Chapter 13: Bandmates

317 20 11
                                    

KHAKI'S:

BREAKTIME.

As expected, kaming tatlo nina Harold at Marco ang magkakasama rito sa cafeteria. Hindi pa naman masyadong loaded ang lessons dahil first day pa lang pero tinambakan naman kami ng homework.

Umorder si Harold ng pizza at Coke samantalang burger, fries at 7-up naman kay Marco. Ako? Carbonara, one bar of dark chocolate at iced tea.

"Sino sila, Khaki?" Tanong ni Marco sabay nguso sa mga nasa kabilang table.

"Sila Andreu, Garret at ang kambal na sina Danrelle at Danyele ng bandang Interglot." sabi ko naman sabay subo ng Carbonara.

A/N: Interglot means Inner Peace, baka sakaling may magtanong.

"Sasali ba sila sa Musikrakan?" Tanong naman ni Harold habang hinahati ang pizza nya.

"Musikrakan?"

"Oo Musikrakan. Next month na 'yon e."

"Uhm siguro. 'Di ko alam na may Musikrakan pala, Marco." Sabay inom ko ng iced tea.

"Sasali sana kami kung hindi lang biglang na-brokenhearted si Jager, tsk." Kumuha ng fries si Harold kay Marco sabay subo.

Nasamid naman akong bigla. Teka kilala nila si JAE?!

"Si JAE?"

"Kilala mo si JAE?!" Duet ng magpinsan.

"Jager Aareon Elizalde right?"

Tumango naman silang dalawa.

"New neighbor namin si JAE e."

"Kapitbahay nyo?!" Duet na naman pambihira.

"So kailangang duet talaga kapag sasagot? 'Di ba pwedeng isa-isa muna?"

"Teka, teka ibig mong sabihin kapitbahay mo pala si Jager? Ayaw nya kasing ipaalam sa'min kung nasaan siya ngayon." In-straight na ni Harold ang Coke nya.

"Gusto raw muna kasi nyang mapag-isa." Segunda naman ni Marco at inubos na ang natitira pa nyang fries.

"Oo ayaw daw nya sa maingay, e." Sabi ko naman habang kumakain ng dark chocolate.

Tumango-tango ulit silang dalawa.

"Hindi naman sa pagmamayabang Khaki pero kami ang title holder sa Musikrakan for the past 3 years. Last year naman no'ng natalo kami ng Guys In Plaid Shirts. Alam ko dahil 'to sa nangyari kina Jager at Blythe dati." Biglang kwento naman ni Harold.

"Na-BH nga kasi ng husto si Jager, 'tol." Tinapik ni Marco sa balikat ni Harold.

"Who's Blythe?" Curious na tanong ko sa kanila.

"Hindi nya ba nakwento sa'yo?"

Umiling naman ako.

"Siya na lang ang hayaan mong mag-kwento sa'yo. Ayaw naming makialam sa buhay pag-ibig ng isang 'yon."

"Maiba ako, pwede pa rin tayong sumali sa Musikrakan, andyan naman si Khaki e. Si Yoshiro naman ang kapalit ni Taylor as bassist."

"Sino naman si Yoshiro, Harold?"

"Nakilala namin sa isang gig. Forth year highschool pa lang siya. Sa Emerson Academy siya pumapasok."

"Taga-E.A. ang mga bandang Raindrops at Blackout 'di ba?"

"Oo at guest bands sila sa Musikrakan."

"Khaki pwede ka bang maging member namin?"

"No problem! Gusto ko nga rin magkabanda e. Pero paano si JAE?"

"Don't worry kakausapin namin siya kapag nag-reunion."

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room for our next subject.

Pierres Noires (Black Stones) √Where stories live. Discover now