Prologue

22.1K 515 28
                                    

8 years ago.....

"Ma! Halika bilis, doon tayo."

Sigaw ng sampung taong gulang na batang si Alexandrite habang hila-hila ang kaniyang ina.

"Oo Lexa, dahan-dahan lang hija." Natatawa namang sagot ng ina niya.


Bagot na bagot namang nakasunod sa kanila ang kakambal nitong si Alyxandrius na nakapamulsa pa.


Sa murang edad ay napakaporma nito at maangas umakto, dahil ang rason nito ay siya lang daw ang lalaki sa kanila na pwedeng magtanggol sa kanila kaya dapat ay malakas siya. Naunang naisilang si Alyxandrius ng dalawang minuto bago si Alexandrite.


Namatay sa isang aksidente ang ama nila Lexa at Yxan, noong tatlong taong gulang pa lamang sila. Isang Inhenyero ang ama nila na nahulog sa ika-labinlimang palapag na gusali na agaran nitong ikinasawi dahil sa taas ng binagsakan nito. Habang ang ina nila ay isa namang negosyante, may business itong restaurant.

"Mama, bili mo ako 'nun." Sabi nito at itinuturo ang isang lalaking may mga itinitindang lobo na hugis iba't ibang hayop.


"Sandali lang anak ha, si Yxan baka gusto niya rin." Nakangiting saad niya.


"Yxan? You like balloon too?" Malumanay na tanong ng ginang sa anak na lalaki.


"Ayaw." Sagot ni Alyxandrius.



"Hmmm. Wait me here, bantayan mo kapatid mo ha. Baka-"

Hindi na natapos ng ginang ang sinasabi sa anak na lalaki ng pagharap niya ay nauna nang tumawid sa kabilang kalye ang anak na babae habang tumatalon-talon pa ito at tumatawa.


"LEXAAAA!" Sigaw ng ginang at tinakbo ang anak na babae na napatigil sa gitna ng kalsada dahil sa pagtawag niya sa pangalan nito.


Nanlalaki naman ang mga matang nakatingin lang si Yxan sa ina at kapatid nitong nasa kalsada.



*Beeeeeep*


Napayakap ang ginang sa anak na babaeng natulala sa paparating na sasakyan sa kinaroroonan nilang mag ina.


May isang truck ang paparating at nawalan ito ng preno at kontrol sa minamanehong truck, mabilis ang takbo nito. Hindi malaman ng lahat ng tao ang gagawin lalo na ang mag-inang nasa gitna.




Bago pa madikit ang truck sa katawan ng ginang ay mabilis na niyang naitulak ang anak na babae sa kabilang kalsada. Nagtilihan ang mga tao sa paligid at nagsisigawan. Nabitawan naman ni Alyxandrius ang hawak na laruang robot dahil sa pagkabigla sa nasaksihan.



"Tumawag kayo ng ambulansiya! Bilis!"

Iyan ang maririnig sa parkeng kinaroroonan ng mag-iina. Tulala namang lumapit sa kumpulan ang batang si Alyxandrius, titig na titig ito sa inang naliligo sa sariling dugo.



"Mamaaaaa!"


Bigla siyang napaluha at tumakbo upang yakapin ang walang malay na inang nakahiga sa lupa. Hindi na niya alintana ang dugong kumakapit sa balat niya.



"Yung bata! Yung bata!" Luhaang napasulyap sa kabilang kalye ang batang lalaki.


Lalo siyang napahagulgol ng makita ang duguan din niyang kakambal na walang malay. Nang itulak ito ng ginang ay hindi inaasahang may paparating na motorsiklo kaya nahagip ang batang babae, dahil sa pagkakabangga ng motor ay tumilapon ang batang babae na sanhi ng pagkakauntog nito sa malaking bato sa gilid ng kalsada.




THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now