Chapter 11: Principal's Office

5.9K 130 2
                                    

Keith's POV:

Buong biyahe ay tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakasandal ang ulo nya sa kaliwang balikat ko. Ewan ko. Pero sa nakikita ko sa kanya ngayon, nandun yung takot nya. Kasalanan ko ito eh. Kung inabangan ko na lang sana sya sa labas mismo ng room nya eh di sana hindi sya nagkakaganito tong si Ma'am Karen. Ahy! Keith. Ang g*go mo kasi. Nawili ka sa mga panget na yun.

"Okay ka lang po ba Ma'am?" Tanong ko. Pero hindi ako sinagot.

"Ma'am Karen?"- me.

Wala pa rin sumasagot.

Tiningnan ko na sya. Tulog pala. Pinagmasdan ko lang sya.

Ang ganda talaga nya. I admit it. Kung kanina binawi-bawi ko eh ngayon ay kinukumpirma ko na. She's like an angel.

Huminto na ang kotse. Andito na pala kami.

Gigisingin ko ba? O hindi?

"Buhatin mo na lang". Nakangiting sabi ni Mang Ben.

Tumango na lang ako bilang tugon.

Dahan-dahan ko syang binuhat at inakyat ko na sa kwarto niya.

Paglabas ko ay naabutan ko si Mr. Salvador sa harap ng pinto ni Ma'am Karen.

"In my office now". Saka umalis.

Para syang isang striktong principal. Lagot!

First day at principal's office.

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now