A Night To Forget

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sana lahat nag babago". Sarkastikong tono ni Mirella. Lahat kaming mga babae iisa ang ekspresyon habang naka harap sa kanilang mga lalaki na kapwa hindi maka tingin ng diretso sa mga mata namin, lalong lalo na ang nag sabi na mag babago na daw siya atsaka hindi na muling uulit. Hindi ka uulit kung may naka bantay sayo pero kahit meron malamang gagawin mo pa rin kase gusto mo at iyon ang desisyon mo, hindi ka naman robot na mayroong remote control para sumunod lang ng sumunod kapag sinabi sayo na iyon ang gagawin mo.









"Hindi naman talaga ako umaalis sa pwesto ko, inaaya lang ako ni Marga na umalis kaya wala akong choice kase palaging lady's choice ang nasusunod". Pangangatwiran naman ni Mino. Nag tawanan silang mga lalaki habang napailing naman kami sa sinabi niya, kung lady's choice ang nasusunod bakit ako hindi mo kayang piliin?








"Edi gumawa din kayo ng sarili niyong brand, lies: men's choice ang pangalan tutal mahilig kayong mag sinungaling atsaka gumawa ng palusot hindi ba?". Walang emosyong sambit ni Ashryver. Natawa naman ako sa sinabi niya, oo nga naman may point siya doon para hindi na sila nag rereklamo. Isa kung totoo na palaging lady's choice ang nasusunod bakit sila umaalis sa mga assigned position nila tuwing sinasabi ko na manatili lang sila doon? Ano yon? Joke?










"Tangina damay nanaman ako diyan? Ang bait bait ko eh". Reklamo ni Ryuu. Tumango ng paulit ulit si Arc, malamang sumasangayon siya sa sinabi nitong isa. Isa pa yang pag uugali nilang nakakainis, mga pa–victim masyado akala mo inapi pati ang pagkatao nila.








"Bait lang, bait bait ako yon eh". Aniya ni Mino sa kaniya. I can't disagree pero somehow hindi ako sumasangayon, mabait ba yung pabayaan ako mag isa habang nag sasaya sila ng ex girlfriend niyang hilaw? Is that what you call nice? Hindi ko maintindihan ang definition siya sa salitang mabait, saang dictionary niya kaya nakita o nabasa yon? Idedemanda ko lang yung gumawa o sumulat dahil ginagawa niya pang bobo si Mino.








"Shut up all of you, mag focus kayo dahil baka nagsipasok yung mga nahuli nating pasaway". Paalala ko sa kanilang lahat. Pinapa alala ko lang naman ang bagay na yon dahil posible iyong mang yari ano mang oras, naka bukas ang gate kaya sigurado akong hindi naman iyon nababantayan ng maayos kahit pa maraming guards na naka toka doon ngayon.








"Bakit ba kase ikot ka ng ikot diyan? Para kang may bulate sa pwetan mo eh". Tanong ni Mino saakin atsaka siya tumayo. Kase nga alam kong wala kayo sa tamang wisyo ngayon, kapag pati ako gumaya edi ano ng mang yayari sa buong ASM? Finish na ganon ba yon? Our school became a place for hopeless doofus, ginawa ba naman kaming tambakan ng mga pasaway? Hindi ko alam kung nasa tamang pag iisip si tita Tosia, I bet wala kaya ngayon pati siya nahihirapan din.









Maraming demanding atsaka reklamador na magulang ng mga estydyante sa tuwing babagsak ang mga anak nilang pasaway, diretso silang nag papadala ng mga email kay tita Tosia at walang araw na tumigil ang mga iyon sa kaka padala ng mga reklamo atsaka problema nila, on the other hand? Ayun yung mga anak nila patuloy pa rin sa pag gawa ng mga kalokohan. Not to mention hindi naman nag aaral ng matino, ako nalang ang naawa sa mga magulang nila eh. Nagpapalaki sila ng walang silbi atsaka mga palamunin na anak tapos sa future wala namang mga utang na loob, kapag napariwana na ay sa mga nanay atsaka tatay pa rin naman nag balik.









"Kase hindi ako mapakali, obvious naman hindi ba? Iikot ikot ba ako dito kung ayos lang ako?". Pambabara kong sagot sa katanungan niya. Nag tawanan silang pito pati si Mino nakisali rin sa kanilang anim habang ako dito hindi pa rin napapanatag ang kalooban, buti pa sila nagagawa nilang kumalma samantalang ako dito halos sabunutan ko na ang sarili ko.







Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon