Chapter 29: Closer You And I

4.3K 88 1
                                    

Keith's POV:

Matapos namin kumain ay tinuloy na namin ang pamimili ng iba pang mga gagamitin para sa birthday niya. 5:00pm nang mag-aya syang magpahinga muna.

"Keith, sabi mo may kapatid kang babae? Tama ba?" Tanong niya.

"Ah. Oo. Si Kean". Sagot ko.

Yung pronounciation ng name nya is Kin.

"Scholar ko na siya pero di ko pa rin sya nakikita in person". Sabi niya.

Oo. Tama kayo ng basa. Scholar sya ni Karen. Wala naman required average as long walang bagsak.

"I wanna see her." Sabi niya sabay tingin sa akin.

"Kelan po?" Tanong ko.

"Sa birthday celebration ko. Isama mo na rin ang parents mo para mameet ko sila pati ni Daddy".

Tumango ako bilang tugon.

"Buti ka pa may kapatid ka."- Karen.

Ay. Nag-oopen up si Madam.

"May masasabihan ka ng problema mo. May kasama ka sa lahat ng bagay. May instant best friend ka pa." Biglang naging malungkot ang mukha nya.

"Eh ako? Ako lang mag-isa. Wala akong masabihan ng sama ng loob, galit at tampo. Minsan nga iniisip ko, paano kaya kung sasabog na lang ako bigla?" Nakatingin sya sa malayo.

"Andyan naman ang daddy mo eh." Sabi ko.

"Oo nga. May tatay nga ako. Pero puro negosyo naman ang pag uusapan namin. Nung nawala si Mommy, parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala. Siya na nga lang ang nasasabihan ko ng problema ko sa mundo, nawala pa". Sabi niya sabay yuko.

"Eh diba may mga kaibigan ka naman? Bakit di ka mag open up sa kanila?" Tanong ko. Totoo naman eh. Bestfriends nga niya yung dalawang makulit na yun.

"Iba pa rin yung may masasabihan ka ng personal issues mo sa buhay". Sabi niya sabay tingin sa akin.

"Edi ako. Pwede mo akong sabihan ng problema mo and any personal issues. Kung okay lang sayo?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti.

"Baket? Close ba tayo?" Tanong niya sabay irap.

"Oo. Wala na tayong rules and regulations diba?" - Ako

"Kahit na. Di porket wala na tayong rules and regulations means close na tayo". Sabi niya.

"Ah. So di pa pala tayo close. Pwedeng pwede kong ipagsabi kung gaano kalakas ka kumain, kung paano ka matulog, at kung gaano kabaho ang utot mo". Sabi ko sabay tawa.

"Ugh. You're such a liar! Oo. Malakas ako kumain pero di mabaho ang utot ko!" Sabi niya.

Asar na yan.

"So ano? Is it a deal or no deal?" Naks! Lucky Manzano lang ang dating.

Tumingin siya a akin at tila nag-iisip.

"Deal" sabi niya sabay ngiti.

Hay. Ganda mo te! Hahaha! Vaklush lang?

"Okay! Ako po si Keith Simon David, at your service!" Sabay saludo sa kanya.

"Hahaha! Baliw ka. Tara na. Uwi na tayo. Kawawa naman si Mang Ben naghihintay na". Sabi niya.

Close na kami ng amo ko.

Ano kayang susunod?

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now