Chapter 22: Hint

4.8K 98 1
                                    

Karen's POV:

Natapos na ang tutorial session ko with Luis at umuwi na rin sya. Friends na ulit kami. Atleast nagkaroon na kami ng closure. Kasi nga diba, he left me with no words. Pero since the day na umalis sya sa buhay ko, tinuring ko na sya na EX ko. Di naman totoo yung kasabihang, "Friends can be lovers but lovers cannot be friends". Tingin ko, depende naman yun sa sitwasyon.

Hinalungkat ko sa drawer ko at hinanap ang slambook na binigay nya 3 yrs.ago.

"Gotcha!" Nahanap ko na.

Naupo ako sa kama ko at binuksan ang slambook.

Nakasulat pa sa front cover,

"Salvador❤Francisco"

Sa first page nakalagay dun lahat ng panliligaw stage. Ultimong balat ng candy na binigay ko sa kanya dati, nakalagay dun. Haha! Buti di nilanggam yung plastik.

Sa second page, yung mga stolen shots ko. Mahilig kasi sya mag-picture. Actually yung pic.ko sa locker, sya ang may kuha nun. Kaya sobrang ganda. Speaking of picture, hindi kaya si Luis ang nagpadala ng regalo sa akin last time? Pero imposible. Wala naman syang susi ng locker ko at di naman nawala ang pic.ko sa locker pero on the other side, sya lang naman ang may kopya nun. Pero bakit nya naman lalagyan ng "Dead or alive" eh for sure di naman nya kayang gawin yun. Ayokong isipin na si Luis ang killer or what dahil baka mabahiran ng kung ano ang friendship na binubuo pa lang namin.

Argh! Stop it Karen!

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Bukas yan!" Sabi ko.

"Uy! Mukhang busy ah". Inirapan ko lang sya.

"Ano yan?" Tanong nya.

"Blackboard. Malamang slambook. Nakikita mo na nga eh". Sabi ko.

"Alam mo, napaka-bipolar mo". Sabi nya.

Kung nagtataka kayo kung sino itong unggoy na ito, matik na. Si Keith yan.

"Ako? Bipolar?" Tanong ko.

"Hindi ikaw. Baka ako. Narinig ng ikaw yung binanggit eh". Sabi nya sa akin.

Aba! Sumasagot sagot na!

"Aray!" Sigaw nya.

Hahaha! Binatukan ko nga.

"Ikaw ha. Feeling close ka na sa akin. Remember the rules and regulation Mr. David." Pagbabanta ko sa kanya.

"Alam ko naman yun". Sabi nya.

Tumahimik ang atmosphere.

Sus. Kating kati na yan itanong sa akin kung ano ang hawak ko.

"Regalo sa akin ito ni Luis 3 years ago." Sabi ko. Nakikinig naman sya.

"Luis? Yung ex mo?" Tanong nya.

"Yes." Tipid na sagot ko.

"Dito nakalagay lahat ng memories namin". Dugtong ko.

"Patingin nga". Sabay agaw niya sa akin.

"Waw! Kung makaagaw eh noh." Sabi ko.

Tiningnan nya ang nasa loob ng slambook.

"Panget mo pala dati". Sabi nya.

"Ang gwapo mo eh noh?" Sagot ko naman. Masyadong feeler ha.

"Alam ko. Wag mo ng ipagkalat".

Aba! Nuknukan ng kayabangan ang body guard ko.

"Hanep naman talaga! San mo nakuha yan?" Tanong ko.

"Ang alin?" Tanong nya pabalik.

"Yung kahambugan mo". Sabi ko at saka tumayo.

Di na sya nakasagot. Titig na titig sya sa slambook. Baka first Time nya lang makakita ng slambook.

"Uy! Tahimik mo dyan?!" Puna ko.

"Yung sulat.." Sabi nya.

"Anong sulat?" Tanong ko.

"Kar, tingnan mo toh". Sabi nya at hinugot ako paupo. Ang masama, na out of balance ako.

At ang resulta, im on the top of him. I feel his breath. The warmth of his body.

*Tok-tok

May tao! Oh my God! Parang napako kaming dalawa ni Keith. Di kami makagalaw. I feel our heart beats.

Eh teka lang. Bakit ba ako nagpapanic?

"Anak?" Bigla kaming napatingin sa pinto.

"Dad/Tito Nick". Sabay namin banggit.

Oh my gosh!

We are so deaaaaaaddddd!

-

(A.N)
Hey guys, follow me on my wattpad acct. @aprilkarenina. Feel free to post your comment. Thank you.
Happy 1K reads! Labyu all!
Godbless:)

Her Personal Body GuardDonde viven las historias. Descúbrelo ahora