Chapter 48: Promotion

4.5K 87 3
                                    

Karen's POV:

"BESSSSSSSSSSYYYYY!"

Halos tumigil ang mga estudyante sa pagsigaw ng isang babae. Si Gail siya actually. At tinatawag niya ako. Agad naman akong lumapit sa pwesto nila. She's with Agatha, Kean and of course, Clark.

"Hi Kar!" Then Agatha hugged me and I hugged her back.

"Ate Karen, long time no see! It's nice to see you back!". Masayang sabi ni Kean. In fairness, blooming. Sila na kaya ni Gino?

"Hey, Ms. Salvador, welcome back!" Bati naman ni Clark.

Hay! I miss these people!

"So, kamusta naman ang vacation mo sa Hawaii?" Tanong ni Gail.

"Well, it really feel great. Naka-move on na ako sa lahat ng nangyari. Nawala na yung takot, sakit at lungkot. I'm back with a pak, pak, pak! Mowdeling para sa economy!" Pabirong sabi ko.

Then they laugh. As in halakhak talaga. Hahahaha! Namiss ko sila talaga. Pero parang kulang.

"Asan si —" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ipinatawag na ang mga graduating student para mag-practice.

"Tara na girls! Practice na! At ikaw Kean, pasok ka na sa klase mo". Sabi ni Agatha.

Naunang maglakad papuntang Gym si Clark at Gail na magka-holding-hands. -_____-

Kasabay ko maglakad si Agatha.

"Sila ba ni Clark?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Last week lang". Sagot naman niya.

Sila? Pero hindi man lang ako na-inform? Sabagay, mas okay na yung malaman kong sila na kaya sila naghoholding hands kesa makita kong magkaholding-hands sila pero wala lang. Aba! Kalandian naman yata iyon.

"Kamusta kayo ni Vince?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang. I'm heading New York after graduation. Vacation galore!!"

"Bongga mo teh! Pasalubong ha!" At nagtawanan kami.

Nakapasok na kami ng Gym at umupo na sa unahang bahagi. Cum Laude ako. While awardees yung dalawa. Humabol ako from lectures hanggang mga exams. Then I hit the top! Complete requirements, high grades, at yung hinabol kong consistent performance.

"Agatha, asan nga pala si Keith?" Tanong ko sa kanya.

"Sssshhh! Mag-start na. Ready mo na yung speech mo". Sagot niya.

Bakit parang iwas sila?
Parang may tinatago.

Nag-praktis na kami from top to end ng graduation ceremony.

"And now, we would like to hear the speech of our beloved Cum Laude, Ms. Karen Gertrude Salvador!"

Then nagpalakpakan sila.

Umakyat ako sa stage at huminga ng malalim before I start my speech.

Tumindig ako at sinimulan ko ng magsalita.

"First of all, I want to greet each and everyone a pleasant afternoon. I want to share my little memories here in our university."

Lahat tahimik.

"Dati, nung iniisip kong magka-college na ako, natakot ako. Kasi akala ko, hindi ako makakapasa. Kahit na heredera ako, hindi ko ginamit iyon kasi gusto kong maranasan yung dinanas ng mga ordinaryong estudyanteng gustong makapasok din dito. Kasi gusto kong matuto maging ordinaryo. When the result day comes, kinakabahan na talaga ako kasi baka nga di ako makapasa. Lalo na nung nalaman ko na dito rin mag-aaral yung dalawang best friends ko".

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now