Chapter 7: Comeback

6.8K 163 0
                                    

Karen's POV:

"Hihintayin kita". Sabi ni Keith sabay umalis.

Lumakad na kami ng mga friends ko papuntang classroom.

"Eh hihintayin ka naman pala eh" ngising pang aasar ni Agatha.

"Stop it. Hihintayin nya ako dahil personal body guard ko sya. Trabaho nya ang protektahan nya ako. Yun lang yun". Sabi ko.

"Capital A.F.F.E.C.T.E.D" pag ispell ni Gail.

"Shut up." Sabay irap ko.

Nasa locker ko pala ang book ko for our subjects.

"Girls, mauna na kayo. May kukunin lang ako sa locker ko". Sabi ko.

"Okay! Tara na Gail". Sabay alis ng dalawa.

Yung dalawa talagang yun.

Kinuha ko na ang susi ng locker ko, binuksan at kinuha ko na ang dapat kong kunin.

"Gertrude?" Boses ng lalake na galing sa likod ko.

The voice that I missed. The voice that I've been longing for long time. Ayokong lumingon para makita o masilayan lang sya. Kunwari, wala akong narinig. Bahala na.

Agad akong lumakad nang nakayuko. Pero hinabol nya ako at hinawakan ang braso ko.

"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.

"Let me explain please". Naiiyak nyang sabi.

"Why should I?" Tanong ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko ito inaasahan.

"Para malaman mo yung totoo." Malamig na sagot nya.

"Totoo? Anong totoo?" Tanong ko.

"Na mahal pa rin kita. Hanggang ngayon. 3 years tayong nagkahiwalay pero ikaw pa rin. Nasa Amerika ako pero naiwan ang pagmamahal ko sa'yo". Umiiyak nyang sinabi sa akin.

Wala ni isang patak na luha ang lumabas sa mata ko. Kasi yung luha ko na para sa kanya, naubos na simula nang iwan nya ako.

"What do you want from me?" Malamig na tanong ko.

"Ikaw. I just want to win you back. Kasi mahal kita. Mahal na mahal. Sorry kung umalis ako without any words." Sabi nya.

Huminga ako ng malalim.

Ayoko ng pumasok pa sya sa buhay ko. Kasi ayoko na syang bigyan ng karapatan para saktan ulit ako.

"You leave me without any words and reasons. So don't comeback with an excuse" sabi ko saka tuloy tuloy na naglakad na palayo.

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now