CHAPTER 25: Tyler Klaude Vaughn's Mate

7.2K 256 2
                                    

THIRD PERSON__

"Siya ba ang Luna?"

"Narinig ko na siya raw ang mate ni Alpha Tyler."

"Pero sabi nang asawa kong sentinel ay asul ang mata nung babae. Low-grade?"


Nag-uusap ang ilan sa mga salutary or healers na nagbabantay sa kambal habang pasulyap-sulyap sila sa babaeng mahimbing na natutulog.

"AHEM!" Malakas pag 'ahem' ng bagong dating.

"Beta Horace!" Gulat na bulalas ng mga salutary at agad na nagbigay ng galang sa beta.

"Alam niyo bang bawal ang tsismis dito? Especially kung ang pag-uusapan niyo ay si  Miss Alexandrite na walang kaalam-alam sa nangyayari." Sita niya sa mga ito.


Hindi naman nakaimik ang mga salutary at nanatiling nakayuko dahil sa kahihiyang nagawa.


"Ayaw niyo naman sigurong makarating ito kay Alpha Tyler. It is a warning Salutaries, if i heard you again. Sorry but you have to leave tha pack, be aware na isang soon-to-be Luna ang topic niyo." Seryosong banta ni beta Horace.


"H-hindi na po m-mauulit beta Horace." Natatarantang sabi nila at halos lumuhod na habang nagmamakaawa sa beta na huwag iparating sa alpha ang napag-usapan nila.




Umaga na rin at hanggang ngayon ay tulog pa rin ang kambal, nasa maayos na rin silang kalagayan ngayon ay kailangan nalang magpahinga upang makabawi ng lakas.



Si Alyxandrius ay may benda sa bewang palibot sa balikat na may tama ng bala at braso nitong nadislocate dahil sa aksidente. Habang si Alexandrite ay may benda sa paa at ilang sugat sa mga braso at binti gawa ng mga daplis ng kahoy sa kagubatan. Mula roon ay wala na silang ibang sugat na grabe.



Vaughn Mansion

TYLERS's POV

"How are they?" Tanong ni Andreighus sa kabilang linya..


Paano ko ba ito naging kaibigan? Basta bigla nalang kung kausapin niya ako ay parang kilalang kilala niya ako at parang close kami. Tsk. Nawalan kami ng komunikasyon since that day, pero dahil sa favor ni Alpha Agustus noon ay napalapit ulit ako sa kupal na iyon. Pambihira.



"Still sleeping." Sagot ko.



"Okay. Thank you for everything Alpha Tyler." Pagpapasalamat niya.


"Anything for my mate." Sagot ko.


Maybe this is the right time para ipaalam ko sakaniya ang bagay na ito. Gusto kong nasa poder ko lang si Alexandrite upang mas mabantayan ko siya at maprotektahan.



"Yeah, everything for-WHAAAATTT!!!??" Napasigaw ito sa gulat.


Buti nalag at alert ako, nailayo ko kaagad sa tenga ko ang telepono, kundi mabibingi ako ng wala sa oras.



"Fuck! Are you kidding me, Alpha Tyler?" Hindi makapaniwalang tanong ni Andreighus.




"You know the location of Vaughn Village. Feel free to come here of you want. Bye." Sabi ko at binabaan na siya ng tawag.



THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now