CHAPTER 30: Herisha Neville

6.9K 237 5
                                    

THIRD PERSON__

It's been three days pero mahimbing pa rin ang tulog ng kambal, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagigising. Nasa loob pa rin sila ng Vaughn Village, iyon ang naging usapan ng dalawang alpha para na rin sa kaligtasan nila.


Ngayon ay parehong nagbabantay ang dalawang alpha habang seryosong nakaupo at pinagmamasdan ang kambal na natutulog sa magkaibang kama. Nasa guest room sila ng Vaughn Mansion.


"Ahem." Tumikhim si Alpha Andreighus.


Napalingon naman sa kaniya si Alpha Tyler at napacross arms. Seryoso niyang tinitigan si Alpha Andreighus dahil alam niyang may sasabihin ito sa kaniya.


"Well, about the prophecy. I know you are aware of it." Panimula ni Alpha Andreighus.


Napaayos naman ng upo si alpha Tyler at gaya kanina ni Alpha Andreighus ay napatikhim din ito pagkarinig sa salitang 'prophecy'.


"Then?" Seryosong tanong ni alpha Tyler.


"I am planning to talk to someone." Seryosong sagot din ni alpha Andreighus.


"The Prophecy Keeper?" Mahina ngunit sapat na tinig upang marinig ito ni Alpha Andreighus.

"Yes." Simpleng sagot ni Alpha Andreighus.


"When?" Tanong ni Alpha Tyler.

"Tomorrow." Sagot ni Alpha Andreighus na sinundan ng isang malalim na buntong-hininga.


"Sasama ako sa iyo." Sagot ni alpha Tyler na ikinalingon ni alpha Andreighus sa kaniya.

********

Kinabukasan........

ANDREIGHUS' POV

"Ang gulo naman dito, sigurado ka bang ito ang daan papunta roon?" Naiiritang tanong ni Alpha Tyler.

Nasa daan na kami para puntahan ang Prophecy Keeper. Medyo magulo nga rito, galing kaming kagubatan tapos ngayon ay may tunnel na puno ng ugat ng puno na nakapalibot dito, hindi madilim dahil sa mga butas sa itaas na parang sinadya talagang butasan upang magkaroon ng sapat na liwanag sa loob. May mga halaman din at syempre basura na hindi naman karamihan.


"Oo sigurado ako." Sagot ko naman. Kaming dalawa lang ang pumunta upang may magbantay sa dalawang pack at sa kambal.


Sa ngayon ay wala pang ginagawang move si Alpha Gordon at hindi ko pa kinokompronta si Gamma Rufus, dahil gusto ko muna makasiguro at mapatunayan talaga na siya ang namumuno sa pagtatraydor sa akin, sa pack.



"Tsk. Ilang oras na tayong naglalakad. Malayo pa ba?" Tanong muli ni alpha Tyler.


"To be honest........" Sabi ko.


Tinignan naman ako ni alpha Tyler ng may pagtataka sa mukha.


"..... This is my first time na puntahan siya." Dugtong ko sa naunang sinabi ko.

"What?!" Hindi nakapaniwalang nasabi ni Alpha Tyler na may nanlalaking mga mata.


"I know the place, pero never ko pang napuntahan." Sagot ko.


"How? Ibig kong sabihin, paano mo nalaman kung hindi ka pa nakakapunta?" Curious na tanong ni alpha Tyler.

"I saw the letter from my dad's office before. They often met to update the prophecy." Kibit-balikat na sagot ko.

THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon