CHAPTER 56: Primordial Alyxandrius

4.5K 130 3
                                    

YXAN's POV

"Long time no see Alpha Gordon."


Iyan ang aking ibinungad kay Alpha Gordon, hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa niya.

Nanliit ang aking mata nang mapadako ang aking tingin sa kamay niyang may hawak na wolfsbane, hindi ito nasasaktan dahil sa suot na gloves na siyang pumapagitna sa kaniyang balat at sa mapanakit na halaman.


Nanlakibang aking mata naman sa aking sunod na nakita, ang sanggol! Ang anak ni Lexa may sugat sa pisngi habang patuloy na umiiyak. F*ck!!


Napakuyom ang aking kamao sa aking nakita, pati bata sasaktan! BAGONG SILANG PA LAMANG IYON FOR PETE'S SAKE!!

Ihahakbang ko na sana ang aking paa nang marinig ko ang pag angil ni Alpha Tyler, paglingon ko ay may tinitignan ito sa kabilang ditection ng kubo, galit na galit ang mukha nito. Nagtatagis ang mga ngipin at nagbabaga sa galit ang mga mata.



Parang ano mang oras ay makakapatay ito. Sa curious ko ay sinundan ko ng tingin ang tinitignan nito at napanganga na lamang ako sa saking nasaksihan.



SI LEXAAAA! HALOS MALIGO NA SA SARILI NITONG DUGO AT HABOL ANG HININGA HABANG NAKAPIKIT. THE HELL!!



Galit na galit kong sinulyapan si Alpha Gordon na parang wala lang sa kaniya ang ginagawang torture sa kapatid at pamangkin ko.



"WHAT THE HELL DID YOU DO TO MY TWIN!?" Galit na sigaw ko.


Susugod na sana ako pero naunahan na ako ni Alpha Tyler, naitulak pa niya ako sa pagmamadali. Hindi ko siya masisisi dahil mag-ina niya ang kinawawa dito. Kahit ako ay sobra ang galit na nararamdaman, ni minsan hindi ko nagawang saktan ang kakambal ko.



Sinugod niya si Alpha Gordon na mabilis nakapag shift at sinangga ang pagkalmot ni Alpha Tyler sa kaniya. Sobrang gigil nito dahil hindi niya tinatantanan ng kalmot si Alpha Gordon.




Samantala, si Alpha Marion ay tumatakas na at iniwan nalang sa isang gilid ang sanggol. Halatang natatakot mamatay ang pinuno ng mga Sunray Pack, but i won't let that happen.



Tama ang prophecy. Nanganak sa kadiliman si Lexa, ang buong akala namin na ang ibig sabihin ng kadiliman ay lalaking gaya ng mga Gordon ang bata ngunit nagkamali kami at masaya iyon.



At nabanggit din na kami ni Lexa ang wawakas sa kasamaan. Napatay ko na si Alpha Emory Wilbur ng Silverstone Pack.




Hindi ko sigurado ang kay Alpha Tyler, malakas si Alpha Gordon ramdam ko iyon kahit hindi ko pa siya nakakasagupaan sa laban.



Sa Beta Thaddeus ay busy sa pagpipigil sa mga lobong umaatake sa amin. Kaya balak kong puntahan na si Lexa, pero dinaanan ko muna ang pamangkin ko sa lapag.




Biglang nawala ang galit ko pansamantala nang mabuhat ko ito na may mahimbing na pagtulog pero may luha pa rin sa mata. At napatingin ako sa pisngi nitong namumula at may sugat, bigla akong nainis muli.



Luminga linga ako sa paligid. Hindi ko alam kung saan ko iiwanan ang sanggol, hindi ko magagawang makipaglaban ng maayos kapag may hawak hawak akong sanggol.



"Pambihira." Naiinis na bulong ko sa aking sarili.



May nakita akong pwesto na tago, may distansya sa kubo.

Ilalapag ko na sana doon ang sanggol nang  makarinig ako ng boses ng babae.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Iiwan ang bata sa ganitong lugar na mag-isa?" Seryoso at may parang pagbabantang tanong nito.


THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon