CHAPTER 54: Giving Birth

4.8K 130 2
                                    


THIRD PERSON

Manganganak na yata ako..

Bulong ni Lexa sa kaniyang sarili. Kahit kalagitnaan na ng gabi ay patuloy pa rin ang labanan na wala nang katapusan.


Tanging liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan na lamang ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran.


Todo pigil sa sarili si Lexa na huwag mapasigaw sa sakit na nararamdaman, dahil iniisip niyang mahuhuli sila kapag gumawa siya ng ingay. Ayaw niyang mapahamak ang kaniyang anak.



Samantalang ang mga lobo ay patuloy pa ri sa paghahanap sa kaniya, hanggang ang isa sa mga ito ay naamoy ang kaniyang amoy.



Basang basa na ang pisngi ni Lexa sa kakaiyak at may dugo na ring lumalabas sa kaniyang bibig dahil sa kaniyang pagkakakagat rito.



Lalong nakaramdam ng pangamba si Lexa nang maramdaman ang presensya ng mga lobo na papalapit sa direksiyon nila. May kalayuan pa naman ang mga ito, dahil sa senses niya gawa ng pagiging primordial ay mabilis niyang maramdaman ang mga ito. Huwag lamang mawala ang kaniyang atensyon sa mga ito.



Nang maramdamang lalabas na ang kaniyang anak sa kaniyang sinapupunan ay humugot muna siya ng malalim na paghinga at kumapit sa makabilang paanan ng malaking punong pinagtataguan nila. Umayos siya ng upo at, hinubat ang suot na bestida upang ilagay sa kanyang ilalim ng legs kung saan lalabas ang bata.


Hindi na niya alintana ang kalamigan sa suot na bra lamang, mabuti na lamang at may dala siyang manipis na tela na itinatali niya ng kaunti palagi sa bewang niya.


Nang hindi na niya makaya pa ay buong lakas siyang sumigaw upang makairi, gusto niyang sa isang sigaw na iyon aym mailalabas niya ang anak at isang sigaw para malaman ni Tyler ang sitwasyon niya.




"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"


Ang isang sigaw ay nagpatigil sa lahat ng mga lobong naglalabanan at sumusunod sa kaniya. Lahat ay napatigil.



Ang kapapasok pa lamang na Herisha, Andreighus, Yxan at Thaddeus sa Vaughn Village ay napatigil pansamantala dahil narinig nila ang isang napakalakas at mahabang sigaw mula sa isang boses ng babae na kilalang kilala nila.



"SHIT!" Napamura sa katarantahan si Yxan at mabilis inaya si Thaddeus na puntahan ang pinagmulan ng sigaw.



Sumunod naman sa kaniya sina Herisha at Andreighus na kapwa nag-aalala sa sitwasyon ng pamangkin nila.




Samantala, sa pwesto naman ni Tyler ay mayroon siyang gulat na gulat na expression sa mukha dahil sa sigaw ng kaniyang asawa.


Balak na sana siyang tapusin mga kaharap at puntahan agad si Lexa ngunit gagalaw pa lamang siya ay napatigil muli at biglang napaluha sa katulahan ng narinig.



"UWAAAAA!! UWAAAA!! UWAAAAA!!"



Iyak ng isang sanggol. Sigurado siyang malapit lang sa kinaroroonan niya ang mag-ina. Alam niyang nasa kagubatan ang mga ito dahil sa pag echo ng mga naririnig niya, halatang sa gubat. Narinig rin nila ang mga ibong hindi mapakali at nagsiliparan.




"LEXA." Sambit ni Tyler at mabilis na pinatay ang tatlong kaharap at mabilis na nagshift.



Ngayon pa lamang magshishift si Tyler upang may sapat na lakas parin siya. Kahit may sumusunod sa kaniya ay hindi siya nagpatinag. Mas kailangan siya ng mag-ina niya sa mga oras na iyon.




THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now