Chapter 20: First Move

4.8K 99 5
                                    

Luis POV:

Patuloy sa pagtuturo ni Ms. Mendoza pero di pa rin ako mapalagay.

Sino yung lalaking naghatid ng libro kay Gertrude? Boyfriend nya? New friend? Ano baaaa?

*KRIIIIING!

"Okay. That's all for today. Class dismissed!" Sabi ni Ms. Mendoza at lumabas na.

Nagsimula nang mag ayos ng gamit ang mga kaklase ko.

Kailangan ko ng gawin ang first move ko. Ang kausapin si Gertrude.

Nagliligpit sya ng gamit.

Kaya ko toh!

"Gertrude.." Sabi ko.

Sinara na nya ang bag nya senyales na tapos na sya mag ayos ng gamit saka lumingon sa akin.

"About sa tutorial session, every saturday na lang since wala naman tayong pasok nun. Di ako pwede ng sunday". Sabi nya.

Ito na ata ang pinakamahabang sinabi nya sa akin simula ng kinausap ko sya nung magkita kami.

Di sya pwede ng sunday?

"Bakit?" Wala sa sarili kong tanong.

Bigla syang nagulat sa tinanong ko.

Putrages na bibig naman toh. Pahamak!

"Anong bakit?" Tanong nya pabalik.

"Ah wala. Sige. Every saturday na lang yung tutorial natin." Sabi ko.

"Kaaaaaar!" Tawag sa kanya ni Gail na nakapameywang sa pinto ng classroom.

"Wag ka mag-ingay. Can't you see?  The old lovers fixing their broken relationshit. I mean relationship". Sabi ni Agatha kay Gail.

Di pa rin sila nagbabago. Bestfriend pa din nila si Gertrude. Kilala nila ako at ang naging papel ko sa buhay ni Gertrude. Kaya nga di nila ako kinakausap e.

"Kaaaaar! Your superman is here naaaaa!" Kinikilig na sigaw ni Agatha.

Superman? Sino?

Tumayo na si Gertrude sa upuan nya at sinalubong sya ng lalaki na naghatid sa kanya ng libro nya kanina.

Sino ba talaga sya sa buhay ni Gertrude?

Umalis na si Gertrude kasama yung Superman daw nya. Kinuha na ni Gail at Agatha ang mga bag nila sa kanya kanyang upuan. Nanatili akong nakaupo.

"Kung marunong ka sanang magpaalam, baka meron ka pang binalikan". Sabi ni Agatha pero nakatingin kay Gail.

"Kaso di marunong magpaalam kaya ayun wala ka ng nabalikan". Sabi naman ni Gail pero nakatingin kay Agatha.

"Let's go Galya!" Sabi ni Agatha at sabay silang umalis ni Gail.

Kahit di nila sabihin, alam kong para sa akin yung mga sinabi nila.

Mababawi ko ang iniwan ko. Mababawi ko si Gertrude.

-

(A.N)
Kaninong team ka?
#TeamLuKa (Luis&Karen) or #TeamKeiRen (Keith&Karen)?
Hahaha!

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now