Chapter 24: The Hand Written

4.3K 94 0
                                    

Keith's POV:

Di ko sinabi kay Tito Nick at kay Karen ang totoong dahilan kung bakit ko biglang hinila si Karen. Gusto ko munang siguraduhin na tama ang hinala ko.

Pabalik na kami sa kwarto ni Karen.

"Aray!" Sigaw ko.

Bigla bigla ba naman na nambabatok.

"Ano ba talagang dahilan kung bakit mo ako hinila kanina?" Tanong nya.

"Kasi nga may ipis dito sa ilalim ng kama mo." Pagsisinungaling ko.

Tumingin sya akin. Parang *Magsabi-ka-ng-totoo* look.

"Oh bakit ka nakatingin sa akin?"tanong ko.

"Bakit? Masama bang tumingin sayo?" Tanong niya.

"Oo. Baka malusaw ang kagwapuhan ko". Self confidence lang yan.

"Wow. Meron ka ba nun?" Sarkastikong tanong niya.

Aba meron noh. 101.1% meron.

Di ko na lang sya pinansin.

Tiningnan ko sya at tila nag-iisip.

"Keith, ano yung tungkol sa sulat?" Seryosong tanong nya sa akin.

Sasabihin ko ba?

Pero whats the point para magsinungaling?

"Ah.. Yung sa sulat?.." Utal kong tanong.

"Oo." Tipid na sagot nya.

"Wala yun. Parang sulat manok eh. Hahahaha!" Whats the point para magsinungaling pero nagsinungaling pa rin ako. Muntanga lang.

"Wow. Sobrang ganda ng sulat mo ha. D'yan ka na nga. Dun muna ako sa labas. Masyadong mahamog ng kahambugan dito e." Sabi nya sabay alis.

Mukhang satisfied naman sya sa sagot ko. Di na nangulit e.

Basta kelangan kong i-confirm.

Dahil yung hand written ng nagpadala ng gift noon kay Karen at ang nagsulat dito sa slambook ay..


IISA.

-

Her Personal Body GuardWhere stories live. Discover now