Chapter 17: Good News

265 16 7
                                    

KHAKI'S:

Nag-taxi na lang ako pauwi kasi mabubuking agad kami ni JAE kapag inihatid pa ako ni Harold. Buti nauna pa rin akong umuwi kay ate Alice.

After 15 minutes ay dumating na si ate Alice kasama si...JAE?! Wow ha, close na sila? May bitbit ito na dalawang plastik ng pagkain from a famous foodchain ('di ko sasabihin kung saan) at inilapag ito sa center table.

"Maiwan ko muna kayo ha, gonna do a quick bath," she winked at us.

Parang may dumaang anghel no'ng kami na lang ni JAE ang naiwan. Mayamaya pa, tumunog ang cellphone ko. Napakunot-noo siya sa ringtone ko (ginawa ko kasing ringtone 'yong Careless Whisper ni Harold kanina).

"Hey RAE napatawag ka? Na-miss tuloy kitang bigla."

A hearty laugh naman ang isinukli ni Radford (RAE) sa 'kin. [Just want to make sure na nakauwi nang maayos si Aphrodite (si ate Alice 'to so nag-meet na pala sila? Hmm..) kasama si Jager. Galing kasi rito si bro at nakita nya ang ate mo. In short, si Aphrodite ang newest endorser ng Benshoppe] he said enthusiastically.

A/N: Pinagcombine ko 'yong 2 clothing line kaya Benshoppe.

"Really? That's good news! Kaso inunahan mo pa talaga si ate na magsabi nyan sa'kin."

[Oops, sorry Khaki na-excite lang naman ako!] Muli ay tumawa siya sa kabilang linya.

"It's okay 'eto na pala siya," sabay tingin ko kay ate na pababa na ng hagdan. Kahit nakasimpleng pambahay lang siya ay lumilitaw pa din ang kagandahan nya.

[Sorry kamo at naunahan ko na siya sa pagbabalita sa 'yo. I got to go Khaki, may sasagutin pa akong tawag from another line.]

"Adios."

[Bye cutiepie!] Cutiepie? Duh.

"Who's that?" tanong ni ate habang inaayos ang food namin.

"RAE. Radford."

"I bet nasabi na nya sa 'yo?"

"Yes. Spoiler much ang isang 'yon. Congrats pala sis."

"Thank you sis," and she hugged me.

"How about me? Where's my hug?" Oops nag-eexist pa pala si JAE.

Nginitian lang siya ni ate. "Tara kainan na gutom na ako, e."

"Okay, fight!" sabi ko habang hawak-hawak ang kutsara at tinidor.

At sinimulan na namin ang pag-atake sa mga masasarap na pagkain in front of us.

* * * * *

Tapos na kami kumain nina ate Alice at JAE nang mag-ring ang doorbell. Ako na ang tumayo para magbukas ng pinto.

Pagbukas ko...

"Bestfriend! I miss you!" sabay hug ko nang mahigpit sa kanya. Two days ko rin siyang 'di nakita e tapos ang gwapo nya lalo ngayon kasi naka-new hairstyle ang lolo nyo.

"I miss you too, Khaki teka sobrang higpit mo namang yumakap hindi na ako makahinga."

"Oops, sorry bestfriend na-miss lang kita," napakamot tuloy ako sa ulo.

"Mel, ikaw na ang magbalita dito kay Khaki," biglang sabat sa'min ni ate.

"Hindi pa ba nya alam? Bestfriend, kaming dalawa ng ate mo ang newest endorser ng Benshoppe," ngiting-ngiti nya sa'kin.

Kunwari ay hindi ko pa alam kaya umakting muna ako nang kapiraso. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at kay ate.

"OMG! This is so great! Swerte mo kasama mo na secret crush mo," pabulong na sabi ko sa kanya sabay apir.

"Uuwi na ako. May gagawin pa pala ako, bye Alice."

Nagtatakang napatingin naman ako kay JAE habang dire-diretso ito palabas ng pinto.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now