Chapter 28: It's A Date (Part 1)

254 16 3
                                    

KHAKI'S:

Priceless ang itsura ni RAE, magkahalong shock at happiness na parang maiiyak (tears of joy malamang) ang mababasa mo sa facial expression nya nang makita nya si...

"Krystelle..."

"A-Aeden..!"

At singbilis ng kidlat na pumunta siya sa kinatatayuan ni Krystelle. Wow parang nanunuod ako ng eksena sa isang pelikula. Napaiyak naman si Krystelle na gumanti sa mainit na yakap sa kanya ni RAE.

After 3 minutes (oh 'di ba bilang na bilang ko) ay kumalas na si RAE sa pagkakayakap dito.

"Oh God, akala ko hindi na kita makikita..." narinig kong sabi nito habang pinupunasan ang mga luha sa mata ni Krystelle.

"Alam kong imposible but I'm still hoping that we will cross our paths again once na makauwi ako ng Pilipinas."

"Now I can fulfill my childhood promise to you."

Ngiti ang isinukli ni Krystelle dito.

Unti-unting lumalapit ang mukha ni RAE, oops magkikiss pa 'ata sila in FRONT OF ME!

"Hep hep! Bago nyo gawin yan e paalisin nyo muna ako dito 'di ba? Para naman solong-solo nyo ang mundo!"

Bigla tuloy silang naghiwalay. At parehong pulang-pula ang mukha hahaha epic!

"Sorry Khaki nandyan ka nga pala, akala ko kasi solo ko na si Krystelle," natatawang sabi ni RAE while scratching his nape.

Hinampas tuloy siya ni Krystelle. "Ikaw talaga Aeden na-miss mo lang ako e! Hahaha!"

Bigla ulit bumukas ang pinto at pumasok naman si...

"Aareon ikaw na ba 'yan?!"

"A-ate Krystelle?!"

"The one and only hahaha!"

Si JAE naman ang yumakap dito. "Buti naamn at nagpakita ka na ulit! Akala ko mabuburo na sa pagkabinata 'tong si kuya e. Wala pa din siyang gf hanggang ngayon."

"Of course bro, my heart belongs to only one girl."

"Naks naman ikaw na talaga!"

"O siya, moment namin 'to ni Krystelle. Magdate na muna kayo nitong si Khaki," suggestion naman ni RAE."

"good idea tsaka may utang pa nga palang 'date' sa'kin 'tong si Cassiopeia kasi natalo siya sa pustahan nung nanuod kami ng BOTB kahapon."

"Cassiopeia? Is that your real name Khaki?" tanong ni Krystelle sa'kin.

"Cassiopeia Krista actually," si JAE naman ang sumagot. Spokesperson mga gano'n?

"Wow what a beautiful name! Cassiopeia is Princess Andromeda's mother and is also a constellation right?"

Tumango naman ako.

"O pa'no nro alis na kami at enjoy your moment with ate Krystelle!" at kinaladkad naman ako ni JAE palabas ng office ni RAE. Grabe lang.

* * * * *

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko kay JAE kahit obvious naman na pabalik ulit kami ng mall kung saan kami nagkakilala ni Krystelle.

"Bibili lang tayo saglit ng school supplies na dadalhin natin sa pupuntahin natin."

Napakunot-noo ako. Mukhang kakaibang date ang mangyayari sa araw na ito.

Tumahimik na lang ako at naglagay ng earplugs para magsoundtrip. Forty-five minutes din naman kasi papuntang mall,

* * * * *

Pagkatapos mamili ng sangkatutak na school materials ay nandito na ulit kami sa kotse at nagbibyahe papuntang Elizadle Home of Hope. Yes, isang bahay-ampunan na pag-aari nina JAE ang venue ng 'date' namin. Kakaiba talaga ang happenings ngayong araw na 'to.

Pagkatapos i-park ni JAE ang kotse nya ay sinalubong kami ng isang babae na hindi nalalayo ang edad sa'kin.

"This is a pleasant surprise Mr, Elizalde! Namimiss na din kayo ng mga bata, buti at napadalaw kayo ulit."

"Naging busy kasi these past few days. Khaki, this is JD isa sa mga trusted person ko dito."

"Nice meeting you po Miss Khaki," at nakipag-kamay naman ito sa'kin.

"Nasa art room po ang mga bata ngayon Sir. Tiyak na magugulat sila pagkakita sa inyo at sa mga school materials na dala nyo."

Maya-maya ay may 3 staff pa na lumapit sa'min at bibitbit ang mga dala-dala namin para sa mga bata.

"Let's go?" yaya sa'min ni JD.

Sabay naman kaming tumango ni JAE.

Pierres Noires (Black Stones) √Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt