CHAPTER 21: The Preparation

7.3K 208 1
                                    


THIRD PERSON__

Sheridan Village

Abala ang mga taong lobo sa loob ng mansion, hindi malaman ng mga tagapagsilbi ang uunahin. Dumating na kasi ang sabado, ang nakatakdang araw ng kasal nina Dalton Seymour at Harriet Mallory.

Nabanggit sa invitation letter na hapon mag-uumpisa ang wedding ceremony, bandang 5:30 pm. Ilang oras din ang byahe mula Sheridan Village hanggang Seymour Village kung kaya't maaga pa lang ay nag aayos na ang Sheridan Family upang maaga makaalis at makarating sa destinasyon nila ng sakto sa oras.

Nasa sariling silid niya si Lexa at inaayusan ng mga tagapagsilbi, mula sa mukha patungo sa buhok at damit hanggang sapin sa paa ay inayos ng mga tagapagsilbi ng mansion.

"Napakaganda niyo po Miss Lexa kahit simpleng make up lang." Puri ni Francia at napapalakpak pa sa tuwa.

"Salamat." Mahinhing sagot naman ni Lexa.

Light make up lang ang ginawa sa mukha niya habang ang buhok naman niya ay naka bun habang may medium size na white rose designed clip.


After nilang ayusan siya ay tinulungan na siya ng mga tagapagsilbi na isuot ang dress at flat shoes niya. Busy sila sa pag-aayos ng dress sa kaniya ng bumukas ang pintuan at iluwa niyon si Olivia na may ngiti sa mga labi.

"Are you done with her?" Tanong nito.


"Opo Mrs. Olivia." Sagot nila Francia habang nag bow bilang pagbibigay galang sa matanda.

Pinaharap nila si Lexa sa matanda at sobra ang tuwa ni Olivia ng makita ang ayos ni Lexa.

"So beautiful. You look like your mother Aleighanne noong dalaga pa siya." Masayang papuri ni Olivia kay Lexa.

"Talaga po?" Masaya naman si Lexa sa sinabi ng matanda.


Masayang nagkwentuhan pa ang mag-lola bago bumaba sa sala. Pagdating nila sa ibaba ay naroon na sina Andreighus at Alyxandrius na nakaready na.

"Woah. Is that my sister?" Manghang sabi ni Yxan.

Nakangiting napapailing naman si Lexa sa puna ng kapatid niya. Naramdaman ni Lexa na may yumakap sa kaniya.

"Just like your mother." Mahinang bulong ni Andreighus kay Lexa na ikinangiti ng huli.

"Thank you." Mahinang sagot naman ni Lexa.

Naghanda na ang lahat upang bumiyahe. Maiiwan si Beta Thaddeus upang magbantay sa pack habang wala ang royals especially ang alpha. Si Gamma Rufus naman ang sasama upang magbantay sa mag-anak. Nagsama rin sila ng ilan sa sentinels at maid sa mansion.

Bago sumakay sa sasakyan si Lexa ay napatigil ito dahil may humawak sa kamay niya. Napakunot naman ang noo niya.

"It's me, Thee. Mag-iingat ka, at................ Ang ganda mo." Pabulong na ang huling sinabi ni Thaddeus ngunit narinig pa rin ito ni Lexa kaya napangiti siya. Nahihiya pa si Thaddeus ng banggitin ang huling sinabi nito.

"Yes i will. Mag-ingat ka rin Deo, and take care of the pack." Sagot naman ni Lexa.


"Yes." Sagot din ni Thaddeus bago tulungang makapasok si Lexa sa back seat.

THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon