Chapter 5: Rules and Regulations

9.3K 172 1
                                    

(Author's Note)
Aloha! Kumusta po? This is my first time to write a story. I sincerely apologized if I will not meet your expectation for the story. Hopefully na matapos ko na ito. Haha! Lahat po ng pangyayari, tauhan at lugar ay KATHANG ISIP LANG. Keep Calm and read my story. Follow. Vote. Comment. And be a fan.
--

Karen's POV:

Alas diyes na ng gabi nang magising ako sa aking pagkakatulog. Umupo ako sa veranda ng kwarto ko at ipinikit ang aking mga mata. Inaalala ko ang pagkamatay ni Mommy.

*FLASHBACK

"Mommy! Please wag mo kaming iwan ni Daddy. Lumaban ka mommy" umiiyak kong sabi habang sinusugod namin sya papuntang emergency room.

"Sorry ma'am hanggang dito na lang po kayo." Harang sa amin ni Daddy habang pinapasok nila sa ER si mom.

"Dad, mabubuhay naman si Mommy diba? Matapang sya diba?" Umiiyak kong tanong.

Hindi na ako sinagot ni Dad pero niyakap nya ako to make me feel better.

Naghintay kami sa labas ng ER. Nagdadasal na sana makaligtas ang nanay ko sa kamatayan.

Binaril ang mommy ko. Tatlong tama ng bala ang tinanggap ng katawan nya. Tinambangan kami ng 2 armadong kalalakihan. Pasakay na sana kami ng kotse nang biglang pinaputukan ito at napuruhan ang nanay ko.

After 30 mins.of waiting ay lumabas na ang doktor.

"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong nya. Nararamdaman ko ang masamang balita.

Agad naman kaming tumayo ni Dad.

"Ano pong kondisyon ng asawa ko?" Nangingiyak na tanong ni Daddy.

"Mr. Salvador tatlong basyo po ng bala ang tumama sa katawan ng misis nyo. Unfortunately, ang isang basyo ng bala po ay tumama sa puso nya. We did all our best para tanggalin ang bala pero hindi na kinaya ng pasyente. Im sorry po". Malungkot na binalita ng doktor sa amin.

Doon na bumagsak ang buong pagkatao ko. Gusto kong magalit sa mundo. Gusto kong isumpa ang gumawa nito sa nanay ko. Pero masyado akong mahina dahil nawalan na ako ng isang magulang. Isang napakahalagang tao na kahit kailan ay hindi mapapalitan ng kung sino. Si Mommy yun.

Idinilat ko ang mga mata ko. Umiiyak na pala ako. Masakit pa rin pala. Sobrang sakit.

Pinahid ko na ang mga luha ko at bumalik na sa kama ko. Napansin kong may nakatayo sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko maaninag dahil lampshade lang ang nakailaw.

OMG! Saka ka na manakot Mommy. Not now! Shemay!

Nagtalukbong ako ng kumot. Teka?! Eh hindi naman ako sure kung kaluluwa ng nanay ko yun e. Baka naman rapist? Or kidnapper? O di kaya killer?! Naramdaman kong lumalakad sya papalapit sa pwesto ko. Tang inumin naman! Nakakaorkot! Bigla akong may naisip. Pag lumapit sya sa akin, sasabunutan ko muna sya at tatadyakan. Saka ko tatakbo at babatuhin ng kung anong mahahawakan ng magagandang kamay ko.

Ayan na sya.

Hinawakan na nya ang kumot ko para tanggalin ang nakatagong si Ako.

Its time to do my brilliant plan.

Pagkahawak nya.

"WALANYA KA! PUNYETA!" Sinisigaw ko habang sinabunutan ko sya.

"ETO ANG DAPAT SAYO!" sabay tadyak sa birdie nya. Sorry. Hindi ko sinasadya. Pero nananakot kang punyeta ka. Lumayo ako agad kung saan sya nakapwesto. Hindi ko pa din sya mamukaan.

Bumagsak sya sa sobrang sakit. At nang mapansin kong babangon na sya ay agad kong binato ang flower vase na nahawakan ng kamay ko.

Nakailag sya. Sumunod ay ang tuwalya ko. Nakailag sya ulit. Pangatlo ang wedge sandals ko, nakailag ulit sya. Magaling kang umilag ha. Tingnan ko lang kung makailag ka pa kapag lampshade ko na ang ibabato ko. Pagkahawak ko, biglang namatay ang ilaw ng lampshade ko. Wala ng ilaw sa buong kwarto ko. In short, madilim. Nahugot ko sa saksakan e. Hindi ko na tuloy nabato. Teka lang! Ibabato ko nga pala ito! Pero asan na yung babatuhin ko? Shet na malagkit! Buti na lang at kabisado ko ang room ko kaya alam ko ang saksakan ng kuryente.

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now