CHAPTER 3: Grocery Time

10.2K 366 10
                                    


LEXA's POV

It's been 5 days since Mama Loisa left, at namimiss ko na siya ng sobra. Hindi ako sanay na malayo siya sa akin. Haaaay.

"LEXA??!!" Narinig kong tawag sa akin ni Yxan.


Napahinto ako sa aking ginagawang pagtatanim sa paso at tumayo sa pagkakaupo.


"I'm here!" Sigaw ko pabalik.

Nakatayo lang ako at hinihintay na siya mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko.


"There you are." Bungad niya.


"Bakit?" Tanong ko at lumingon sa direksyon kung saan ko narinig ang boses niya.


"Grocery time. Want to come with me?" Malambing na tanong niya.

"Hindi na siguro." Mahinang sagot ko.


"Why? Para naman makapasyal ka naman, hindi 'yong nasa bahay kana lang parati." Sabi ni Yxan.

"Pero, baka matagalan lang tayo kapag sumama ako." Sabi ko.

"Of course not. Hindi naman tayo magmamadali kaya ayos lang kung matagalan." Sagot niya.


"Yxan. Wala akong maitutulong doon. Dagdag alalahanin pa ako sayo." Sabi kong muli.

Ayoko kasi na maging istorbo ako sa pamimili niya, tsaka wala din akong maitutulong kasi hindi ko naman nakikita kung anong mga bibilhin.


"Syempre meron kang maitutulong twinnie, shopping cart, kahit ikaw na manghila nun okay na sakin." Masaya ang boses nito sa pagkakasabi 'nun.


"But-"

"No buts." Putol ni Yxan sa balak kong sabihin.


"You will come with me. So tara na at tulungan na kitang maghugas ng kamay mo." Magiliw na sabi niya at hinila na ako papasok ng bahay pero mabagal lang dahil baka mapatid ako.



Bago umalis ng bahay ay tinawag ko ang apat na alaga ko.


"Shine! Logan! Cole! Highlight!" Sigaw ko.



Narinig kong nagsitahulan sila at patakbong pumunta sa kinaroroonan ko. Napangiti naman ako.



"Stay here, okay? No one is allowed to enter the house, and just behave. Understood?" Pagbibilin ko.



"Arf! Arf!" Nag-uunahan naman sila sa pagtahol na parang naintindihan ako.



"Good." Nakangiting sabi ko at humarap na kay Yxan.

"Let's go." Sabi ko.


Naramdaman ko naman ang paghawak ni Yxan sa siko at balikat ko upang alalayan ako sa paglalakad at hindi mabunggo kung saan.

At Grocery Store.......


"Oh heto na beautiful." Rinig ko si Yxan sa tabi ko.

Kinuha niya ang mga kamay ko at ipinatong sa hawakan ng shopping cart. Sumusunod lang ako sa direksyong pinanghihilaan niya sa cart.



Sabi niya ako ang manghihila pero siya naman itong nanghihila sa unahan ng cart. Napapailing nalang ako at napapangiti sa kaniya.


"Okay stay here, kukunin ko lang mga nasa listahan sa parteng ito." Sabi ni Yxan na tinanguhan ko lang.



Naramdaman kong gumalaw ang cart at ang ingay ng mga bakal na cart at tunog ng cans. Ibig sabihin nagsisimula na siyang maglagay ng mga pinamimili sa cart namin. Nakatayo lang ako habang hawak ang cart, hinihintay si Yxan na matapos.



THE SIGHTLESS LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon