Chapter 40: Outing

4.7K 91 2
                                    

Karen's POV:

Nasa hapag kainan kami nang magsalita si Keith. Namumugto pa yung mata dahil kagigising lang. Napagod siguro sa bukid.
"Ma, birthday mo na bukas. Anong plano mo?" Tanong ni Keith.
Patuloy naman ako sa pagkain. Nagutom ako kapapanood ng 'Starting over again'. Hahaha!
"Wala naman. Magsisimba na lang tapos maghahanda ng kaonti".
Ay! Diba masyadong simple lang yun? Deserve ni Mama Lorns ang isang masayang party. Halos 2 buwan na rin ako dito sa Iloilo. Dito sa bahay nila Keith. At wala akong masabing kapintasan sa bahay nila o kahit sa pamilya nila.
Andito na rin pala si Kean, yung kapatid ni Keith remember? Bakasyon na kasi nila. Bigla kong namiss sila Agatha at Gail. Hay.
"Ah. Mama Lorns, what if mag-outing na lang kaya tayo?"
Suggestion ko.
Nagtinginan naman sila ng apat.
What? May mali ba sa tinanong ko?
Nakita kong gumuhit ang ngiti sa mukha ni Kean.
"Gusto ko yaaaannn!" Excited na sabi nya.
"Diba masyadong magastos yun?" Tanong ni Papa Dens.
"Sagot ko na po lahat". Syempre minsan ko lang naman sila malibre ano.
"Sigurado ka?" Tanong ni Keith.
"Oo naman! Kaso papayag ba si Mama Lorns na ganun ang plano?" Tiningnan ko si Mama Lorns. Waiting for her answer. 
Lahat kami ay nakatingin sa kanya.
"Oo na sige na. Payag na ako". Sagot niya.
"Yeheeeeey!" Tuwa sa galak naman itong si Kean.
"At dahil birthday ni Mama Lorns bukas, Di siya pwedeng mapagod. Kaya magpapadeliver na lang tayo bukas". Sabi ko.
"Naku Karen hija, sobra sobra na yata yun. Magluto na lang tayo para mas tipid". Tutol na sabi ni Mama Lorns.
"Oo nga Karen. Saka walang delivery dito. Hello! Probinsya kaya ito". Ugh! Epal si Keith! Period!
"Sino ang sasama sa akin bukas para mamili?" Tanong ni Mama Lorns. Di pala makakasama si Papa Dens dahil aayusin niya ang sasakyan na gagamitin namin bukas sa swimming.
"Di po ako pwede bukas ng umaga Ma, may kukunin lang po ako kila Uncle". Yes! Di siya sasama. Wahahahaha! Makakalaya muna ako pansamantala.
"Sama po ako sa bayan para mamili." Pagpipresenta ko.
"Wag ka ng sumama, maraming loko doon". Second the motion na naman yung panget!
"Argh! Alam mo yung democracy? Pairalin natin yun Mr. David". Sarkastikong sabi ko.
Ito na naman kami. Nagbabangayan na naman sa harap ng hapag kainan. Buti sanay na sila Mama Lorns sa ganitong eksena. Siguro kung andito si Daddy, binato na nya yung serving spoon sa amin. I miss my dad.
"Ikaw na ang bahala sa bahay natin bunso" Pointing to Kean.
"Yes po!" Sagot ni Kean sabay wink. She's really pretty.
"Sasama na lang ako bukas sa inyo".  Bigla akong napalingon sa pwesto ni Keith.
Seriously?!!!!
"Wag na Keith. Diba pupuntahan mo pa sila tito juancho?" Push ko talaga para di sya makasama.
"Oo nga Kuya. Kukuha ka pa ng mga mangga bukas sa bukid e". Very good Kean. Full force tayo. Increase ang allowance mo. Haha!
"Body guard ako ni Karen, kaya kung nasan sya, andun din dapat ako". Weeh?
"Kahit sa C.R?" Pilosopong tanong ko.
"Bakit gusto mo?" Nakangiting tanong nya at sabay kumindat.
"Yuck! So pervert!" May kalahating kamanyakan talaga sa pagkatao itong si Keith e.
"Ayieeh!"
Eeeh! Asarin daw ba kami nila Papa Dens.
Tumahimik na kaming dalawa at ramdam ko sa mukha ko na namumula ako. Shet! Sana walang makapansin.
"Ate, namumula ka." Bulong ni Kean sa akin.
Kainin mo na ako lupa, parang awa mo na.
"Sige Keith anak, sumama ka na sa amin ni Karen para may taga buhat. Pero pano ang Tito Juancho mo?"
"Itetext ko na lang po."
Nang matapos kaming kumain ay agad na akong pumunta ng kwarto ko. Manunuod ulit ako. Tinatawag ako ni Keith pero di ko pinansin. Bahala sya dyan. Haha!

**
Kinabukasan..

Alas sais pa lang ng umaga ay nakagayak na kami. Mamimili kami sa bayan. Gagamitin namin ang owner nya.
Nakashort dapat ako e. Kaso epal na naman si Keith at pinagpalit ako ng suot. Kaya nauwi ako sa leggings at white na tshirt na medyo malaki sa akin. Tapos spadril na shoes. Mabilis naman kaming nakarating ng bayan dahil  walang traffic. Di uso sa kanila. Namili kami ng mga prutas, mga ingredients na lulutuin namin at mga drinks. Tapos pumunta kami sa supermarket malapit lang din sa palengke. Nagbabayad na kami sa cashier nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha. Di ko pwedeng magkamali. Si Luis ang nakita ko. Paano niya nalaman na andito ako? Bigla kong kinalabit si Keith na busy sa pakikipagbolahan sa kahera. Tss. At itong bagger boy ay nagpapacute din saken. Di ko kasalanan maging maganda. Haha!
Tapos na ilagay ng bagger boy ang mga pinamili namin. Di na pala sumama si Mama Lorns sa loob ng supermarket. Hintayin na lang daw niya kami sa sasakyan. Kinuha ko na ang mga pinamili at nilayasan ko si Keith. Hinabol naman niya ako palabas.
"Bakit mo ako biglang iniwan?"
"Eh diba nakikipag landian ka pa dun sa kahera? Nakakahiya naman kung iistorbohin pa kita".
Biglang gumuhit ang mga ngiti niya sa labi.
"And why are you smiling at me?" Mukhang gago. Hindi naman ako nagpapatawa e.
"Are you jealous?"
"Hahahahaha! Are you serious?" Natawa ako sa tinanong niya.
"What if I say No?" Tanong niya.
"I dont care". Sabi ko.
"But what if I say Yes?" Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Enebe?
Gusto kong magsalita pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko.
"Akin na nga yang mga dala mo". Kinuha niya yung mga pinamili namin sa supermarket.
Tahimik kaming bumalik sa sasakyan. Nagselos nga ba ako kanina? Pero di pwede. Bodyguard ko si Keith at amo niya ako. Pero di naman siguro masama kung may nararamdaman ako towards him. Bakit? May feelings na ba ako towards him? Hay. Ewan ko!
Pagdating namin sa bahay ay nagluto na kami. Tulong tulong kami sa gawain. Si Keith, umalis muna. Kinuha ang mga mangga sa bukid nila Uncle Juancho. Ako amg nakatoka sa pag iihaw ng BBQ at tilapia. Si Kean at Mama Lorns nasa kusina. Nagluluto ng mga uulamin. Si Papa Den naman, inasikaso na yung sasakyan namin mamaya.
Busy ako sa pag iihaw nang may magtext sa cellphone ko.
Unknown number.
"See you soon heiress".
Huh? Sino naman toh?
Nireplyan ko kung sino siya. Agad naman siyang nagreply.
"One day, we will meet. The day that you will gonna be dead".
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Shit. There he goes again. Yung killer. Tangina. Siya ba ang may ari na mga telecom? Nakakailang palit na ako ng sim nalalaman pa rin niya. Dumating na si Papa Den at Keith. Halos sabay lang.
"Oh hija, bakit ikaw ang nag iihaw? Naku! Baka di ka sanay dyan. Pumasok ka na doon sa loob at Ako na lang ang mag iihaw dyan". Sabi ni Papa Den.
"Ako na po. Okay lang po ako. Paki tulungan na lang po sila Mama Lorns sa loob". Sabi ko.
Tumango siya at pumasok na sa loob.
"Anong problema?" Tanong ni Keith.
"Wala. Meron ba dapat?"
"Ewan ko. Parang may problema ka kasi. Sige. Pasok na ako sa loob". Paalam niya sa akin.
Kelangan ko bang sabihin kay Keith na andito si Luis at nagtetext na naman yung killer? Bahala na.
Alas nuebe na at handa na ang lahat para sa swimming.
Sinantabi ko na muna ang lahat ng nangyari ngayong umaga. Sumakay na kami ng sasakyan. Magkatabi kami ni Keith at sa bandang likod kami nakapwesto. Nagdala ako ng travel pillow para sakaling antukin ako ay prente akong makatulog. Sinalpak ko ang earphones sa magkabilang tenga ko at nagsoundtrip.
"Heart beats fast.
Colours of promises.
How to be brave?
How can I love if I'm afraid?
To fall, watching you stand alone. All of my doubts, suddenly goes away somehow.
One step closer".
Nakaka-inlove talaga itong kantang ito. Maya-maya, biglang hinugot ni Keith ang left earphone ko.
"Share tayo". Saka siya humiga sa balikat ko.
*dub-dub dub-dub*
I wish he couldn't hear that.
Si Keith pa lang ang nakakagawa nito saken. Eventhough naging EX ko si Luis, never nyang nagawa ang patibukin ng malakas ang puso ko. Pakiligin, OO. Pero nagagawa rin ni Keith yun. Naamoy ko yung buhok niya, shit. Nakakaadik. Ang bango. Lalake ba talaga ito. Tiningnan ko yung mukha niya, ang gwapo. Ang haba ng mga pilik-mata, tangos ng ilong, ang ganda ng labi. Oh my god! Nagkaka- HD na ata ako sa kanya.
"Baka malusaw ako".
There he goes again.
"Magpapalusaw ka ba?" Out of nowhere yan ang lumabas sa bibig ko. Tinamaan na ba ako?
"Basta ikaw".
Siniksik niya lalo ang ulo niya sa balikat ko kaya amoy na amoy ko na ang buhok niya. Naadik nako!

"I have die everyday waiting for you.
Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years.
I love you for a thousand more".

"Kelan ka ba ulit magmamahal?" Seriously?!!!! He asking me that question. For 6 months na magkakilala kami ni Keith at 2 months kong paninirahan dito sa kanila, mas nakilala ko siya in different way. Yes, di siya pinanganak na mayaman pero pinanganak siya ng may respeto sa lahat. Kasimplehan ang umiiral sa pagkatao niya. He's rarely different and yet adorable as he is.
"Why?" Sasabog na ata ang puso ko.
"Mag-aapply ako. Hindi bilang personal body guard mo".
"Eh ano?" Pulang pula na ang pisngi ko. Pramis!
"Bilang boyfriend mo".
Muntik ko na ibato ang cellphone ko palabas ng sasakyan. Buti na lang at nakasara ang bintana. Wala ng lumalabas na boses sa bibig ko. Gustong magprostesta ng katawan ko pero di ko magawa.
"Joke lang!" Sabay nag peace sign siya.
Amp! Bakit joke lang?! Nakakainis naman e. Assumera ka Karen.
"Alam ko. Kaya nga yang mukha mo, isang malaking joke e". Sabay irap ko.
"Andito na tayo!" Sigaw ni Kean. Di halatang excited siya ha.
Bumaba na si Mama Lorns, Papa Den at Kean sa sasakyan. Keith offer his hand to me habang pababa ako ng kotse.
"Wag ka ng madisappoint. Minsan kasi, ang di masabi ng seryosohan, dinadaan na lang sa lokohan".
Then our eyes met again. What does he mean?
"Bumaba ka na d'yan. Feeling maganda ka na naman e".
What the fvck! Siya lang talaga ang di nakaka appreciate ng ganda ko.
Bumaba na ako ng kotse at pumunta na sa room ko. Its kinda Nipa Hut. Resort pala ito. Private resort para naman makapag celebrate kami ng bongga. Kaunti lang ang tao. Rich people can afford to stay in this kind of place.  Nilapag ko na ang mga gamit ko. 3 days kami dito. Bakasyon bakasyon din kami pag may time. I checked my phone. Nagtext si Agatha. Namimiss na daw nila ako ni Gail. After sembreak, back to school na naman. Namimiss ko na din sila. And the thing is, gagraduate na ako ng college. Exciting right? Sana matapos na ito. Yung mga threats na bumabalik na naman. Si Luis na pinagdududahan ko, andito na sa probinsyang kinalalagyan ko. Yung pagiging malayo sa akin ni Daddy.  Tapos nalilito pa ako sa feelings ko towards Keith. Laslas na friend.
Matutulog muna ako dahil sa sobrang pagod sa biyahe para lang makapunta dito. Isla kasi. One of the best island I've ever seen so far. I texted Keith not to disturb me. Manggugulo na naman kasi yun e.
Nagtatype pa lang ako nang biglang may nag doorbell sa room ko.
"Sino yan?" Walang gana kong tanong.
"Ang pogi mong body guard". Speaking of kakapalan ng mukha.
Di ko siya pinagbuksan ng pinto at sinend ko ang message ko for him.
Nagreply naman siya.

From: Keith
Wag ka ng matulog. Baka di ka magising.

Ugh! Ang sama talaga ng ugali!

To: Keith
Whatever!

Inaantok na talaga ako.
Nag ring na naman ang phone ko. Di nakatiis! Tumawag na.

"Bakit ba ang kulit mo?" Asar na tanong ko.
"Bakit ba kasi ang sungit mo?"
"Wala kang pakialam!"
Please Keith, utang na loob. Patulugin mo na ako.
"Matulog ka na nga. I love you!" Then he chuckled.
"I love you too". I answered na nakapikit na. Then I ended the line.
Waaaaaaiiiit! Did I say I love him too? Biglang nabuhay ang katawang lupa ko.
Ang gaga ko talaga!
Lord, kunin mo na po ako.
Oh my god! Can somebody tell me what to do?!!
Papa Jack? DJ ChaCha? Hello!
Tatawagan ko na lang siya ulit. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Nak ng tinapa! Nagriring pero di niya sinasagot. Dinial ko ulit.
"The number you have dial is not yet in service".
Gago ka Keith. Bakit mo pinatay yung phone mo?! Argh.
Pinagtatawanan na ako nun for sure!
Di pa ako sure kung talagang mahal ko siya or maybe its just infatuation.
All I want is to confirm my feelings towards him.
Pero paano?
Kelangan ko ng isang sugo para masagot ang mga questions ko.
Pero sino?
Mamaya ko na nga poproblemahin yan! Tulog muna ako!

-

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon