Chapter 33: Attack

4.3K 97 3
                                    

Agatha's POV:

"Anooooooo?! Kelan pa yan Karen Gertrude Salvador? Bakit di mo kami agad nainform?" Pasigaw na tanong ko kay kar. Lanya tong babaeng ito, ngayon lang sinabe sa amin na may death threat pala silang dalawa ni Tito Nick. Juice Colored!

"Oo nga naman Kar. Ano? May mga ginawa na bang karumaldumal sayo?" Tanong ni Gail.

Inangat ni Karen ang nakasubsob niyang mukha sa table. Andito kami sa isang coffee shop.

"Wala pa naman. Pinili kong di sabihin sa inyo kasi nga baka mapahamak kayo. Alam nyo na. Saka wala pa kaming suspect talaga." Sabi niya.

"Sino bang may galit sa pamilya nyo? Sayo? Or kay Tito Nick?" Tanong ni Gail.

Nag isip si Karen. Magrerecall kumbaga.

"Hmmm. Wala naman e. Ako, wala namang kaaway. Pero si Dad? Di ko alam". Umiiling na sabi nya.

Biglang hinataw ni Gail ang lamesa na kinagulat namin ni Karen.

"Aha! May possibility na may nakabangga si Tito Nick. Maybe he's client. Or employees. Or business partners". Sabi ni Gail.

Tumingin ng biglaan si Karen kay Gail.

"It might be. Pero I will ask dad if meron nga to assure". Sabi niya.

Buti kinakaya ni Karen ang sitwasyon ngayon. Thankful ako dahil andyan si Keith to protect her.

Maya-maya may nagkabarilan sa labas ng coffeeshop. Kitang-kita namin ang sunod sunod na pagbaril ng 3 kalalakihan sa kotse ni Karen.

"Si Mang Ben!" Tumatakbong lumabas si Karen sa Coffeeshop.

Pagbukas niya ng pinto ng kotse ay nakita niya ang duguang katawan ni Mang Ben.

"Shit. Shit!" Sabi niya habang natutuliro kung ano ang gagawin niya.

Tumawag na ako ng ambulansya.

"Asan ba kasi si Keith?!" Tanong ni Gail.

Oo. Wala si Keith dito. Talagang minanmanan nila sila Karen para makakuha ng tyempo.

Agad na dumating ang ambulansya at sinakay na si Mang Ben.

Sumunod na rin kami sa ospital. Base sa doktor, natamaan si Mang Ben sa Binti at balakang. Buti na lang at di napuruhan sa ulo o sa kung saan man.

Dumating na rin si Tito Nick.

9pm na at andito pa rin kami sa ospital. Stable na ang condition ni Mang Ben. Andito na rin ang pamilya niya.

"Aling Lucy, pasensya na po kayo ha? Nadamay po pati si Mang Ben. Siguro po uuwi na po muna siya sa inyo at doon magpapagaling. Pababalikin na lang po namin siya pag maayos na po ang sitwasyon". Sabi ni Karen sa asawa ni Mang Ben.

"Wala yun hija. Ginawa lang ng asawa ko ang trabaho niya". Sabi ni Aling Lucy.

"Wag kang mag alala hija, maaayos din ang lahat". Tinapik ni Aling Lucy ang balikat ni Karen at sinuklian ito ni Karen ng pilit na ngiti.

Maya-maya ay dumating na si Superman este si Keith.

"Oh?! Bakit andito ka?! Diba nasa bakasyon..." Di na natapos ni Karen ang dapat na sasabihin niya dahil isang mahigpit na yakap ang bumungad sa kanya galing kay Superman. Aww! :')

Ah. Nasa bakasyon de grande pala si Keith. Kunsabagay, hard working and dedicated naman siya kay Karen este sa trabaho niya.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka?" Sunod sunod na tanong ni Keith kay Karen. Wow! Parang nasa teleserye lang kami. Kumalas na sa pagkakayakap ang dalawa.

"Okay ako. Kaso si Mang Ben ang natamaan". Sabi ni Karen.

Lumapit sa akin si Gail.

"Oh? Ngayon alam mo na. Yakap ni Superman is the best no worries na sa mga eyes na si Kar". Sabi niya.

"Hihi. Oo nga e." Hagikhik ko.

Yakapang Karen and Keith is the best.

Hay! Sana si Keith na lang ang maging prince charming ng bestfriend namin.

#SupermanHug

-

Anong masasabi nyo mga friends? Hahahaha!
#SupermanHug❤

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now