Chapter 53: Lovers in Germany ✈❤

6.1K 106 1
                                    

Karen's POV:

"We will see you next two months. Take care of yourself." Daddy said then hugged me.

"Keith, ikaw na ang bahala sa anak ko ha. Gawin nyo ang gusto niyong gawin. Mag-enjoy kayo. Pag nalulunod na sa trabaho si Karen, ipasyal mo sya. Malaki na kayo. Kung gusto niyo na gumawa ng baby-"

"Dad! Anong gagawa ng baby?!"

"Bakit? Gusto ko na kasi magka-apo."

"Sa tamang panahon, magkaka-apo rin kayo. Maliban na lang kung baog itong si Keith". Sabi ko kay Dad.

Biglang napatingin sa akin si Keith.

"Sinong baog?" Tanong niya.

"Ah.. Eh.. Hehe.. Yung ninong ko baog kaya di nagkaanak". Palusot ko.

Mukhang satisfied naman sya. Wew!

"We will go now dad. Baka ma-late pa kami". Paalam ko.

"Okay. Ingat kayo!" Sabi ni Dad.

Palabas na kami ng pinto nang maalala ko yung mga nangyari dati.

Umalis ako para magtago, para lumayo. Pero ngayon aalis ako para simulan ang mga pangarap ko. Mamimiss ko na naman si Daddy. Tumakbo ako pabalik sa kanya at niyakap sya.

"I will miss you Dad." Bulong ko.

"Andrama mo. Sige na. Naghihintay na ang prince charming mo."

"Kahit may prince charming na ako, ikaw pa rin ang king ko." Naiiyak ako. Hanubayan. Iyakin na ako nowadays. Kainis.

"Wag kang mag uuwi ng babae dito ah. Sisipain ko yun palabas ng bahay natin." Banta ko kay Dad.

"Joke lang!" Tapos tumawa kaming dalawa.

"We'll go now. Take care of yourself, dad". Then lumabas na ako at sumakay na ng sasakyan.

**

"Love, are you okay?" Tanong ni Keith.

Kanina pa kasi ako nakabusangot. You know why? Kase may nakita kaming nagtitinda ng dirty ice cream sa daan tapos sabi ko bibili ako pero ayaw pumayag ni Keith dahil baka matrapik pa daw kami.

"Ewan ko sayo". Sabay irap.

"Love-"

"Don't touch me! Keep your eyes on the road. Baka mabangga tayo". Sabi ko sa kanya.

"Alright. Sorry".

After that scenario, ay di na kami nag-imikan hanggang sa makasakay kami ng eroplano. Nakakayamot dahil yung iniimagine kong sweetness namin sa eroplano, di nangyare. Nganga!

Hanggang sa makababa kami ng eroplano ay wala pa ring imikan. Kahit sa loob loob ko ay nagtitili na ako dahil we're finally in GERMANY!

Sinalubong kami ni Camille- assistant ko daw ito sabi ni Dad.

"Hi Ms. Salvador. The car is ready. Welcome to Germany!" Masayang bati nito.

Nginitian ko sya at pumasok na kami sa sasakyan. Bukod kami ng kotse. Bale kaming dalawa ni Keith sa isang kotse at sa kabilang kotse si Camille at Julius na driver.

"Eto ba ang kahihinatnan ng pagsama ko sayo dito?" Tanong ni Keith.

Huminga ako ng malalim.

"Bakit? Nagsisisi ka ba na sumama ka pa dito?" Pataray na sagot ko.

Parang yan kase yung pinupunto nya saken.

"Hindi naman. Bakit? Ikaw? Nagsisisi ka na pinayagan mo akong sumama sayo?" Pabalik na tanong nya saken.

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon