CHAPTER 27: The Traitor

6.7K 265 6
                                    

LEXA's POV

Nandito ako sa kwarto ko at ginagamot ng mga tagapagsilbi ang mga natamo kong sugat dahil sa gulong nangyari sa downtown.


Nakakarinig ako ng mga kalabog sa labas. Parang may nag-aaway sa ibaba, saktong sa katapat ko ang opisina ni tito Andreighus at hindi soundproof ang office kaya rinig na rinig namin ang ingay pero ang pinag-uusapan nila ay hindi namin masyado maintindihan.



Pagdating ng hapunan ay tahimik lang kaming kumakain, walang umiimik. Mga gamit naming kutsara at tinidor lang ang gumagawa ng ingay. Walang may gusto bumasag sa katahimikan, ayoko rin magsalita at baka biglang magalit ulit si tito Andreighus.



After dinner nagkulong na ako sa kwarto ko ng biglang pumasok si Yxan at tinabihan ako sa pagkakaupo ko sa kama.



"Okay ka lang ba?" Tanong niya.


"Oo." Tipid na sagot ko.



"Kamusta ang pag-inom mo ng gamot? Ubos na ba?" Tanong niya ulit.


"Hindi pa." Sagot ko.


"Haay." Buntong hininga niya.


"Yxan." Tawag ko.


"Bakit?" Tanong naman niya.


"Ayoko na ng gamot." Sagot ko.

"Ha? Bakit naman?" Gulat na tanong niya, naramdaman kong gumalaw ang kama kaya for sure ay humarap siya sa akin ng upo.



"Halos maubos ko na ang gamot pero walang pagbabago. Walang epekto." Seryosong sagot ko.


"Anong ibig mong sabihin? Si lola mismo nagrecommend niyan sayo so bakit naman walang pagbabago?" Nagtatakang tanong niya.



"Ewan ko. Baka may kung sinong nangloko kay lola. Madalas pa ako mahilo, baka side effect na iyon ng gamot." Dagdag ko.


"Kilala mo ba kung sino ang pinagkuhanan ni lola ng gamot?" Tanong ko.



"Hindi ko alam." Sagot niya.



"Wala na akong pag-asang gumaling pa, Yxan. Tanggap ko na." Seryosong sabi ko pero sa kaloob-looban ko ay nasasaktan ako.


"Lexa...." Malungkot na sambit niya.











Nagising ako bigla, hindi ko alam kung gabi pa rin o madaling araw na. Nauuhaw ako, wala akong tubig dito sa kwarto.


"Shine?" Tawag ko sa aso ko.


Ilang tawag pa at nagising na ito at mabilis na lumapit sa akin.


"Samahan mo ako sa kusina. Nauuhaw si mommy." Sabi ko na tinahulan lang niya.



Kinuha ko ang tali niya at inaya na siyang lumabas ng kwarto. Shine is smart, she knows where to go kaya nagpapahila lang ako, alam din niya kung paano maglakad ng may pag-iingat.


Malapit na kami sa huling baitang ng mapatigil ako sa kinatatayuan ko. Umupo ako at niyakap si Shine.



"Ssshhh." Sabi ko at dinilaan lang ni Shine ang mukha ko, it means YES.


May naririnig akong nag-uusap sa kung saan. Isang lalaki at isang babae? I know that voice! It's Gamma Rufus! Halos pabulong na ang pag-uusap nila kaya alam ko may itinatago siya sa amin.



"Hindi ka nag-iingat!" Boses ni Gamma Rufus, mukha siyang galit pero napakahina ng boses.



"Bakit hindi mo siya binabantayang mabuti? And now alpha Andreighus is mad at me." Dagdag niya.



THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon