot ko naman siya. "Good morning Cassiopeia."

Bigla tuloy siyang napatingin sa ibaba. "Oh, good morning JAE," she blushed.

"Ano'ng almusal nyo? Pwedeng makikain haha!"

"Hahaha! Magluluto pa lang ako JAE."

"Tulungan na kita tutal makiki-almusal ako."

She smiled. "Good idea JAE!"

I winked at her.

She saluted at me.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now