Chapter 35: Tears

4.1K 89 0
                                    

Keith's POV:

Nakaimpake na ang lahat ng gamit ni Karen at ganun din naman ako.

Kinakausap na lang kami ngayon ni Tito Nick.

"Karen, anak, pasensya ka na kung kelangan mo pang lumayo at mahiwalay pa sa akin. Alam mo naman ang sitwasyon nating dalawa. Alam ko na ikaw ang pupuntiryahin ng killer ngayon dahil nasa iyo na lahat ng properties and wealth ng pamilyang ito. One day, babalik ka na ulit dito nang walang halong takot at kaba. You'll be home soon". Pamamaalam ni Tito Nick kay Kar.

"Dad, I dont have any words to say to you right now. Please be safe. Always". Sabi ni Karen at niyakap niya na ang daddy niya.

Malungkot. Yan ang atmosphere ngayon.

"Keith, ikaw na ang bahala sa anak ko. Maging ligtas sana kayo". Bilin niya sa akin.

Tumango ako bilang pagtugon.

Lumabas na kami ng bahay at paalis na nang biglang bumaba si Karen.

Tumakbo siya sa daddy niya at niyakap ito sa huling pagkakataon at tila may sinabi ito.

Bumalik na siya ng kotse. Bakas pa rin ang lungkot at bigat ng nararamdaman niya. Ako ang nagda-drive dahil wala si Mang Ben. Iiwan na lang namin itong kotse sa airport at ipipick-up ng tauhan ni Tito Nick. Habang nasa biyahe kami papuntang airport kung nasaan ang private plane na sasakyan namin ay bigla akong tinanong ni Karen.

"Bakit kelangan mangyari sa akin ito? Sa amin ng daddy ko?" Tanong niya habang nakatingin sa labas.

"Hindi ko alam". Tipid na sagot ko.

Huminga sya ng malalim .

"Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sayo or sa inyo daddy mo pero may mga dahilan naman siguro. Di ko man alam ang mga dahilan na iyon pero sinisigurado ko sayo na magiging maayos din amg lahat sa tamang panahon. Sa ngayon, you just have to be strong for yourself and for your dad." Dugtong ko.

Andito na kami sa loob ng private plane. Wow. Parang eroplano ng prinsesa itong sasakyan namin. Ang laki.

Sinsakay na ang gamit namin sa loob.

"Okay na Sir. Pwede na po kayong maupo". Sabi nung plane assistant.

Umupo si Karen sa kabilang side at tumingin sa bintana.

Nung nag take-off ang plane, kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.

Yung mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Yung mga luhang pinakatago-tago niya.

Magiging okay din ang lahat Karen. Kaya mo ito.

Kaya natin ito.

--

Author's Note:
'Salvador' po ang surname ni Kar. Sorry po kung na-confuse kayo ng very very slight. Ako din na-confuse. Buti chineck ko ulit. Haha! Paki-refresh na lang po. Edited na kasi yung ibang chapter. Okioki? Thank you!
Vote. Comment. Plish.

Xx

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon