CHAPTER 33: The Transformation

6.4K 220 0
                                    

THIRD PERSON__

Habang mahimbing pa rin ang tulog ng kambal ay gumawa na ng aksyon ang dalawang alpha upang maging maayos ang kalagayan ng kambal habang nasa proseso sila ng pagbabagong anyo.


Napagplanuhan nina alpha Tyler at alpha Andreighus na sa isang tagong kweba sila ipapasok, kailangan itago ang kambal sa mga werewolves upang wala silang masaktan. Ang sikretong kweba ay nasa loob pa rin ng Vaughn Village pero malayo ito sa bayan, sa lawak ng lupain ng mga Vaughn ay hindi mapapansin na may kweba palang nakatago roon na natayabunan ng mga makakapal at malalaking puno. Nasa dulong parte ito ng Vaughn Village kung saan kahit mga outsiders ay hindi malalaman o makikita ang kweba.




Nag set up din sila ng mga patibong in case na makatakas ang kambal, mga simple lang at hindi nakakasakit na patibong. Kailangan nila makasigurado na hindi makakatakas ang kambal habang nasa ilalim sila ng proseso kung saan wala silang kontrol sa mga sarili.




Labag man sa kalooban ng mga alpha ay ginamit pa rin nila siya upang mag set up ng surveillance camera sa loob at labas ng kweba upang masubaybayan ang mga magaganap sa kambal. May mga stock na pagkain din kung sakaling magutom sila at sapat na kagamitan na kakailanganin nila.




"Okay na ba lahat?" Seryosong tanong ni alpha Tyler.


"Yes alpha." Sagot ng mga sentinels at scouts.


"Sige, tara nang umalis dahil nagdidilim na ang langit. Anytime ay magigising na ang kambal." Seryosong utos ni alpha Tyler.



Sumumod naman na agad ang mga pack members ng Dark Sky Pack. Samantala nakatayo pa rin sa bungad ng kweba si alpha Andreighus, parang ayaw niyang iwanan ang kambal.




Lumapit sa kaniya si alpha Tyler at tinapik sa balikat kaya napalingon sa kaniya si alpha Andreighus na napabuntong-hininga.



"Let's go." Aya ni alpha Tyler.


"Wait." Sagot ni alpha Andreighus.



Napakunot ang noo ni alpha Tyler nang pumasok sa loob ng kweba si alpha Andreighus. Sumunod sa kaniya si alpha Tyler na nakucurious sa gagawin ni alpha Andreighus.



May itinago si alpha Andreighus sa likuran ng isa sa mga camera, inipit niya ito roon upang hindi maabot ng kambal kung sakaling magwala sila. Isa itong papel, sulat para sa kambal na hinihiling ni alpha Andreighus na sana ay mabasa nila ito kapag nasa katinuan sila.




After that ay lumabas na sila. Seryoso ang dalawang alpha na pabalik sa mansion, si beta Thaddeus ang nagbabantay sa Moonlight Pack habang nasa Vaughn Village si alpha Andreighus upang subaybayan ang kambal.




Pagdaan nila sa bayan ay napakatahimik, kung titignan ay parang isang abandonadong bayan ang bayan ng Vaughn Village. Walang ingay na maririnig. Tahimik lang na naglalakad sina alpha Tyler at alpha Andreighus. Pinalikas ni alpha Tyler ang pack members, nahati sa dalawa ang lahat. Ang iba ay nasa Moonlight Pack habang ang kalahati ay nasa Vaughn Mansion.




Hindi alam ng mga taga bayan ang nangyayari at kung bakit biglaan silang pinaalis. Tanging ang mga nasa loob ng mansion ng mga oras na iyon ang may alam ng nangyari sa kambal, inutos ni alpha Tyler na walang sinuman ang pwedeng magkwento ng naganap.




Ang akala ng iba ay nag utos lang si alpha Tyler upang tulungan ang Moonlight Pack, habang ang mga nasa mansion ay sinabihan ni alpha Tyler na may mga darating na pag-atake kaya mas maigi na magkakasama sila kesa watak watak dahil mas hihina sila sa lagay na iyon.





THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon