Chapter 6: First Day

7.2K 161 0
                                    

Keith's POV:

Andito na kami sa school ng AMO ko. Graduate na ako ng college at mahusay ako pagdating sa judo at karate. 4th yr.college na pala tong amo ko kaya pala masungit. Baka stress at pressure lang. May kaya naman sa buhay ang pamilya ko. Kailangan ko magtrabaho para sa kapatid ko. Mahina kasi ang benta ng native bags and accessories nila Mama eh. Kaya kelangan tumulong din ako. Actually dito rin sya nag aaral.

Bumaba na ako ng kotse para pagbuksan ng pinto ang amo ko.

"OH MY GOD! SANA SYA NA LANG ANG PROF.NATIN SA LAHAT NG SUBJECTS PARA DI TAYO TAMARIN PUMASOK!" Dinig ko sa isang estudyante.

"OO NGA EH! ANG GWAAAAAPO!" Sabi naman nung isa.

Sus. Alam ko naman ng gwapo ako eh. Kelangan pang isigaw?

Binuksan ko na ang pinto ng kotse para makalabas na ang amo.

"Ang tagal mo naman buksan ang pinto!" Reklamo nya.

"Pasensya na Ma'am." Sagot ko.

"Kaaaaar!" Tawag ng isang babae papalapit sa kanya.

"Oh my God! Boyfriend mo?" Tanong naman nung isa.

"NO." Tipid na sagot nya.

Sus. Feeling naman nya gusto ko syang maging girlfriend. Ang gwapo ko kaya.

"Girls, meet my personal bodyguard. Keith." Pagpapakilala nya sa akin sa mga kaibigan nya.

"Keith, meet my girl friends, Agatha and Gail." Ngumiti lang sila sa akin at ganun din ako sa kanila.

"Anyway, bumalik na kayo ni Mang Ben ng mansion. Balik na lang kayo after class ko". Sabi nya.

Akmang paalis na sila ng mga kaibigan nya saka ko hinawakan ang braso nya.

"What?!" Sungit na tanong nya.

"Hihintayin kita". Sabi ko.

Saka ako umalis.

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now