Chapter 30: Friendship101

4.4K 80 1
                                    

Gail's POV:

Ugh! Ang boring ng subject at ang boring ng professor! In short, BORING!

"So this will be the strategy of blah blah blah".. Gusto ko isigaw na nasasayang lang ang laway ni Sir Pasible kakadiscuss. Gwapo naman siya kaso nga ang boring ng klase niya. Nakakalagnat. Tumingin ako sa wrist watch ko.

5 more minutes?! 5 more minutes pa!!

"Ms. Calixto, is there anything bothering you?"

Emegeeeeerd! Dali-daling bumalik ako sa katawan ko at presensya kong inaantok.

"Ah. None sir". Sagot ko.

"Are you sure? Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa relo mo. Nakakaantok ba ang klase ko?" Tanong niya.

Should I tell him the truth?

Malamang hindi. Eh kung ibagsak ako nyan.

"No Sir." Tipid na sagot ko.

Tinuloy na ni Sir ang lesson niya.

Woaah! That was a close one. Hahaha!

*Kriiiiiing!

"That's all for today. Class dismissed". Paalam ni Sir at lumabas na.

Biglang may tumapik sa akin.

"Anong meron sayo at parang tamad na tamad ka?" Tanong ni Kar.

"Wala." Sabi ko sabay yuko.

"Wala? Nagpuyat ka na naman kagabi ano?" Pagsisiyasat ni Agatha.

"Hindi ah." Sagot ko.

"Hindi kayo nagkamali." Dugtong ko.

"Eh kasi naman eh. Di niya pa rin inaaccept yung friend request ko." Sabi ko.

Oh may gooooolay. Bakit ba kasi  may katangahang taglay and diwatang kagaya ko?

Biglang dumikit sa akin na parang mga dikya tong dalawang toh.

"Spill". Tipid na sabi ni Karen.

Pinagpapawisan na ako ng malagkit. Shemaaaaay!

"Err. Wala yun. Uwi na tayo". Patayo na ako nang hinila nila akong dalawa paupo.

Pinanlakihan ako ng mata ni Agatha.

"Whuuut?" Nagtatakang tanong ko.

"Sino yung di pa nagaaccept ng friend request mo?" Tanong ni Kar. Naku naman. Di ako tatantanan nito e. Siya yung taong malalaman agad kung nagsisinungaling ka o hindi.

"Ah.. Eh.. Si.." Utal utal na sabi ko. Kasi naman eh! Pagtatawanan nila ako panigurado pag nalaman nila kung sino yun.

"Sino?!" Pagpupumilit ni Agatha. Isa pa yan eh. Kelangan magsabi ka ng totoo dyan kasi pipigain ka niyan hanggat sa masabi mo ang totoo.

Argh!

"Si Clark!" Pasigaw na sagot ko.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng dalawang bruha.

"Ayieeee!" Tinutusok tusok ni Agatha ang tagiliran ko.

"Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito". Kanta ni Kar.

"Sus. Parang ikaw sinunod mo". Sabi ko.

Don't get me wrong. Pakiramdam ko may something na yang si Karen at Keith. Parang si Lois Lane and si Superman lang ang peg nyang dalawang yan. Pero syempre personal body guard ni Karen si Keith kaya may super duper limitations si Keith kay Kar.

"At bakit naman napunta sa akin? Porket di ka inaccept ni Mr. Clark Sta.Maria, nandadamay ka na ng ibang tao. Hahahaha!" Pang aasar niya.

"Hahahaha! Korek ka dyan girl. Hahaha!" Panggagatong ni Agatha.

Umismid ako at nanahimik. Nakakaiiiiiinnnniiisss!

Napansin nila na nanahimik na ako.

"Okay. Oplan: Accept me please." Sabi ni Kar.

"Huh?" Pagtatakang tanong ko.

"Tutulungan ka namin ni Agatha sa problema mo." Sagot niya.

"How?" Tanong ko.

"Basta. Kami ng bahala". Sabay kindat ni Agatha.

Oplan: Accept me please.
**

Naglalakad na kami sa hallway ng school papuntang parking lot.

Pero tila tumigil ang mundo ko at bumilis ng 100x sa normal na tibok ang puso ko.

Si Clark paparating at masasalubong namin. Oh my gosh! What to do?

"Hi Clark!" Bati ni Kar.

"Hi Ms. Karen." Ganting bati naman niya.

Oh My Goodness! Magkakilala sila? Paano? Kelan pa?

"Ah. Clark, I want you to meet my friends, Agatha Vela and Gail Calixto. Girls, this is Clark Sta. Maria". Pagpapakilala niya.

Nilahad naman ni Clark ang kamay niya para makipagshake hands.

Unang kinuha ni Agatha at tinapat na niya ang kamay niya sa akin. Oh god! Thank you so much!

At ayun, nag holding hands kami.

Charot! Nag shake hands lang. Hay! Ang lambot ng mga palad niya. Nagtama ang mga mata namin. At may ngiti sa mga labi. This is perfect. I swear.

"Ehem!"- Agatha.

Bigla kong binawi ang kamay ko.

"Sige Clark. Gotta go na." Paalam ni Kar.

"Ah. Okay. Nice to meet you Agatha and"..

"Gail". Sabay ngiti niya.

Umalis na kami at naghiwahiwalay  na. Pagsakay ko ng kotse ko, dun ko sinigaw lahat ng kilig na pinigilan ko kanina.

I love my friends so muccchhh!

I owe them for this.

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now