CHAPTER 8: Move Into Another Village

9K 291 4
                                    

YXAN's POV

"WE HAVE TO MOVE!" Sigaw ni Mama Loisa na nagpapanik.

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa mga ikinikilos niya nitong mga nagdaang araw.


Nangyari ito 2 weeks ago, bumalik ulit siya noon sa Sheridan Village. 2 days lang siya roon at pagkauwi dito ay balisa siya at hindi mapakali, hindi rin siya pumapasok sa work dahil madalas nagkukulong sa kwarto niya. Palagi niya rin sinasabi na lumipat na kami tas after 'nun ay tatakbo na siya pabalik sa kwarto niya. Ang weird niya sa totoo lang.




Pagkauwi niya ay wala siyang bitbit na bag na dala niya noong umalis siya. At medyo magulo ang buhok habang walang sapin sa paa, wala din ang kotse niya. Hindi ko naman siya makausap ng matino, kapag magtatanong ako o mabanggit ang Sheridan ay matutulala siya at mamaya ay iiyak. Hindi ko maintindihan, hindi namin alam kung anong nangyari sa kaniya.




Ilang araw na rin na nararamdaman kong may nagmamasid sa amin, madalas din na tanungin ni Lexa sa akin kung may bisita ba ako o si Mama Loisa dahil may iba pa raw siyang presensya na nararamdaman sa malapit na nakatingin sa kanila lalo na daw sa kaniya na kahit hindi niya nakikita ay damang dama daw niya ang pagtitig sakaniya ng mga ito.




Minsan na rin kami nalooban habang tulog kami, pero ang nadatnan lang namin ay si Lexa na nakaupo sa sahig habang umiiyak, basag ang bintana at may nagkalat na mga dugo sa sahig habang nasira din ang pintuan. Pero nang i-check namin si Lexa ay wala itong kahit anong galos kaya nasisigurado namin na sa taong nanloob ang may ari ng dugo, pero paano? Yun ang katanungan sa isipan ko.







Si Mama Loisa? Sa tingin ko may itinatago siya sa akin, sa amin, na hindi namin alam kung ano. Parang habang tumatagal ay nagbabago siya, marami na siyang sikretong itinatago sa amin ngayon hindi gaya dati na kahit maliit na problema ay sinasabi niya sa amin. Ngayon iba na, ibang iba na.






"Mama Loisa ano po bang sinasabi niyo diyan?" Narinig ko ang boses ni Lexa.





Magkasama na sila ngayon sa labas ng bahay, nilalaro ni Lexa si Highlight na nasa kandungan niya habang si Mama Loisa ay nagduduyan habang tulala naman ngayon.





"Lexa, we have to leave this house." Tulalang sabi ni Mama Loisa.



"Why?" Curious na tanong ni Lexa.



Pero lumipas ang ilang minuto ay hindi na nagsalita si Mama Loisa. Napabuntong hininga ako dahil palagi naman ganiyan e, madalas hindi na siya sumasagot. Dahil sa nangyari kay Mama Loisa ay nawalan ako ng pokus sa pag-aaral, tumigil na ako para mabantayan silang dalawa. Mas mahalaga ang pamilya kesa sa edukasyon para sa akin.



Akmang lalapit ako sa pwesto nila ng mapatigil ako sa aking narinig.




"Werewolves........ They are coming..... We need to hide...... Bad......." Tulalang sabi ni Mama Loisa.





Ha?? Werewolves? Ano bang pinagsasasabi niya, habang patagal ng patagal ang araw ay siya ring paglala ng imahinasyon ni Mama Loisa.




"Bad....... bad werewolves are coming to kill.................... both of you."



Mga salitang binitawan ni Mama Loisa na siyang nagpatigil sa aking paghinga. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya, alam kong joke lang 'yon pero bakit ganito magreact ang katawan ko? Bakit parang kinabahan ako bigla.... Mali 'to. Maling mali......




Biglang umiyak si Mama Loisa, sinulyapan ko sa Lexa pero wala siyang imik. Diretso lang ang tingin at tumigil na sa paghaplos ang kamay niya kay Highlight.







THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now