CHAPTER 34: Primordial Twins

6.2K 214 2
                                    

ANDREIGHUS' POV

Nanlalaking nakatitig ako sa tumatakbong puting lobo sa direksyon namin.  Nang tumalon ito papunta sa amin ay napaupo ako at harang ng kamay sa harapan, napakabilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga posibilidad na mangyari.


Pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong naramdamang sakit sa kahit saang parte ng katawan, walang mga kuko o pangil na bumaon sa aking balat. Nakarinig ako ng parang nasaktang hayop, pag-angat ko ng ulo ay natulala ako sa aking nakita.


Naglalaban ang dalawang primordials sa harapan namin, lahat ng madaanan nila ay nasisira maski mga sementadong kabahayan ay nagiba at nabutas dahil sa lakas nila. Kakaibang lakas.


"Get up."

Narinig kong boses ni alpha Tyler kaya napalingon ako sa kaniya habang tumatayo. Nakafocus ang mga mata sa dalawang lobong naglalaban sa harapan namin. Pati siya ay namamangha sa nakikita, mas malakas nga sila kaysa sa mga alpha.



Halos mayanig ang lupa sa tindi ng tension sa pagitan nila pero ang isa ay masama ang titig sa amin. Pero ang isa ay parang pinoprotektahan kami sa nais gawin ng isa.



Ganito ba? Ito ba? Ito ba ang rason kung bakit gustong gusto patayin ng mga Bertram ang kambal? Dahil kapag nabuhay ang kambal ay siya namang kamatayan nilang mga Bertram? Isama na ang mga Wilbur ng Silverstone Pack. Ganoon ba?


Ilang oras na silang naglalaban pero hindi man lang sila hinihingal, parang walang kapaguran ang lakas nila. Napakagaling! Nakamamanghang tunay!


"Anong gagawin natin, alpha Tyler?" Lutang na tanong ko habang nanonood sa harapan.


Kada tangkang atakihin kami ng isa ay siya namang sugod ng isa upang pigilan ito sa pamamagitan ng pagtulak ng malakas na siyang nagiging dahilan ng pagkahagis nito sa malayo.



Maya-maya ay nakarinig kami ng mga takbuhan. Paglingon sa likuran ay may mga pack members na paparating, narinig siguro nila ang mga ingay at pagyanig ng lupa. Lagot na! Hindi sila pwedeng pumunta rito.


"STOP!" Sigaw ko.

Napatigil naman sila pero sa likuran namin nakatingin ang mga mata nila, ilang metro ang layo nila sa amin pero kita na nila ang nangyayari. Lahat sila ay nanlalaki ang mga mata at ang iba ay napanganga dahil sa kabiglaan sa nasaksihan.


 
"Nalintikan na." Nasambit ko. Nakita na nila ang tinatago naming primordials.


"Fuck." Narinig kong mura ni alpha Tyler.


We heard a loud growl na halos ikabingi namin sa lakas. Paglingon sa primordials ay sumusugod ito palapit sa amin na naglalaway pa, he's out of control! Shit.


"GET OUT OF HERE NOW!!" Sigaw ko.


"THAT'S AN ORDER!" Dugtong ni alpha Tyler.


Dahil sa utos ng alpha ay mabilis sumunod ang pack members at tumakbo palayo habang kita ang mga natatakot na mga mukha. Wala silang magagawa kundi iligtas ang mga sarili kahit labag sa kalooban nila dahil trabaho nilang protektahan ang kanilang alpha, pero once magbigay ng utos ang isang alpha ay hindi na ito mababali pa ng kahit na sino.




Todo pigil ang isang primordial sa isang sabik makatikim ng karne. Tsk! Nakarinig ako ng tunog ng mga boto. Alpha Tyler is shifting, he growl when he saw one of the primordial throw the other one. Malaya na tuloy itong tumatakbo, pero bago ito makalapit ay nakapag shift na si alpha Tyler at nakipagbunuhan na.


THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now