CHAPTER 4: Decision

10K 328 3
                                    

YXAN's POV

Ngayong araw ang uwi ni Mama Loisa, saktong isang linggo. Naglilinis kami ng bahay para hindi magalit ang uuwi mamaya, nasa sala si Lexa nagpupunas ng mga lamesa, figurines at ibang mga display.

Napapangiti na lamang ako dahil napakahinhin ng kakambal ko. Ang bawat galaw niya ay may pag-iingat, mabagal man siyang gumalaw ay ayos lang sa akin. Ayoko nga sana siyang pagalawin pero nagpumilit siya kaya sa sala ko siya dinala para magpunas punas dahil madali lang iyon gawin.



Sa kusina naman ako naghuhugas ng mga plato at minsan nagma-mop. Sinabayan ko na rin ng pagsasaing dahil magtatanghali na. Sabi ni Mama Loisa ay baka gabihin siya ng uwi dahil hapon siya aalis doon.


Bigla akong nakarinig ng parang may natumba. At kinabahan ako sa narinig ko sa mga alagang aso ni Lexa. Kung may ibang tao dapat tinatahulan nila, pero iba ngayon. Parang mga takot na takot ang mga aso sa kung ano man ang nakikita, naririnig kong umiiyak ang mga aso. Bakit kaya?


Teka........ Si LEXAAAAA!! Ang kambal ko. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Fuck.


Tumakbo ako palabas ng kusina pero napahinto ako sa pintuan na may nanlalaking mga mata.


"A-anong-" Shit. Ano itong nakikita ko ngayon sa harapan ko?!


"LEXAAAAA!" Sigaw ko.

*****

LOISA's POV

"Sige." Paalam ko sa mga nakatrabaho kong mga salutary ng isang linggo.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi Loisa." Sabi ng iba sa kanila na tinanguan at nginitian ko lamang bilang tugon.


Alas diyes pa lang ng umaga pero nag aayos na ako para wala na akong gagawin sa hapon at walang makalimutan.

Papunta ako sa mansion ng Sheridan upang personal na magpaalam sa mga royals. Namimiss ko na ang kambal kaya atat na rin akong makauwi kaso alas kwatro pa darating ang sasakyan ko pabalik, hiniram kasi kahapon ni Beta Ludwig at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Haaay.

Nasa gitna na ako ng daan papunta sa kabilang kalye nang mapahinto ako dahil sa pagbi-beep ng security watch ko na personalized. Lumiliwanag ito ng kulay pula na ibig sabihin ay 'danger' . Nanlalaki ang mga matang pumasok sa aking isipan ang kambal.


Oh no.... Not the twins.....

Ginawa ko ang security watch upang malaman ko ang kalagayan ng kambal sa loob ng bahay. Isa itong teknolohiyang nakakadetect ng panganib sa bahay, marami rin akong hidden cameras sa iba't ibang bahagi ng bahay sa loob at labas upang mabantayan ko ang bawat galaw ng kambal at ang mga pumapasok sa bahay.




Nabalik ako sa reyalidad dahil sa malakas na busina ng sasakyan sa harapan ko. Sinesermunan ako ng driver pero hindi ko na siya inintindi pa. May mas mahalaga akong dapat isipin at gawin sa mga oras na ito.



Dali-dali akong tumakbo patungong mansion. Kailangan ko ng makauwi agad agad.


Sobra ang kabang nararamdaman ko, kumakabog ng mabilis ang puso ko na tipong rinig na rinig ko na sa lakas.



Binati ako ng mga tagapagsilbi pero hindi ko na sila binigyan pa ng pansin, dumiretso ako sa opisina ng Alpha at hinihingal na binuksan ang pintuan. Pasensya na kung hindi na ako nakakatok pa dahil sa pagmamadali.


Nabungaran ko ang seryosong mukha ng Alpha at ang nag-aalalang mukha ng Luna. Habang hindi naman mapakali si Andreighus.


"Loisa." Tawag ng Alpha.

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now