Chapter 15: Getting to know each other

5.7K 126 0
                                    

Karen's POV:

Kumain kami ng meryenda sa isang fast food chain. Mag 5 pm na pala. Ang bilis ng oras. Parang kanina lang eh may gustong pumatay sa akin at pinagbabaril ang kotse namin,niligtas ni Keith ang buhay ko, tapos nakatulog ako tapos niyaya kong lumabas itong body guard ko pambawi sa mga kamalditahan ko.

"Tara na?" Tanong nya.

"Tara!" Hila ko sa kanya.

Di naman ako mahilig manghila. Haha!

Sumakay kami ng kotse.

Pinaharurot naman nya ito.

"Hoy. Sa baywalk lang naman tayo manunuod ng sunset. Bakit pa tayo sumakay ng kotse? Pwede naman tayong maglakad." Sabi ko.

"Hindi lang naman sa Baywalk maganda manuod ng sunset." Sabi nya at ngumiti.

"So san mo ako dadalhin?" Tanong ko.

"Basta." Ngiti sabay kindat.

"Ang manyak mo!" Sigaw ko.

"Hahaha! Kumindat lang, manyak agad? Iba ka". Pang aasar nya.

"Ikaw ang iba. Mukha kang alien. Hahaha!" Pambawing asar ko.

Sa totoo lang, I'm starting to be comfortable with him. Walang halong kyeme.

"Ang ganda mo ha. Grabe. Sagad ang ganda mo. Sa sobrang ganda mo, pumanget ka. Hahahaha". Ganti nya.

Ako? Panget? Kapal ha.

"Kung ako panget, ano ka pa?" Pambabara ko. Kala mo ah. Ganti ganti lang.

"Gwapo." Sabay smirk.

Magrereact pa sana ako pero bigla nyang hininto ang kotse.

Andito na pala kami.

Pinagbuksan nya naman ako ng pinto ng kotse.

Agad kong nakita yung view. Ang ganda. Kasing ganda ko? Hindi. Mas maganda pa din ako. Haha! Beauty Confidence Level 99.99!

"Maganda diba?" Tanong nya.

"Oo. Sobra." Sagot ko.

Pareho kaming nakatingin sa view.

"Anong iniisip mo?" Biglang tanong ko.

Lintek. Kung ano-ano na lumalabas sa bibig ko.

"Marami." Wala kaming lingunan.

"Gaya ng?" Tanong ko ulit.

"Pamilya ko. Kaligtasan mo at ng daddy mo."- sya.

Di ako nakasagot.

Parang ang sama ko tuloy. Unang kita palang namin nun, napag isipan ko na baka sya yung killer. Tss. May period ba ako that time at naisip ko yun.

"Ikaw? Anong iniisip mo?" Tanong nya.

"Kung paano ako mabubuhay ng normal. Yung walang threats. Yung malaya akong nakakagalaw nang walang pangamba." Sagot ko.

Sa sunset view pa din kami nakatingin. Para kaming strangers. Common strangers kumbaga.

"Yun lang?" Tanong nya ulit.

"Si Luis.." mahinang sagot ko.

"Sino sya?"- sya.

"My past." Tipid kong sagot.

"Wanna talk about it?" Tanong nya.

Wala naman sigurong masama kung ikukwento ko sa kanya yun eh. Besides, past na yun na gusto nya lang malaman. Mas okay na rin siguro yun para mabawasan man lang tong mga iniisip ko.

"Sure". Nakangiting lingon ko sa kanya.

Naupo kami sa isang shed at nagkwentuhan. Sinabi ko yung nangyari bout my past including yung pagkamatay ni Mom. Sya din nagkwento. About his life. His family. Simpleng buhay ang meron sya.

"So, sa school pala namin nag aaral yung kapatid mo? Whats her name?" Tanong ko.

"Kean David. 2nd yr.college student. Interior Design ang course nya." Sagot nya.

"Ah. Scholar?" Tanong ko.

"Hindi eh. Nahirapan syang makapasok kasi andaming hinihingi ng school". - sya.

"Don't worry. I will handle her scholarship" ngiting sabi ko.

"Salamat, Ma'am" galak na sabi nya.

"Ma'am? Parang teacher lang ang peg ko. Hahaha. Bibigyan kita ng previlege to call me by my nickname. Call me 'Kar'." Sabi ko. Kasi pag Ma'am or Ms. parang masyadong pormal.

"Okay po Ma'am. I mean Kar". Sabi niya at napakamot pa sa batok.

Napansin namin na medyo madilim na kaya napagpasyahan na naming umuwi na.

"Tara na Kar. Uwi na tayo. Baka hinahanap ka na ni Tito Nick." Sabi nya.

Tito Nick?

He called my father, 'Tito'. Its O.M.G. .

"Close kayo ni Dad?" Tanong ko.

"Hindi naman. Bakit?" Pagtatakang tanong nya.

"Kasi you called him, 'Tito'. Mga ka- close lang ni Dad ang ina-allow nya na tawagin syang 'Tito'". Sabi ko.

"Sabi nya kasi tawagin ko syang 'Tito Nick'." Sabi nya.

"Close nga. Hahaha. Tara na nga" at pumasok na kami ng kotse.

Mas okay na kami ngayon.

Walang kamalditan, kasupladahan. Meron pa pala kaso onti na lang. Haha.

Makauwi na nga!

-

Her Personal Body GuardDove le storie prendono vita. Scoprilo ora