CHAPTER 50: Big Explosion

4.5K 139 0
                                    

LEXA's POV

Lumipas ang mga araw at palagi nang nakadikit sa akin si Mama Loisa. Siya na ang nagsilbing katulong ko habang wala si Klaude.

Si Thaddeus? Kinausap ko na si Yxan, at gaya namin ay ganoon din ang ginagawa ni Yxan. Palagi niyang kasama si Thaddeus, pero hindi nito sinasabi ang dahilan sa tuwing nagtatanong si Thaddeus kung bakit siya palaging sinasamahan.

"Okay na ba ito, Lexa?" Naagaw ng atensyon ko ang pagtatanong ni mama Loisa.

Yes. Balik kami sa dati, hindi man sang-ayon sina Klaude ay wala silang magawa dahil ito ang gusto ko.

Nandito kami sa garden, nagpapatulong akong ayusin ang mga halaman. Binabago ko ang pwesto dahil nasisikipan ako sa pwesto nilang hindi naka organize.

"A-ah yes, Ma." Sagot ko agad dahil sa kabiglaan.

"Mukhang malayo ang iyong iniisip." Puna nito habang ipinagpapatuloy ang paglilipat ng mga halaman na nasa paso.

"Medyo." Malumanay na sagot ko sabay buntong-hininga.

Nagpatuloy kami sa aming ginagawa ng mabulabog kami ng isang pagsabog. Isang napakalakas na pagsabog.

May narinig akong sigawan sa hindi kalayuan. Sa lakas ng pagsabog ay nayanig pa ang lupa. Ano iyon??!!

Nagkatinginan kami ni mama Loisa na parehong nanlalaki ang mga mata namin dahil sa gulat sa pangyayari.

"Ano iyon?" Takang tanong ko.

"Dito lang tayo, hindi tayo pwedeng umalis ng mansion." Seryosong sabi niya pero bakas ang pag-aalala.

"Pero ako ang Luna ng pack na ito. It is also my duty to keep my pack safe." Mariin na sagot ko.

"Pero para ito sa kaligtasan mo, anytime ay pwede kanang manganak." Pagpipigil nito sa akin.

"Pero kailangan ko iyon makita." Sabi ko pa.

"Gusto niyo bang magalit sa inyo si Alpha Tyler?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

Oo nga, baka magalit si Tyler dahil nangialam nanaman ako. Ayaw na ayaw niyang nakikigulo ako sa mga away nila.

"Hindi." Mahinang sagot ko.

"Iyon naman pala, kaya manatili na lamang tayo rito at hintayin ang ibabalita ng mga sentinels." Sabi niya at inakay na ako paloob ng bahay.

Nasa hagdan na kami nang lingunin ko muli ang pinanggalingan ng pagsabog, sa kalayuan ay may usok akong nakikita at sa tansiya ko ay nasa boundary iyon.

Nagpatuloy na kami sa pagpasok. Nasa pintuan na kami nang mapahinto dahil sa isang malakas na pagtawag sa akin.

"LUNA ALEXANDRITE!"

Agaran akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. At nakita ko si Gamma Vernon na sugatan at hinihingal.

Nanlalaki naman ang aking mga mata sa nakita kong kalagayan niya. Bigla akong kinabahan. Nakaramdam ng takot sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Nagkatinginan kami ni mama Loisa, kahit siya ay masisilayan sa mukha ang labis na pag-aalala.

"Anong nangyari?!" Natatarantang tanong ko habang mabilis na lumapit kay Gamma Vernon. Nakasunod naman sa akin si mama Loisa.

"Kailangan niyong magtago." Iyon ang bungad niya sa amin.

"Ha?" Tanong ko dahil naguguluhan ako.

"Loisa, samahan mo akong itago si Luna. Bilisan natin!" Natataranta ring sabi ni Gamma Vernon.

Mabilis na kumilos si mama Loisa at sabay nila akong inakay papasok sa loob ng mansion.

THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon