Chapter 47: Wide Awake

4.4K 86 2
                                    

Karen's POV:

Pagod na pagod na ako sa kakatakbo. Ang ganda ng lugar na ito pero walang tao. Kinakabahan na tuloy ako -,-

Lumakad pa ako. Lakad ng lakad hanggang sa marating ko ang karagatan. Ang ganda dito. Sayang wala si Keith. Speaking of Keith, asan na kaya yun? Kinuha ko ang cellphone ko sa may bulsa ko pero wala. Ah. Baka naiwan ko sa bahay. Naupo ako sa mga buhangin. Ang sarap ng hangin. Maaliwalas. Bakit ako lang kaya ang tao dito? This beach is a tourist spot dapat. Tumayo na ako at nagulat ako kung sino ang nasa likod ko.

"Mom?"
Ngumiti siya at niyakap ako. Sobrang namiss ko itong yakap nya saken lalo na pag malungkot ako. Naiiyak ako sa sobrang saya. Is this real? Buhay ang mommy ko. Buhay na ulit siya. Wait! Kung buhay sya, sino yung nilibing namin? O baka naman – .. OMG! Am I dead? Am I? Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mommy para itanong kung dedo na ba ako.

"Mom, Am I–"...
"No. Hindi ka pa patay. Hindi ka pa mamatay." Nakangiting sagot niya sa akin.
"But I miss you Mom". Umiiyak na sabi ko. Though I dont wanna die but I miss my mommy so bad.
"It's not yet your time anak."
Anak. I miss her voice calling me that name.
"I miss you and your daddy. You grown up as a lady. You are so beautiful." Aww:'(
"For sure marami kang manliligaw. Ingatan mo yan anak". Then she pointed my heart. Napangiti ako.
"Yes Mommy."
Biglang may sobrang liwanag na lumabas. Kukunin na yata ako ni Lord.

"Anak, I love you. Kayong dalawang daddy mo. Mahal na mahal ko kayo. Wag mong kakalimutan yan. Alagaan niyo ang isat isa. I'll be your angel. Okay?" Tumango ako at umiiyak.
"Mom, can I stay here with you?"
Umiling si Mommy. It hurts.
"Live your life. Love with no regrets. And smile like there's no tomorrow. We will see each other again. But not now." Waaah! Buhos ang luha ko.
"But Mom–"..
"Just go. Go now". Umiiyak akong lumakad kung saan nanggagaling ang liwanag. Ang sakit sa mata. Pinilit kong makita si Mommy at kumakaway siya. Sa sobramg liwanag, tuluyan ko ng naipikit ang aking mga mata.

Idinilat ko ang mga mata ko kasabay ng sobrang lalim kong paghinga at napapikit ulit.

"Check her vital status!" Sabi ng boses lalaki. Hindi ko maidilat ang mga mata ko. Parang sobrang bigat.

"It starting to get normal Doc". Sabi naman ng boses babae.

Matapos noon, ay muli akong nahimbing sa pagtulog. Parang pagod na pagod kasi ako. Ang sakit ng buong katawan ko. Tulog ako pero parang gising ang diwa ko.

"Doc, kamusta na siya?" It sounds like my Dad's voice.
"The operation is successful. We just to wait kung kelan siya gigising". Sagot naman nung lalaki.

Naramdaman kong may humawak sa mga kamay ko at hinalikan iyon.

"Karen, please wake up soon. Namimiss ka na namin." It's Keith's voice. I knew it. I knew him.

I will Keith but not today.

"Pag nagising ka na, may sasabihin ako sa'yo. Kaya gumising ka agad agad ha?" Is that so important at dapat agaran ang paggising ko? Hinalikan niya ako sa noo at naramdaman kong umalis na siya. Aba! Nakakarami na siya ha. Inaabuso niya ang mura kong katawan. Charot! 

Maya-maya, may humawak na naman sa kamay ko.

"Anak, gising na. Namimiss ka na ni Daddy". Aww. Dad! I miss you too bigtime!
Hinawakan niya ako sa balikat at umalis na rin.

I will wake up. I promise.

**

Kinabukasan..

"Kyaaah! Ang tagal mong gumising bruha ka!" Naririnig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. 
"Gail! Ano ka ba? Ingay mo". Suway naman ni Agatha. Waaah! I miss you girls.
"Mga ate, ang ingay niyo po". Malumanay na sabi ni Kean. My dear scholar. I want to see them na. So I've decided to wake up. I will wake up. Sobrang bigat pa din ng mga mata ko pero pinilit kong buksan ang mga iyon.
Pagkabukas ko ng mga mata ko, nakita ko silang nanunuod ng TV. Wow. I miss them bigtime.
Gusto kong magsalita pero tuyong tuyo ang lalamunan ko. Nakita ko si Kim Woo Bin sa TV. Waaaah! Ang gwapo.
"Naku, si Oppa. Sayang di pa gising si Karen". Sabi ni Gail atsaka tumingin sa pwesto ko.
Pagkakita niyang gising na ako, nag blink blink yung mga mata niya. Hahaha! Kyeopta! Parang nakakita siya ng mumu. Haha!
"Girls, gising na siya". Sabi ni Gail pero di pa rin lumalapit saken. Waaah! Am I that scary? Di rin kase lumingon yung dalawang bruha dahil tutok sa TV. Inaagaw na yata si Kim Woo Bin ko.
"Weeh?" – Kean.
"Oo nga". – Gail.
"Patingin nga". Sabi naman ni Agatha. So tumingin siya sa pwesto ko.
"Waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh" Tili ni Agatha at lumapit na. Lumapit na rin yung dalawa saken.
"Call the doctor". Utos ni Gail kay Kean at sumunod naman siya.
"Waaah! Kar, We miss you already!" Sabi ni Gail.
"Thank you Lord". Bulong naman ni Agatha. Yes. Thank you lord for another life.
"Can I have a water please?" Agad namang kinuha ni Gail yung tubig at uminom ako. Hay! Saraaaap!
"Wala bang masakit sayo?" Eek!
"Kelan ka pa naging doktor?" Tanong ko.
"Waaah! Gising na talaga siya kase nambabara na siya oh". Natawa naman ako kay Gail.
"Kar, thank you for staying. Seriously. After 2 weeks na natulog ka–"..
"Anooo?! 2 weeks akong tulog?! Weeh?" Seriously din ano! Grabe. Isa yun sa mga wish ko before, ang matulog ng walang gisingan. Pero isang araw lang hindi dalawang linggo. Kalabisan naman yata iyon. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang isang doktor at dalawang nurse.
"So, how are you feeling hija?" Tanong ni Dok.
"Okay na po ako dok."
"Akala namin di ka na makakaligtas sa operation. It was too sensitive at all and risky at the same time. Buti lumaban ka". Napangiti ako kay Dok. Dahil kay Mommy kung bakit ako buhay ngayon. Syempre dahil kay Lord din. Thanks to him for giving me chance to live again.
"Mag momonitor pa rin sayo yung mga nurse. Then kapag stable ka na, pwede ka ng madischarge. We'll go ahead". Paalam ni Dok at umalis na kasama ng mga nurse.
"Yehhhhheeeey! Mag stable ka na Ate Kar ha? Namimiss ka na ni Kuya—".. Sabay takip sa bibig niya. Speaking of Keith, bakit wala siya dito? Pati si Daddy.
"Asan nga pala si Daddy at Keith?" Napansin ko naman na nagtinginan silang tatlo.
"Girls?" Naghihintay ako na may sumagot sa kanilang tatlo.
"Karen, kasi.." Nauutal na sabi ni Agatha.
"Kasi?"
"Nasa presinto sila".
"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Nakulong sila Dad?
"Si Mr. Cheng, naalala mo ba siya?" Mr. Cheng? Sounds familiar but I can't remember anything about him.
"What about?" Tanong ko.
"Nahuli na siya". Kalmadong sagot ni Kean.

Nahuli? Bakit? Ano bang ginawa niya sa akin? Sa amin?

"Okay, to summarize everything, siya ang puno't dulo ng lahat". Sabi ni Agatha.

Huh? Wakomagets.

"Siya yung nag-utos na ipapatay ka. Kayong dalawa ni Tito Nick. Ginamit niya si Luis dahil nagkaroon ng utang ang Daddy ni Luis kay Mr. Cheng. Nagkataon ng may connection ang pamilya niya sa inyo. Then he grab his opportunity. Ulo mo at ng tatay mo ang kapalit para lumusot sa utang ang pamilya ni Luis."

Pasabog ituuuu.

"Bakit ako? Bakit pamilya ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Gawd Karen, tagapagmana ka. And all the wealth is in your family. Gusto niyang makuha ang yaman niyo". Sabi ni Gail. She has a point.

Kaya pala ganun kagusto ni Luis na mapatay ako. Pero teka, buhay ba siya? Buhay ba si Luis?  Last time I remembered, nabaril siya ni Keith kasabay ng pagbaril ni Luis sa akin.

"Is he dead?" Biglang tanong ko.

Nagtataka naman yung tatlo kung sino ang tinutukoy ko. Why so slow?

"Si Luis, naka-survive ba siya?" Huminga ng malalim si Agatha bago sinagot ang tanong ko.

"No. Natamaan siya ng bala sa dibdib. May malay pa siya sa sasakyan pero pagdating sa ospital, he passed away". Malungkot na sabi ni Agatha.

"Kar, before he died, humingi siya ng sorry sa amin specially sayo. And I forgive him." Hinawakan ni Gail ang kamay ko. Tinapunan ko naman siya ng ngiti.

"He deserved my forgiveness as well as yours". Sabi ko.

Minahal ko si Luis. Siya yung unang lalakeng nagparanas sa akin kung paano magmahal at masaktan. Oo, nagalit ako. Sinaktan niya ako e. Pero hindi man nauwi sa happy ending ang lovestory namin, alam ko na masaya na siya sa piling ni God. Ako? Siguro magiging masaya na rin. Maybe not now. But anytime soon.

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now