CHAPTER 48: Lemon's Out

5.1K 178 2
                                    

LEXA's POV


Nandito ako ngayon sa guest room kung saan nagpapahinga si Loisa. Mahimbing pa rin ang tulog niya hanggang ngayon.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil mula paggising ko ay dito na ako dumiretso, at magtatanghali na pero hindi pa rin siya nagigising.


Kumakalam na rin ang sikmura ko, mukhang gutom na ang nakatira sa sinapupunan ko, hinimas himas ko ang tiyan kong medyo maumbok na at napangiti.

"Gutom kana ba baby?" Malumanay na tanong ko.

As if masasagot niya ako. Hays.

"Sige kain na muna tayo tapos babalik din agad dito." Sabi ko at tumayo na sa kinauupuan.

Iniwan ko muna si Loisa at ipinabantay sa loob ng isang tagapagsilbi na aking nakasalubong.

Sa kusina ako dumiretso, nagbigay galang ang mga naroon ng dumating ako. Nadatnan ko rin si Klaude na nagtitimpla ng lemon juice dahil sa mga balat ng lemon na nakita ko sa gilid ng baso.

Bigla akong natakam dahil paborito ko ang lemon. Abot tenga ang aking ngiti habang palapit sa kaniya na nginitian din ako habang napapailing.


Malapit na ako kay Klaude ng mawala ang aking ngiti at napaatras habang nanlalaki ang mga mata. Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan.

Nagtaka rin si Klaude dahil sa aking kabiglaan.

"What happened?" Nagtatakang tanong niya.

Hindi ko siya masagot dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Parang may kung ano sa tiyan ko na gusto kong iluwa.

Napahawak ako sa tiyan ko at hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Sweetheart, what's wrong?" Nag-aalalang tanong niya at akmang lalapitan ako.

Pero mabilis kong itinaas ang aking kamay upang pigilan siya. Nabigla rin siya sa ginawa ko. Hawak pa rin niya ang basong naglalaman ng lemon juice.

Napahawak na ako sa tiyan at aking bibig. Nasusuka ako. Ayoko ng amoy, nakakasuka.

"I........ I...... I w-want to v-vomit." Medyo hirap na pagkakasabi ko.

"What?" Parang hindi agad na-gets ni Klaude ang aking sinabi.

Nagsalubong ang kaniyang kilay habang ako ay naduduwal na. Nakita kong lumapit sa kaniya ang isang tagapagsilbi na may katandaan na.

"Alpha, sa tingin ko ay naglilihi ang Luna dahil nag iba ang kaniyang reaction sa lemon na kaniyang paborito." Pagbibigay kaalaman ng tagapagsilbi.

"Ha?" Mukhang lutang si Klaude na napa 'ha' na lamang.

I can't take it anymore! Mabilis akong tumakbo sa lababo at tinabig ang mga nadaanan kasama na si Klaude na nagulat sa ginawa ko.

Sa sink ako sumuka ng sumuka. Mabilis naman na lumapit si Klaude at hinimas himas ang aking likuran at inalalayan ako pagkatapos. Para akong nanghina.

"How are you?" May bahid ng pag-aalalang tanong niya.

Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib para pakalmahin ang sarili.

Ilang minutong ganun ang posisyon namin, wala rin ni isang nagbalak sa mga tagapagsilbi na gumawa ng ingay na lubos kong ipinagpasalamat dahil mas nakakarelax ang katahimikan.

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now