Chapter 52: Biyaheng Pag-ibig

4.7K 77 0
                                    

Karen's POV:

Nakaimpake na ang mga gamit ko. Tuloy na tuloy na talaga ang pagpunta ko sa Germany bukas. Magkikita kami ngayon. Mag-uusap kung paano ang sistema ng pag-uusap namin pag nasa Germany na ako. Si Daddy nasa Los Angeles. Binisita yung amigo nya doon.

2:30pm na at 3:00pm ang usapan namin ni Keith. Nagtext na din sya at sinabing papunta na sya. Sumakay na ako sa kotse ko at umalis na.

After 20mins.ay nagkakitaan na kami. Andito kami ngayon sa isang resto na pagmamay-ari ng pamilya ni Gail. Kumain muna kami at agad na umalis.

Walang kumikibo. Halata ko yung lungkot namin pareho. Buong biyahe kami tahimik. Naiiyak na tuloy ako. Kasi feeling ko, magbi-break kami ngayon. Wag naman sana.

Andito kami sa Tagaytay. Ang lakas ng hangin. Umupo muna kami sa isang kubo. Tanaw ang buong Taal lake at Taal volcano. Pag nag-alboroto itong Taal Volcano, mapapatay ko talaga si Keith.

"Mag-ingat ka bukas sa biyahe mo".

Nabasag ang katahimikan na kanina pa namamayani sa aming dalawa.

"Thank you". Tipid na sagot ko.

"Pag andun ka na, tawagan mo agad ako."

Waah! Iiyak na ako talaga. Maghihiwalay na talaga kami ng bansa! Tumulo ang luha ko at agad ko naman iyon pinahid ng panyo.

"Bakit ka umiiyak?"

"Eh kase maghihiwalay na tayo!"
Humihikbing sagot ko.

Natawa naman sya sa sagot ko.

"Hindi naman ah. Maghihiwalay lang tayo ng bansa pero magkasama pa rin ang puso natin".
Hindi pa rin ako tumatahan. Kase naman e! Tanginang papeles na yun, itatapon ko talaga yun pag hindi maganda ang nakasulat.

"Ssh. Tahan na." Then pinahid nya yung mga luha ko.

"Are you willing to wait for me?" Tanong ko.

Please say yes or else I will kill you!

Biglang tumabang ang mukha niya.
"Hindi ko maipapangako yan sayo".

"Ano? Parang kanina lang sinabi mo saken na magkasama pa rin ang mga puso natin tapos yan ang sasabihin mo sa akin ngayon?!"

Napalitan ng pagkabwisit ang lungkot ko.

"Baket? Mambababae ka?!"

"Love-"..

"Wag mo akong tatawaging Love. Ano? Malulungkot ka ng dalawang buwan kaya maghahanap ka ng kalinga sa iba?!"

Ganun naman ang mga lalake. Kesyo nalungkot daw kaya naghanap ng iba jowa.

"Maghiwalay na lang tayo kung hindi mo ako kayang hintayin-"

Hindi ko na natapos ang sasabihn ko dahil niyakap niya ako. Mahigpit at ang init ng yakap na binigay niya.

"Breaking up is not the best option." Bulong niya sa akin.

"Ang tunay na nagmamahal, marunong maghintay". Sabi ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap niya.

"That's why I bought this". Tapos may kinuha sya sa bulsa nya sa likod.

Halos malaglag ang panga ko at puso ko sa pinakita niya.

"Oh my-" at napatakip ako sa bibig ko.

"Bakit pa ako maghihintay kung pwede naman ako sumama?"

PLANE TICKET TRIP TO GERMANY!

Niyakap ko sya ng super higpit. Wow! WE WILL TRAVEL TOGETHER!

"Nakakainis ka! Alam mo ba yun?" Sabi ko sa kanya.

I heard him chuckled.

"Ang drama mo kanina. Haha!"
Pang-aasar niya saken.

"Che!" Sabay irap ko sa kanya.

"Pero alam mo, akala ko makikipaghiwalay ka na talaga saken kanina". Seryosong sabi niya.

"Hindi ko kakayanin Karen."

Hearing those words from him makes me feel like I'm so important. Ansarap sa feeling.

"Ikaw kase ginogoyo mo ako. Akala ko maghahanap ka ng iba".

"Hah! Ikaw ang para saken at ako ang para sayo. Hindi ko kailangan ng iba".

Natawa naman ako.

"Mais mo!" Asar ko sa kanya.

"Pero mahal mo".

Sobra.

"Teka nga, bakit biglang sasama ka sa Germany?" Nagtatakang tanong ko.

Kase sabi niya before naintindihan niya daw yung punto ng daddy ko.

"Tito Nick wants me to be with you. Para daw di ka malungkot".

Aww:') Daddy is so brilliant!

"Kahit 1 yr.extension ako sa Germany, okay lang basta kasama kita".

Anla! Bigla syang kinilig. Hahaha!

"Loveeey.." With kilig tone from him.

"What? I understand kung kinikilig ka".

Lalo ko syang inasar at patuloy syang namumula sa kilig. Hahaha!

"Magpropose kaya ako sayo sa Germany?"

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.

"Propose? Easyhan mo lang pwede?"

"Hahaha! Joke lang!"

Woo. Kala ko totoo na e. Kase kung mangyare man iyon, aynako! Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero paano kung magpropose talaga sya?

"Love, wag mo na isipin yun. Joke lang naman e". Then he smiled at me at nagkibit balikat na lang din ako.

"Kain tayo tapos uwi na after. Para makapag-impake ka na". Sabi ko sa kanya.

"Uyy, excited!" Panunukso niya saken.

"Di kaya."

Nadisappoint naman daw ang face ni Love. Hihi.

"Joke lang! Hahahaha. Anyway, kamusta na sila Mama Lorns and Papa Den?"

"Okay naman sila. Stable na ulit yung business namin. Saka naghihintay na lang sila ng kasal at mga apo".

Sinamaan ko sya ng tingin.

"At hindi yun joke".

"Look, bata pa ako. Im just only 19. TEEN pa ako. Ikaw kase 37 ka na."

"Hoy Love! 23 pa lang ako. Wag kang ano dyan!"

Hahaha! Defensive much bebe.

"Sabagay, marami pa rin akong plano. Alam kong ikaw rin". Sabi niya sakin.

"Gusto ko, sabay nating gagawin ang mga planong yun". Dugtong nya.

"Sounds great. Sige. Approve!" Sagot ko tapos nag thumbs up sa kanya.

*Kroo-kroo*

"Kain na tayo." Kumukulo na yung tiyan ko.

"Let's go, Love!" At hinila nya ako.

Sa totoo lang, excited na ako para bukas para sa Biyaheng Pag-ibig namin ni Keith. Haha! Bagay diba?

#KeiRenInvadesGermany ❤✈

-

A.N

This is it pansit! Last chapter is coming! Gagawan ko siya ng epilogue para happy lang walang ending! :) Salamat sa lahat ng nagbasa, nagcomment, nagvote ng unang story ko. So much appreciated guys! Achieve! Laview!

- aprlkrn

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon