Chapter 50: You're My Star

210 14 4
                                    

A/N: Kasabayan 'to ng Chapter 14-15 ng Sudden Fate :D

JAE/JAGER'S:

Nandito kami ngayon sa concert hall ng Ashworth High para sa benefit concert matapos naming ihatid ang mga bata pabalik ng Elizalde Home of Hope. Tulad ng Musikrakan ay punung-puno rin ng tao dito dahil guets din sina Hajime Yanagi at Tetsuya Kirizawa.

Kasalukuyang nagpeperform ang apo ng owner ng Ashworth High na si Kollin Roswel Ashworth, at heto si Khaki sa tabi ko na sinasabayan siya sa pagkanta.

Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit

Pakinggan mo ang tinig ko

'Di mo ba pansin

At dahil masunurin ako, hinawakan ko ang kamay nya. Napatingin tuloy siya sa'kin.

"Oh bakit ka nanghahawak ng kamay?"

"Kasasabi mo lang 'di ba? Sinunod lang kita," pang-aasar ko sa kanya.

"Pfft..." nagpipigil tumawa sina Harold at Marco.

Sina Yoshiro at Hagan naman ay tutok na tutok sa panunuod habang kumakain ng fries at sundae. Tibay din ng dalawang 'to, hindi uso ang lamig sa kanila?

"Sus, gusto mo lang tlagang hawakan ang kamay ko JAE umamin ka hahaha!"

"Bahala ka, basta ako sumusunod lang," nginitian ko siya sabay kindat.

Medyo nag-blush tuloy si Khaki bago ako inirapan at itinuon na muli ang paningin sa stage.

"Para-paraan lang 'tol ah haha!" - Harold

"Moves like Jager daw kasi hahaha!" - Marco

Nasa bridge na ng kanta si Kollin kaya this time ay sinabayan ko siya.

Unos sa buhay natin

'Di ko papansinin

Takda ng tadhana

"Si Cassiopeia ang aking bituin," iniba ko yung lyrics.

"Hahaha! Matindi ka talaga 'tol!" - Harold

"Ibang klase hahaha!" - Marco

"Pauso 'to si JAE," - si Khaki na naka-pout haha

"Ayos ba mga 'tol? Hahaha!"

"Oo 'tol bumenta sa'min!"

"Moves like Jager talaga e hahaha!"

"Tse tumigil na nga kayo at manuod na lang," saway ni Khaki sa'min.

Pagkatapos ng song number ni Kollin ay umakyat na si Kryzel sa stage kasama si Hajime. 'Iris' cover by Hanna Trigwell ang version na kinakanta nila.

"Ang ganda talaga ng Iris, hindi nakakasawang pakinggan."

"Tama ka 'tol, naalala ko tuloy ang Musikrakan."

"Kahit iba 'yung version ay maganda pa din."

"Agree!"

Nagpatuloy kami sa panunuod hanggang sa matapos ang concert at exactly 11pm. Isang oras na lang at Pasko na! Hindi agad kami nakalabas dahil maraming nagpapa-autograph at nagpapa-picture sa'min?

"Kyaaa Black Stones!"

"Pa-autograph naman Black Stones!"

"Papicture po pretty please!"

"Khaki idol na idol kita!"

"Jager ang pogi mo pala sa malapitan!"

"Yoshiro ang cute-cute mo kyaaaa!"

"Ang pogi nyo palang magpinsan!"

Halos masilaw na kami sa flash ng camera hehe gayunpaman ay pinagbigyan namin ang request nila. After all it's Christmas.

Fifteen minutes before twelve nang humupa ang mga tao. Papalapit naman sina Kryzel sa amin kasma ang 5 nagperform kanina.

"Hey Black Stones! Congrats sa performance nyo kanina ang galing nyo!"

"Thanks Kryzel, magaling ka palang sumayaw at kumanta," I smiled at her.

"Hehe hindi naman masyado," nahihiyang sabi pa nito.

"O paano uuwi na kami ha congrats dahil successful ang benefit concert."

"Ingat kayo!"

"Kayo din. Merry Christmas!"

Nakipag-shake hands pa kami sa kanila bago tuluyang lumabas ng Ashworth High.

* * * * *

"Whoa! What an awesome night! Nakakapagod pero masaya naman!" Khaki said while looking outside the window. Kaming dalawa ang magkasabay umuwi tutal magkapitbahay lang kami. Magkakasabay namang umuwi 'yung apat (Harold, Marco, Yoshiro at Hagan).

"Yeah. Dalawang magkasunod na event kasi. Successful ang benefit concert sa Ashworth High."

"Buti naisip ni Kryzel ang ganung event. Malaki ang maitutulong ng malilikom nilang pondo dahil sold-out ang tickets."

"Tama. Merry Christmas Cassiopeia. Ilang minuto na lang at December 25 na."

"Oh yeah Maligayang Pasko JAE haha!"

* * * * *

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Khaki. Sakto alas dose nang makauwi kami. May nakasabit pang mistletoe sa may pintuan nila kaya biniro ko siya.

"Paano ba 'yan naabutan tayo ng alas dose dito at sakto may mistletoe."

"So?"

"E di dapat iki-kiss kita hahaha!"

"Tse! No way!"

Bago pa siya makapasok ay kinabig ko ang bewang nya at nagulat siya na napatingin sa'kin.

I move closer hanggang ilang inches na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

She closed her eys. And I kissed her...on her forehead haha gentleman ako e.

And fireworks starting to light up the velvet sky.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now