Naka usap ko na si Ryuu kanina at sabi niya saakin na baka hindi rin daw siya mag punta, si Arc atsaka Rylan? Malabong hindi dumalo ang dalawang impaktong yon kaya asahan niyo ng nandoon sila mamaya at abalang nag hahanap ng mga targets nila. Si Ashryver, Mirella atsaka Blanche naman hindi rin mawawala dahil may mga ka sayaw sila, isa pa mag babantay din sila habang nag eenjoy.






Mabuti sana kung ganon ang sistema ko eh kaso hindi nga ganon, hindi ako nag eenjoy sa mga matatao atsaka maingay na lugar kaya minamalas ako ngayong araw na to. Hindi makatakas, walang choice, at bawal mag reklamo dahil humanda ako kay mama atsaka ate Azalea kapag nag pasaway pa ako, they'll cut off my allowance tapos grounded na parang ten years na parusa kahit malapit na akong mag eighteen.







"Hoy Aviery, huwag ka ng mag senti mode diyan. Mag pasalamat ka nga kase inaasikaso ka namin para mag mukha kang tao mamaya, umabsent pa ako para sa'yo". Dagdag ni ate Azalea. Goodness gracious! Hindi ako depress dahil lang dito no, I won't waste my time and energy to sulked over nothing. Isa pa wala rin namang mag babago eh, bakit pa ako mag sasayang ng effort na mag reklamo sa kanila? Mamaya mawala pa yung allowance ko, hindi na nga malaki tapos balak pa nilang putulin?







"That? I didn't asked you to do so, it's your decision not mine". Mahina kong bulong sa sarili ko. Hindi niya naman ako naririnig eh, ayoko ng marinig niya ang mga sasabihin ko dahil baka magalit pa siya. Edi pati si mama sasama rin, lugi ako ngayon dahil wala si papa atsaka kuya kaya walang aawat sa kanilang dalawa kapag nag simula silang maging halimaw.







I'm in the middle of my concentration dahil naiistress na ako ako sa kakulitan nito ni Mino, sabi niya pa na mag lalaslas nalang daw siya para hindi na niya kaylangang mag punta doon. Ano siya? High school student na broken hearted? Dinaig na pa ang mga mahihirap na wala talagang makain or financially unstable, buti nga siya walang grounded chuchu na nalalaman eh tapos saakin mayroong ganon. Sino kayang mas stress saakin? Siya isang araw o dalawa lang tapos na kaagad yung parusa sa kaniya habang saakin inaabot pa yan ng buwan, depende sa mood ni mama.







"Aviery anak? Bumaba ka dito, mag meryenda muna tayo". Pag anyaya ni mama saakin. Isa yan sa paraan nila para suyuin ako, para tuloy akong girlfriend na tinotoyo ngayon. Hindi naman ako maarte kaya nag paalam muna ako kay Mino na kakain muna ulit ako sandali, it's not like may iba pa akong pupuntahan maliban sa sala, kusina, banyo o kwarto ko.





Pag labas ko ay nag hihintay pala si mama sa pintuan ko, she's smiling in a weird way and it's creeping the shit out of me right now. What's her problem now? Pupunta na ako kung Oo, I hate arguments, wala akong balak makipag talo sa kanilang dalawa ni ate Azalea tutal hindi rin naman ako mananalo kahit anong kembot ang gawin ko. Sumunod na lamang ako sa kaniya at agad kaming dumiretso sa kusina, nandoon niluto nilang bananaque atsaka mga kakanin. At least may laman ang tiyan mo, 'dinali ng walang kasayaw mamaya basta busog'. – iyan ang motto ko tuwing may school dance night.






"Ayan kumain ka nalang ng palitaw diyan atsaka bananaque, puro ka senti mode eh". Sambit ni ate Azalea saakin. Inabot niya ang mga platong may laman na pag kain kaya agad ko iyong kinuha sa kamay niya, choosy pa ba ako? Pag kain na to, isa pa isang gabi lang naman ang mang yayari mamaya. What worse could happen? Hindi naman na malala saakin kung biglang may mag sasaksakan or whatsoever, nakakita na ako ng iba't ibang klase ng kalokohan kaya hindi na ako nasusurpresa.








"Ayaw mag punta ni Myles kaya ayaw mo rin ano? Nako Aviery, ilang taon ka na bang stuck sa friendzone? Ayaw mo bang mag level up?". Dagdag pa niyang katanungan saakin. Wala akong balak kase kung mayroon baka naging kami na ni Mino ngayon, ayoko nga mag first move no! Nakakahiya! Babae ako, hindi basta babae lang.






Under The Twilight Sky (KOV #3) Where stories live. Discover now