Chapter 38: Sapsap

4.2K 89 3
                                    

5:00am nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Oh my Lord. 5am pa lang.
Di ko pinansin ang kumakatok at patuloy sa pagtulog. Ang lamig kaya. Sa sobrang lamig ay napayakap ako sa unan ko.
Ay. Bakit ang tigas? Di ba made in cotton ang mga unan dito?
Nakaramdam ako ng hininga malapit sa mukha ko.
Siniksik ko ang ulo ang hinigpitan ang yakap sa matigas ng unan.
"Karen, gising na". Sabi sa akin mg lalakeng boses.
Agad kong idinilat ang mata ko.
O__O- ME
^_____^v- SIYA
"AHHHHH!" Bigla ko siyang natulak na ikinabagsak niya sa kama.
"What are you doing here?" Tanong ko na pinulupot ang kumot sa katawan ko.
"Ginigising ka. Diba pupunta tayo sa bukid?" Tanong niya sa akin.
"Keith, anong oras pa lang? Alas singko pa lang ng umaga. Jusme! Nasa kalagitnaan pa lang ako ng panaginip ko." Sabi ko.
"Sus. Ako lang naman ang pinapanaginipan mo". Sabi niya.
"Wow ha! Lakas mong mangarap. Labas ng kwarto bilis! Matutulog pa ako." Pagtataboy ko sa kanya.
"FYI, Ms. Salvador, nasa teritoryo kita". Pagbabanta niya sa akin.
"Afraid much!" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Sige na. Ituloy mo na yang pagtulog mo. Gisingin na lang kita ulit mamaya." Sabi niya.
Gigisingin nya ulit ako?
Baka mangyare na naman ang nangyare kanina.
"Ah, Keith, wag na. Wag mo na akong gisingin. Magpapaalarm na lang ako." Bilin ko sa kanya.
Tumango naman sya bilang tugon at umalis na. Nakakahiya naman kung maulit pa ang nangyari kanina. Pero infairness, sarap nyang yakapin.
Huh? Did I say that? Forget it.
Antok lang yun. Tama. Antok lang. Makatulog na nga ulit.
**

"Bang, bang into the room.
I know you want it.
Bang, bang all over you.
I'll let you have it.
Wait a minute let me take you there.
Wait a minute"...

Tinurn-off ko na ang alarm ko sa fone. Wala kase silang alarm clock dito e.
I glance at the wall clock. 8:45am. Ugh. Ang aga pa. Ang normal na wake up call ko kase 10:30am except kung may pasok.
Bumangon na ako at naligo na para tanggal antok syempre nagtoothbrush na din. Nagbihis na ako. OOTD: Highwaist maong short, animal printed na t-shirt at vans rubbershoes. Tinali ko rin ang hanggang beywang kong buhok. Pusod yung style pero messy look. Hay. Why I'm so pretty? Haha! Kinuha ko na ang Ray-Ban shades ko na galing pang New York at isinabit ko na lang sa bulsa ng short ko. Bumaba na ako. Nasa hagdan pa lang ako ay tila may pinag-aawayan sila. Si Mama Lorns, Si Papa Dens at pati si Keith.
"Hindi nga nya yan gusto. Di siya kumakain niyan". Sabi ni Keith.
"Wag ka ngang maglagay ng bagoong dyan. Baka mabahuan yun. Alisin mo yan!" Pasigaw na sabi ni Mama Lorns.
"Wag mong masyadong lagyan ng maraming gulay yan! Baka di niya kainin yan e". Sabi naman ni Papa Den.
Eeek! Yung tataa? Nagkakagulo sila dahil sa mga kakainin ko. Tuluyan na akong bumaba. Nang makita nila ako, agad silang nanahimik na tila nakakita ng mumu.
"Magandang umaga po!" Masiglang bati ko.
"Magandang umaga din naman hija. Maupo ka na at kakain na tayo". Nakangiting sabi ni Mama Lorns.
Naupo na kami at nagdasal saka kumain.
Ang breakfast nila ay parang tanghalian ko na. Swear!
Fried rice with egg, hotdog, mainit na kape, at dried fish. Maliit lang din na isda. Ang tawag nila dun ay sapsap. Syempre may sawsawan na sukang maanghang. At nakahain din ang bagoong. Tapos chapsuey. I love veggies. Food porn ito! Tinikman ko yung sapsap. Mas masarap pala ito sa dilis. Tapos kumuha ako ng chapsuey. Ang sarap! Hangga't di ko namalayan na nakatingin sila sa akin habang kumakain ako.

"Bakit po?" Tanong ko sa kanila. Masyado ba akong PG? O masyado na akong matakaw? Enebeyen. First time ko kasing makakain ng sapsap.
"Ah. Wala naman hija. Masarap ba?" Tanong ni Papa Dens.
"Yes po" tipid na sagot ko habang nilalantakan pa din ang sapsap.
Di na sila nagtanong at patuloy na kumain.
Maya-maya parang nakalunok ako ng kung ano kaya nabilaukan ako. Shet! Natinik akoooo!
Ininom ko ang tubig sa baso na nasa tabi ng plato ko at hinimas himas naman ni Keith ang likod ko.
Ay. Ang sweet. Tsk! Karen ano ka ba? Natinik ka na't lahat lahat, kalandian mo pa rin ang inaatupag mo.
"Eto saging. Kainin mo. Wag mo ngunguyain. Lunok agad". Sabi ni Mama Lorns na mukang nagpapanic.
Yun naman ang ginawa ko.
After 5 mins.ay nawala na rin ang tinik na nakabara sa lalamunan ko. Pinatigil ko na si Keith sa paghimas ng likod ko.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Keith sa akin.
Tumango ako.
"Nasarapan ka nga talaga sa sapsap. Kita mo, natinik ka pa". Pagbibiro ni Papa Dens.
Siniko naman ni Mama Lorns si Papa Dens at pinanlakihan ng mata. Hahaha! Lagot.
"Biro lang". Bawi ni Papa Dens.
"Hahaha! Okay lang po. First time ko lang po kasi makakain ng sapsap. Madalas po kasi puro mamahalin saka may chef po kasi sa mansion." Sabi ko ng nakangiti.
Ang bago kong paborito.
Ang hanaphanapin ko.
Ang SAPSAP.

-

Author's Note:
Hi Guys! Sunod-sunod ang update na gagawin ko ah. Haha! Baka kasi maging busy ako. Happy 4K reads!

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now