Chapter 49: Period

4.6K 95 0
                                    

Keith's POV:

"Kuya! Ang panget naman ng suot mo! Para kang magni-ninong sa binyag e".

Sumasakit na ang ulo ko sa kapatid ko. Siya kasi ang tumitingin sa mga sinusuot ko at kanina pa ako palit ng palit ng damit. Tangina lang. Nakakapagod.

"Magpalit ka na ulit! Naku!" Naiinis na sabi ni Kean.

Pumasok na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Habang namimili ako ay nag-ring ang phone ko. Ayna! Si KarenLabs tumatawag na.

"Hello KarenLabs!" Masiglang bati ko.

"Uhm. Keith, I can't make it tonight. I'm sorry". Mahinang sabi niya.

Yung boses niya parang may sakit or may dinadaing.

"It's okay. Teka, may sakit ka ba?"

"Wala. Just a girl thing." Wika nito.

"I see. Punta ako sa bahay niyo mamaya. Dadalaw lang".

"Wag na. Next time na lang". Naiiritang sabi niya.

"Ang sungit mo. May regla ka ba?" Out of nowhere ay natanong ko bigla sa kanya yun.

"Wala kang pake!" Sigaw niya at biglang *toot-toot-toot*

Binabaan niya ako ng phone. Lagot. Nagalit si Madam.
Ang kulit mo kasi Keith!

"Kuyaaaa! Matagal pa ba yan?!" Naririnig kong sigaw ng kapatid ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Casual na lang ang sinuot ko.

"Oh? Bat ka naka-ganyan?! Ano ka? Mamamalengke?!" Nakapameywang na tanong ng kapatid ko.

"Hindi na kami tuloy". Malungkot na sabi ko.

Syempre, sino ba naman ang hindi malulungkot? Di na nga kami matutuloy mamaya, mukhang nagalit pa saken. Aruy! Nangangamoy basted :'(

"Ha? Bakit daw?!" Gulat na tanong ng kapatid ko.

"Hindi ko alam. Bigla na lang nagsungit saken".

"Baka na-realize ni Ate Kar na hindi ka deserving? Hahaha. Basted!" Pang-aasar ni Kean.

Tangna nitong kapatid ko. Lalo pa akong inaasar. Pero paano nga kung ganun? Paano pag na-realize nya na di naman ako worth it? Sakit nun. Ah basta! Pinatunayan ko ang sarili ko kay Karen. Nakita at naramdaman niya kung paano ako magmahal sa kanya. Pero sa huli, nasa kanya pa rin yung desisyon.

Biglang nag-ring yung phone ko.
Si Tito Nick.

"Hello Sir? Good morning po." Magalang na bati ko sa aking future father-in-law ko. Hah! I claim it na. Baka maungusan pa ako ng iba e.

"Ah. Hijo? Can you go here sa bahay?"

"May problema po ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Si Karen kasi e". Sagot ni Tito Nick.
"Bakit po? Anong nangyari kay Karen?" Nagsimula na akong kabahan. Baka napa-away yun dahil sa kasungitan.

"Basta. Pumunta ka na lang dito. Bye".

Agad akong nagbihis ng medyo desenteng damit at pumunta sa kanila. Naabutan ko pa si Kean na nanunuod sa sala.

"Kuya, san ka pupunta? Panuorin mo tong serye na toh. Ang title, "Ang lalaking sawi". Hahaha!"

Boyset! Mamaya na kita gagantihan.

Di ko na sya pinatulan at umalis na ako.

**

"Keith, Hijo! Mabuti at nakarating ka agad." Bungad ni Tito Nick.

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now