Tale Of Little Red Riding Hood

Start from the beginning
                                    

"Nag paalam ka ba ng maayos sa kanila?". Tanong niya saakin. Sa halip na sumagot ay tumango na lamang ako sa katanungan niya saakin, hindi ko na talaga kase kaya at gusto ko nang matulog pati mag pahinga. Ayoko naman sanang maging bastos pero suko na ako pati na ang mga mata ko, I really want to sleep so bad.









"Tita malayo po ba yung pupuntahan natin?". Tamad kong tanong. I just want to know, kung hindi naman edi hindi na muna ako matutulog para hindi maiistorbo o maputol ang pagpa pahinga ko. Gusto kong matulog ng tuloy tuloy, ayoko ng mapuputol pa kase nakaka inis at nakaka frustrate yon.









"Hindi naman masyado hija, mga kalahating oras lang naman ang byahe kase walang traffic ngayon dahil maaga pa". Masaya niyang tugon sa katanungan ko. Buti naman at hindi masyadong matagal, hindi na muna ako matutulog. Pipigilin ko na lamang para mamaya at tuloy tuloy na lang ang pahinga, sasama lang naman ako doon eh pati wala naman ata akong gagawin kaya walang pipigil saakin.








"Tita ano po bang gagawin natin doon?". I curiously asked. Para hindi ako antukin, kaylangan kong mag daldal kahit labag yon sa kalooban ko. Walang silbi yung kapeng ininom ko kanina kahit ilang baso na ang ininom ko dahil wala namang epekto yon, ramdam ko pa rin ang antok.








"May meeting ako doon hija, makikipag kita tayo sa isang may ari ng eskwelahan na sikat sa San Nicolas. Gusto kitang isama kase nais kong malaman ang opinion mo tungkol doon". Paliwanag niya saakin. So ayun ang main agenda namin doon? Gaano ba kaganda ang school na yon para pag puyatan ni tita Tosia? Imagine, she and I would travel early in the fucking morning just to attend a meeting? Or just to see the owner of that place? Wow, it's leaving me so damn speechless right now.










"Hindi ko po kayo masyadong maintindihan, bakit naman po ang opinion ko? May silbi po ba yon?". Pangungulit kong katanungan sa kaniya. Ngayon ko lang na nalaman na mayroon pala yong halaga, akala ko kase wala eh. Kina mama atsaka papa baliwala, sa mga kapatid ko ganon din kaya sa tingin ko rin ay hindi na iyon mahalaga. At least na inform ako na may silbi pala yon pero ang tanong ko lang ay para saan ba talaga yon?








"Hija may silbi ka at ang opinion mo, kung tinutukoy mo ang hindi pag payag ng mga magulang mo na kumuha ka ng kurso para sa batas ay mayroon iyong malalim na dahilan kaya huwag mong isipin na wala kang halaga". Malumanay niyang paalala. Those words put me at eased però hindi rin ako sigurado kung maniniwala ba ako o hindi, nakakatakot kausap si tita Tosia dahil kaya niyang mag basa ng isip.









"Nais nila na maging ligtas ka at malayo sa kapahamakan kaya sana maintindihan mo ang bagay na yon, mahal ka nila Aviery kaya ka nila pinahahalagahan at iniingitan". Dagdag niya pang sambit saakin. You mean sinasakal? Hindi hinahayaang maging masaya? At higit sa lahat, hindi binibigyan ng kalayaan. Yon ang perfect explanation doon, kung mahal nila ako bakit ganon? Hindi ko naman maramdaman. Ganon na ba talaga ako ka–manhid?








"Alam ko naman po yon pero gusto ko po kase talagang maging abogado katulad ni papa, masama po ba yung pangarap ko?". I asked in return. Talking to tita Tosia makes me wonder kung ano ba talaga ang pag mamahal, she's single or I don't know pero wala pa siyang anak sa pag kakaalam ko. Worth it ba na sundin ko yung gusto nila para maging ligtas ako? O may gusto silang pagtakpan?










"Sa totoo lang po, the more na pinag babawalan nila ako ay mas lalo akong nacu–curious at pakiramdam ko ay mayroon silang tinatago saakin". I added. Walang matinong eksplenasyon tungkol sa malaking peklat ko sa balikat, I mean impossible na galing yon sa isang maliit na aksidente o dahil nadulas ako. Those scar marks aren't just simply scar itself, parang nag mula ito sa isang operasyon.










Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now