Chapter 26: Conversation

4.2K 87 1
                                    

Keith's POV:

Di na ako kinausap ni Karen. Mukhang pagod kakadaldal dun kay Martina e. Andito ako sa garden. Nagsa-sountrip lang.

Kamusta na kaya sila Mama?

Matawagan nga.

Calling...
Mama ko

"Hello? Keith?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Hello Ma. Kamusta na kayo d'yan?" tanong ko.

"Okay naman kami dito nak. Wag mo na kaming alalahanin. Nagkita na ba kayo ng kapatid mo?" tanong ni Mama.

"Hindi pa Mama eh. Medyo busy pa sa trabaho". Sagot ko.

1 month na pala kaming di nagkikita ng kapatid ko.

"Ganun ba? Puntahan mo siya sa apartment nya ha. Baka wala ng budget yun". Sabi ni Mama.

"Opo Ma."- Ako.

"Anak. Salamat ha. Dahil tinulungan mo kami ng Papa mo. Atleast ngayon, medyo okay na ang negosyo natin. Siya nga pala, kamusta naman si Mr. Salvador?" tanong ni Mama.

Tinulungan ni Mr. Salvador ang pamilya ko noong iniligtas ko ang buhay nya. At di lang yun, binigyan nya pa ako ng trabaho.

"Okay naman po siya."- ako.

"Eh yung anak niya? Diba sya ang amo mo? Masungit ba?" sunod sunod na tanong ni Mama.

"Si Ma'am Karen po yun Ma. Opo. Mabait naman." Sus. Mabait. Mabait pag tulog. Haha!

"Mabuti naman kung ganoon. Naku. Siguro nagkakasundo kayo nun. Maganda ba?" paguusisa ni Mama.

Kami magkakasundo? Bilang lang ata sa daliri kung kelan kami nag-uusap ng matino. Maganda? Next question please.

"Hoy Anak! Tinatanong ko kung maganda di ka na makasagot d'yan. Siguro maganda ano? Kasi ganyan ka din dati kay.. Kanino ba yun? Yung dati mong nobyang maganda rin?"- Mama.

Si Polla. Yung ex-girlfriend kong sumama sa mayaman. Truth hurts. Pinagpalit nya ako. Tss.

"Sige na Ma. Matutulog na po ako. Maaga pa kami aalis ni Karen bukas." pagpapaalam ko.

"Ay umiwas sa tanong. Sige anak. Mag-ingat ka dyan ha. Babay".

Then the line ended.

Hay. Si Mama talaga ang daldal.

Makatulog na nga.

* Sa Kwarto..

Naabutan ko si Karen na mahimbing nang natutulog. Inayos ko na ang higaan ko sa lapag.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagbalak na picturan si Karen at ipakita sa kanya kinabukasan. Sasabihin ko na tulo ang laway niya. Hahaha! Asar toh malamang. Haha! Iniimagine ko pa lang ang magiging reaksyon niya, natatawa na ako. Haha!

Parang anghel siya na mapayapang natutulog.

Ang haba ng mga pilik-mata nya. Ang nipis ng labi. Ang tangos ng ilong. Ang kinis ng mukha. Parang wala talaga sa mukha nya ang nagsusungit. Kahit lagi nya akong pinipolosopo, okay lang. Kahit napakamapang-asar, cute nya pa din. At kahit anong gawin nya, maganda talaga sya.

Aish! Di ko na nga sya pipicturan! Baka sisantihin ako nito eh.

Humiga na ako. Naisip ko ang tinanong kanina ni Mama kung maganda ba ang amo ko.

Ang sagot ko,

"Oo ma. Ang ganda nya." sabi ko sa sarili ko ng nakangiti.

"Sinong maganda?"

Anak ng pating!

Narinig nya!

Paano na ito?!

-

(Author's Note)

Follow me on my wattpad acct. Salamat!

Her Personal Body GuardTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang