CHAPTER 2: Sheridan Village

11K 349 10
                                    


LEXA's POV

Paggising ko kinaumagahan ay wala na si Mama Loisa. Si Yxan lang ang nadatnan kong naghahanda na ng makakain sa lamesa.

"Good morning beautiful." Bati sa akin ni Yxan.

"Good morning. Beautiful? Maganda ba ako Yxan?" Tanong ko.

Inalalayan niya akong makaupo sa upuan para makakain na.

"Of course. Gwapo ako kaya natural lang na maganda ka. Baka nga kapag pumapasok ka e maging habulin ka rin gaya ko." Sagot niya at narinig kong tumawa siya.

Napangiti naman ako dahil sa pagtawa ni Yxan, kapag down ako ay sa kanila ako humuhugot ng lakas para magpatuloy sa buhay.

"How i wish i can see my reflection." Mahinang sambit ko.

Pero hindi inakalang maririnig pa iyon ni Yxan dahil naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likuran ng upuan at halikan ako sa noo.

"Someday Lexa, i know someday your vision will be back to normal. Have faith in God." Mahinang sabi ni Yxan.

Tinapik ko ang mga kamay nitong nakayakap sa leeg ko upang alisin na niya.

"Always Yxan, i always trust God." Nakangiting sambit ko.

"That's good to hear. Let's eat our breakfast." Masayang sabi ni Yxan.

Nagsimula na kaming kumain, kahit bulag ako ay pinag-aralan kong kumain mag-isa dahil ayokong abalahin pa ang dalawa para subuan ako. Ang mga ibinibigay sa akin nila Yxan ay ready to swallow na, hinihimayan nila ako ng karne o isda dahil hindi ko nakikita ang mga tinik.

After namin kumain ay siya na ang naghugas ng pinggan, samantalang ako ay nagpapakain ng mga alagang aso dahil kanina pa nila ako nilalambing habang kumakain. Mga gutom na ang babies ko. Hahahaha.

Maya-maya naramdaman ko ang paglapit ni Yxan at pag-upo sa katabi kong upuan.

"Linggo ngayon, wala ba kayong date ni Denise?" Bungad na tanong ko.

"Ahh. Mamaya sasabihin ko sa kaniya, maaga pa naman e. Hindi na muna ako lalabas ng bahay dahil mag-isa ka lang." Sagot nito.

"Seryoso? Palagi naman akong mag-isa sa bahay, wala ng bago doon tsaka nandito naman sila Shine para samahan ako e." Natatawang sabi ko.

"Lexa, iba na ngayon. Wala si Mama Loisa e, at ibinilin niyang bantayan kita habang wala siya." Balik naman nitong sagot sa akin.

"Yxan, okay lang naman ako e." Nakangiting sabi ko pero sa harapan lang nakatingin.

"No, kahit hindi sabihin ni Mama Loisa 'yon ay gagawin ko pa rin. Ayokong may mangyaring masama sayo." Seryosong sabi ni Yxan.

Tumango na lamang ako, kapag sinabi niya ay gagawin niya talaga. Hindi na magbabago isip niya lalo na kapag seryoso siya. That is Yxan.

*Doorbell*

Nabigla pa kami sa nag doorbell kasabay noon ang tahulan ng mga aso ko. Alam na kung sino ang taong 'yon. Si Denise lang naman ang madalas tahulan ng mga alaga ko e.

"Baka si Denise na yan." Malumanay na sambit ko.

"Pero alas syete pa lang, pambihira." Halatang nairita si Yxan bago tumayo upang pagbuksan si Denise ng pinto.

Binuhat ko si Highlight ng maramdaman kong hinahagod niya ang katawan niya sa paa ko.

"Nandiyan na ang tita Denise niyo." Pagkausap ko kay Highlight at natawa ako dahil sa reaction nito. Ayaw niya talaga kay Denise. Hahaha.

"But babe-"

Narinig ko ang boses ni Denise, mukhang nagtatalo nanaman silang dalawa dahil sa akin.

"Sorry, you can go home now. I can't leave Lexa alone."

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now