CHAPTER 23: The Escape

6.7K 220 1
                                    

LEXA's POV

"What is happening?!" Natatarantang tanong ko.



Hindi ko alam kung anong nangyayari at pinipilit kami ni tito Andreighus na sumakay sa kotse at umalis na.




"Just hop in and leave this fucking place!" Sigaw ni tito Andreighus.



"Tara na Lexa." Hinihila naman ako ni Yxan sa kung saan.



Magtatanong pa sana ako ng makarinig kami ng sigawan at isang........... putong ng baril???!!!!!




"Umalis na kayo! BILIS!" Sigaw ulit ni tito Andreighus.



"P-p-pero-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng marahas akong ipinasok sa loob ng kotse.




Hindi ko na alam kung sino ang nagtulak sa akin sa loob, ssumakit ang paa kong natapilok sa biglaang pagsakay sa kotse. Kahit masakit ito ay pinilit kong huwag dumaing.



Maya-maya ay umandar na ang kotse. Nakakarinig ako ng sigawan, iyakan, barilan at angilan ng mga lobo. Nagkakagulo na alam ko, base sa ingay na naririnig ko.




Sobra ang kaba ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Yxan at naramdaman ko nalang na nababasa ang balat ko, umiiyak si Yxan? Napayakap nalang din ako sa kaniya ng mahigpit at sinamahan siyang umiyak dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.




Napakabilis rin ng pagtakbo ng sinasakyan namin, halatang nagmamadaling makalayo sa isang napakalaking gulo.




"Yxan, I'm scared." Umiiyak na sabi ko.


"I'm scared too, but I will protect you so don't worry." Sagot naman niya sa gitna ng pag-iyak.




Nag-iiyakan lang kami nang biglang napahinto ang sinasakyan namin. No! Hindi kami tumigil. NABANGGA KAMI!




Nahihilo ako sa pagkakabangga namin, nakakaramdam din ako ng hapdi sa katawan. Hindi ko masabi kung anong nangyari dahil hindi ko makita ni pati katawan ko, sariling sugat ko ay hindi ko alam kung anong nangyari.





"Lexa, gising." Pilit akong ginigising ni Yxan gamit ang tawag at pagyugyog niya sa balikat ko.



"Uhhmmmm." Ungol ko at pumikit ng mariin.




"Y-you need t-to h-hide." Rinig ko ang nahihirapan boses ni lola Olivia.



"N-now. P-please l-leave this p-place." Dagdag nito kaya napaiyak ako lalo.


"But lola..." Sabi ni Yxan.


"Leave. G-gusto k-kong mabuhay k-kayo." Halata sa boses ni lola ang pagmamakaawa.




"L-LEAVE! N-NOW!!! B-bago sila d-dumating." Sigaw ni Lola Olivia.




Naramdaman ko nalang na hinila na ako sa braso ni Yxan. Palayo sa lugar na iyon. Palayo sa naghihingalong lola namin.




"P-paano si l-lola?" Umiiyak na tanong ko.



"I'm sorry. P-papatayin nila t-tayo." Sagot ni Yxan na nahihirapan din.



"Hindi natin pwedeng iwan si lola!" Sigaw ko.


"BUT WE HAVE TO! LEXA HUWAG MATIGAS ANG ULO! KAPAG BUMALIK TAYO PATI TAYO AY MAMAMATAY SA KAMAY NG MGA LOBONG IYON! GUSTO MO BA IYON HA?! LOLA OLIVIA JUST WANTED TO SAVE OUR LIVES KAYA MAKISAMA KA NAMAN!" Sigaw ni Yxan.




THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon