Chapter 37: Coping Up

4K 81 1
                                    

Andito na ako sa kwarto. Inaayos at sinasalansan na ang mga gamit ko. Kung susumahin, malaki rin itong kwartong ibinigay ni Mama Lorns. Kasya naman ang lahat ng kagamitan ko. Maya-maya biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

*Tok-Tok

"Bukas yan". Sabi ko.
Dumungaw sa pinto si Keith na nakasando lang at naka jersey shorts. Medyo mainit din kasi e.
Mainit nga ba? O nag iinit lang ako sa suot niya? Paano ba naman kasi, yung abs niya kumakaway. Kaya ako ay napapalunok ng bongga.
"Ah. Pwedeng pumasok?" Tanong niya.
Ano ba yan Karen?! Umayos ka nga. Nakakita ka lang ng abs muntanga ka na. Ano? Hayok lang?
"Oo naman". Tipid na sagot ko at binalik ang aking atensyon sa ginagawa ko.
"So, how do you find our house so far?" Tanong niya sa akin.
"Keith, its not just a house. Its a home". Nakangiting sagot ko.
Totoo naman e. Di lang ito basta bahay. Tahanan ang tamang salita para dito.
Ngumiti na rin si Keith sa sagot ko. Syempre, pang Miss Universe kaya yun. Hahaha!
Tinulungan ako ni Keith mag-ayos ng mga gamit ko. Medyo hapon na rin kami natapos.
"Gusto mo bukas pumunta tayo sa bukid?" Tanong niya sa akin.
"Sige". Sagot ko agad agad.
Wala rin naman kasi akong gagawin dito eh. So its better na mamasyal muna ako para maka-cope up ako ng mabilis.
"Anong masasabi mo kila Mama at Papa?" Tanong niya aa akin.
"They are one of the ideal parents that everyone should have." Sagot ko.
Syempre kasama magulang ko dyan.
"Anyway, nagtext sa akin ang Dad mo."
Biglang nabuhay ang ugat ugat ko sa katawan.
"What did he say?" Tanong ko.
"He leave the country. Pero di niya sa akin sinabe kung saan siyang bansa pupunta". Sagot niya sa akin.
"Is he safe?" Nag-aalalang tanong ko
"Yes. May mga police na nakaantabay sa kanya". Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Keith.
Maya-maya ay narinig namin ang sigaw ni Mama Lorns.
"Keith! Karen! Panaog na kamo di. Makaon ta sang meryenda!" Sabi ni Mama Lorns.
Tumingin ako kay Keith. At binato sa kanya ang *What-did-she-said* look.
I heard him chuckled.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko.
"Kasi nakakatawa yang mukha mo. Sabi ni Mama, bumaba ma tayo at kakain ng meryenda. Kaya tara na. Masama magpalipas ng gutom". Sabi niya sa akin.
"Okay. Sunod na ako." Sabi ko at bumaba na si Keith para magmeryenda.
Coping up is the first step to live life in the other way.
Masasanay din ako.

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now