Chapter 17: The Gift

4.9K 105 1
                                    

Karen's POV:

"I don't care!
I love it!
I don't care!"

Oh gosh! Ang aga aga may nang-istorbo. Badterp!

Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko, si Agatha ang tumatawag.

"Baket?" Pupungas pungas kong tanong.

"Wow. Ganda ng pambungad mo te. Asan ka na?" Tanong nya.

"Anong nasan ako? Malamang nasa kwarto ko. Baket ba?" Nakapikit ako habang kinakausap sya.

"What? Kar, may klase tayo today. Remember? May make-up class si Ms. Mendoza." Sabi nya.

Sh*t. Nakalimutan ko.

"Hey Kar?" Tanong nya ulit.

"Wag mo na akong kausapin! Gotta go. Bye!" Binaba ko na ang phone ko at agad agad na kumilos. Pakshet! Saturday ngayon at dapat wala kaming pasok. Minor lang naman yung subject na yun pero kung umarte parang major. Nakakainis.

Di na ako kumain ng breakfast. 9am pa naman yung klase at 8:30 na. Naligo at nag-ayos na ako. Dali dali na akong bumaba.

"Si Keith?" Tanong ko sa isang katulong namin.

"Nasa labas po ma'am". Sagot nya.

"Okay, thanks!" Lumabas na ako ng bahay.

Napansin kong may box na nakabalot sa gift wrap.

"Kanino naman kaya galing toh?" Binasa ko ang greeting card.
Dead or Alive?

Binuksan ko na ang box at nakita ko ang picture ko sa loob.

Infairness, ganda naman ng picture ko dito. Wait. Picture ko toh sa locker ko e. To think na nag iisang picture lang toh.

"Sino ang nagpadala nito?" Tanong ko sa sarili ko.

Nagsimula na akong kabahan. Di kaya kilala ko ang killer? Pero sino? Paano nya ito nakuha?

"Ano yan?"

Bwisit naman tong si Keith. Bigla na lang susulpot eh.

"Aso. Malamang regalo. Nakikita mo na nga eh magtatanong ka pa". Sabi ko.

"Meron ka ba?" Tanong nya.

"Anong meron?" Pagtatakang tanong ko.

"Menstruation". Sagot nya.

Binatukan ko naman sya.

"Manyak!" Sabi ko.

"Sinagot ko lang tanong mo tapos sasabihan mo ako ng Manyak? Iba ka talaga." Iiling iling na sabi nya.

Hawak ko pa din yung picture ko na laman ng box.

"Sino nagbigay sayo nyan?" Tanong nya.

"I dont know. I just saw it here at the front of the gate." Sabi ko.

"Patingin nga ng card". Inabot ko naman sa kanya yung card at tumingin sa akin.

"Pakiramdam ko, kilala mo ang nagtatangka sa buhay mo." Sabi nya sa akin.

Pareho kami ng pakiramdam. Feeling ko sobrang kilala ako nung killer. Alam na nya ang bahay ko na iniiwasan kong mangyari dahil baka mapahamak ang kung sino.

"Pero wag kang mag-alala, may superman ka naman." Sabi nya.

Superman?

"Sino naman ang superman ko?" Tanong ko.

Ngumiti sya sabay sabi na "AKO". With matching kindat.

Letche tong lalaking toh. Sya? Si superman? Mukha lang syang kapa ni Superman.

"Mukha mo! Tara na nga! Im getting late!" Inis na sabi ko.

Pagkasakay namin, agad naman na pinaandar ni Mang Ben ang kotse.

Thank God! Hindi traffic.

Pagkalabas ko ng kotse ay agad na akong tumakbo papuntang classroom.

"Hi Kaaaar!" Bati sakin ni Gail.

Wala pa kaming prof. 15mins.late na ako nyan.

"Si Ma'am?" Tanong ko at naupo na sa upuan ko.

"Wala pa. May inasikaso lang pero papasok daw". Sagot naman ni Agatha.

Nagkwentuhan lang kami.

Uuwi na pala ang long term boyfriend ni Agatha. Nasa U.S kasi yun eh. Kaga-graduate lang nun ng college. Dito daw ang celebration.

Naputol ang kwentuhan namin nang pumasok na si Miss Mendoza.

"Good morning class. Im sorry for being late. Inasikaso ko lang ang papers ng bago nyong blockmate". Sabi nya.

Bagong blockmate? Wow. Ngayon lang sya pumasok kung kelan magpi-prelim na.

"And he's here." Sabi ni Ms. Mendoza.

Pagkapasok na pagkapasok ng transferee, feeling ko lulubog ako sa lupa.

Bakit sya andito?

Ano bang kelangan nya sa akin?

I just wanna run away from this scenario.

Feeling ko di ko kakayanin.

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now