Chapter 13: Hang-out

5.9K 138 0
                                    

Karen's POV:

Tinext ko si Keith para personal na magpasalamat sa pagligtas sa akin. Sa buhay ko at kay Mang Ben. Kahit na bulletproof ang sasakyan namin, di kami umarangkada dahil baka masundan kami. Inalala ko lang ang kaligtasan ni Dad at syempre ng mga taong nakapaligid sa amin. Aminado ako na natakot talaga ako kanina. That was the first time na pakiramdam ko eh sobrang lapit nila sa akin. Maraming pwedeng mangyari sa amin kanina at nung chineck kami ni Keith sa kotse, agad ko syang niyakap dahil sa takot. At that moment when I hugged him, I feel safe. I feel that in his arms, in his side, no one will hurt me. Ang corny ko na pero totoo eh.

*Tok-tok

"Bukas yan." Sabi ko.

Dumungaw sa pintuan ko ang mukha ni Keith.

"Ikaw pala. Come in" sabi ko at yun naman ang ginawa nya.

Naupo kami sa may veranda. Ano kayang magandang pambawi sa kanya? Kasi nga diba, iniwan iwan namin sya sa school. Tapos sinusungitan ko pa sya at minamalditahan. Dami ko atang atraso.

Wait. Isip. Isip. Isip.

Aha! Alam ko na!

"Keith, labas tayo." pagyaya ko nang nakangiti.

"Hahahahahahaha!" Halakhak ko. Alam nyo ba kung bakit? Eh kasi naman, ganito ang mukha nya nung niyaya ko sya

--> O.O

As in state of shock. Haha.

"Huy! Ano na? Pinaghihintay mo ang amo mo. Nakakahiya naman sayo" sabi ko.

Bigla syang ngumiti. Pogi oh! Litaw dimples.

Magkalinawan tayo, HINDI KO SYA CRUSH, HINDI AKO ATTRACTED SA KANYA. Napopogian lang ako sa kanya. Eh diba attracted din tawag dun?

Ay ewan! >,<

"Ma'am.." sabi nya na parang nag iisip.

"Wow. Hanep. Pinag-iisipan pa? Chix ka ba?" Tanong ko.

"Hahahaha! Hindi naman Ma'am. Sige po, date tayo" nakangiting sabi nya.

Ang khuuupal.

"Wait. Anong date? Hindi tayo magdi-date. Hang-out lang noh." Paglilinaw ko.

"Hahaha. Edi hang out." Sabi nya.

"Sige, hintayin mo na lang ako sa sala. Magbibihis lang ako." Utos ko.

Sumaludo naman sya at sabay sabi na "Ma'am yes ma'am!" At agad nang lumabas ng kwarto ko.

Sana kahit ganito lang makabawi man lang ako sa kanya.

-

A.N
Hello my super duper fabulous, sexy, machong readers!
Feel free to write your comments ha?
Follow nyo na rin ako. Hihi:")
Labyu all!♥

-

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon