Chapter 3: The Call

10.9K 236 1
                                    

Natapos ang buong klase nang mapayapa at maayos. Hinihintay ko na lang si Mang Ben sa lobby ng school. Nauna nang umuwi si Gail at Agatha dahil sa kanya-kanyang lakad. Buti pa sila. Ligtas ang buhay. Samantalang ako, anytime, any day, any moment eh pwedeng sumabog ang utak dito. Kung pwede ko lang takasan ang marangyang pamumuhay, matagal ko ng ginawa kaso kawawa naman si Dad. Ako na nga lang ang kasama nya sa bahay, iiwan ko pa.

Maya-maya biglang nag-ring ang phone ko. Unregistered number.

"Sino naman kayo ito?" Tanong ko sa sarili ko.

"Ah. Baka si Manang Helen". Sagot ko. Oh diba? Para lang akong baliw. Tanong ko, sagot ko. Sinagot ko ang tawag.

"Hello?" Sagot ko.

"Magandang araw sayo, tagapagmana!" Bati ng nasa kabilang linya. Lalaki ang boses.

"May I know who the hell you are?" Magalang kong tanong.

Magalang na ako sa lagay na yan kaya wag nyo akong pakialaman.

"Hahahahaha! I like you as much as I want to kill you right now". Sabi nya.

Wait! What?

Is he the killer?!

"So you're the killer that send us that non-sense death threats?" Tanong ko. At this point, hindi ako makakalma. Isasantabi ko na ang takot baka mahalata ako.

"Oh? So, you already received it?" Tanong nya.

Hindi ako sumagot.

"Anyway, enjoyin mo na ang yaman mo dear. Dahil sooner or later mawawala na yan. Mawawala na kayo ng daddy mo" then he hunged up.

That a**hole!

Ang lakas manakot. Bwisit. Hindi ako natatakot. Kaso lang nag-aalala ako para kay Dad. Baka kung anong mangyari sa kanya. Maya-maya ay dumating na si Mang Ben at sumakay na ako agad.

*SA BAHAY

"Good Evening po Ma'am" salubong sa akin ni Ate Thelma. Katulong din namin dito sa bahay.

"Same to you. Ahm si Dad? Is he already here?" Tanong ko.

"Opo Ma'am. Kanina pa. Nasa office nya po sya kasama po yung bisita nya." Sabi nya sa akin. Ganyan ka-workaholic si Dad. Pati dito sa bahay may office sya.

"Bisita? Sinong bisita?" Tanong ko ulit.

"Hindi po namin kilala. Ngayon lang po pumunta yun dito." Sagot nya.

Oh my god. Baka sya yung killer! Baka may nangyari na sa loob ng office ni Dad Shet. Shet. Shet!

"Kanina pa ba sila sa loob ni Dad?" Tanong ko ulit.

"Opo. Kaninang 4 pa po ng hapon." Sagot nya ulit.

I glanced at my wristwatch. It's already 6:45pm. Almost 3 hrs. na silang nasa loob.

Agad akong tumakbo papuntang 3rd flr.ng bahay. Dito ang home office ni Dad.

"Dad??!" Tawag ko sabay katok.

"Dad?!!" Tawag ko ulit.

Nag-aalala na ako.

Isa lang ang pumasok sa isip ko.

Sorry Mr. Pintuan sisipain muna kita.

1

2

3

"HAAAAA!" sabay tadyak sa pinto ng buong pwersa.

-.- - DAD

O.O - yung bisita nya.

"Anak! Bakit mo naman giniba yang pinto?" Tanong sa akin ni Dad.

"Im just worried Dad. Malay ko ba kung sinong pontio pilato ang kasama mo dito. Baka sya pala yung killer". Sabi ko.

"What did you call me?" Tanong nung lalakeng bisita ni Dad.

"Wala". Tipid kong sagot.

"You just call me killer a while ago" sabi nya ulit.

"Wait! I said that MAYBE you are the killer. I use the word Maybe because Im not sure kung ikaw ba o hindi. Bakit ikaw ba?!" Sabi ko. Nyeta toh ah. Sarap sabunutan!

"Tingin mo?!" sabat nya pa ulit.

"Yes!" Sigaw ko.

"STOP IT!!!" Umalingawngaw ang boses ni Dad.

Biglang may dumaang anghel dahil tahimik ang atmosphere.

"Maupo kayong dalawa" utos nya sa akin.

"Mr. David, pagpasensyahan mo na ang anak ko." Sabi nya.

Wait! Bakit nagsosorry si Dad?

"Dad! Bakit ka nagsosorry sa mukhang unggoy na toh??" Tanong ko.

"Karen, can you be please quiet for a moment?" Sabi nya.

"Okay!" Sabay cross arms.

Nakakainis. Ako pa yung mukhang masama dito. Bwisit.

"As I told you a while ago, my daughters' life is at stake. I want her to be secured and protected. At alam kong kayang kaya mong gawin yun gaya ng ginawa mo sa akin". Paglilitanya ni Daddy.

Okay! Wait! Ano ang ginawa nya kay Dad?

"Maasahan ba kita Mr. David?" Tanong nya.

"Yes sir!" Sagot naman ng kamukha ni Brad Pitt este ni Mr. Monkey Donkey.

"Okay. You're hired!" Sabi ni dad at nakipag shake hands pa sya sa lalaking toh.

"Dad, aalis na po sa atin si Mang Ben?" Tanong ko.

"Hindi anak. Bakit mo naitanong?" - Dad.

"Eh ano pong posisyon ng lalaking yan dito?" Sarkastikong tanong ko.

"Oh nice question. Hindi ko pa pala sya napapakilala sa iyo." - Dad.

"Mr. Keith Simon David, this is my daughter, Karen Gertrude Salvador" and then he held his hand.

"Karen dear, that is Mr. David, your personal body guard". Sabi ni Dad.

What?! Personal body guard?

That guy is my personal body guard?

Oh No!!!!!!

-

Her Personal Body GuardOnde as histórias ganham vida. Descobre agora